This spoken poetry ay nasa page ko padin pero naka film po yong piece ko nato. This is entitled..
"LALAKI"
LALAKI sila yong malakas.
Malakas mang Iwan, malakas mangako tapos papakoin lang din naman pala.
Palagi akong may nababasa sa net.
Lalaki daw yung mabait o baka lalaki yong mahilig pumalit.Lalaki daw yung seryoso o baka malakas manloko.
Lalaki daw yung hindi bumabase sa itsura o panlabas na kaanyuan.
Bakit may pinapalit?
Bakit may babaeng umiiyak ?Mga ibang lalaki puro pabiktima, pero Hindi niyo naisip yong sakit na sinasapit naming mga babae.
Na kapag nagloko kayo isang hingi niyo lang ng sorry, marupok nanaman ulit kami.
Yung sakit na dulot nang bawat panloloko ninyo, itutulog nalang tapos kinabukasan okay na babangon ulit?
Tanga walang ganon kapag yung babae, nasaktan sila yung iiyak pero magiging tanga ulit.
Madalas natatawag kaming marupok, kasi kahit gaano pa kalalim yung sakit na ginawa niyo "MAHAL PARIN KAYO."
Lalaki sila yong masasabi nating the one o baka malakas mang-eONE.
Ikaw lang sapat na at hindi ako papayag na mawala ka.
Iingatan kita at mamahalin pang habang buhay.Isang malaking SANA ALL.
Teka , Teka parang may mali. Libong tao na yata, nakita at narinig kong nagsabi nito pero ayon nilunok padin ang bawat pangako.
Lalaki bakit ang daling magpalit at manloko?
Baka sasabihin niyo nanaman na walang babaeng maloloko kung hindi kayo nagpapaloko.
Baka sasabihin niyo nanaman huwag mong lahatin, ibahin mo kami.
Lagi kayong nandiyan para pagaanin yung loob namin at kapag nakuha niyo na kami, wawasakin niyo rin naman kami.
Masarap daw magmahal yung lalaki.
Masarap ba yung hinahayaan kang umiyak sa gabi-gabi.
Pagmamahal na may kahati.
Ipaparamdam kung gaano ka niya kamahal habang patalikod ka niyang ginagago.
Masarap ba yong kapag nagsawa na siya mangiiwan nalang bigla.
Tapos biglang magsasabing "Kayo naman nang-iiwan."
Walang babaeng iiwan ka kung hindi mo binibigyan ng dahilan.
Walang babaeng susukuan ka , kung hindi mo pinangakuan na hanggang dulo tayo pero sa iba mo ginagawa yung lahat ng atensyon o bagay na dapat sakanya lang.
Dahil kong mahal mo yung babae Sana umpisa palang siya lang at wala ng iba.
Hindi niyo ba naisip na sa tuwing niloloko niyo yung mga babae walang tigil sa pagtakbo ang bawat isipan namin.
Kung saan ako nagkamali?
Anong kulang?
Nasakal ba kita?
Nakakapagod ba akong intindihin?
Huwag niyo kaming sasanayin na lagi kayong andiyan kung iiwan niyo din naman pala kami.
Walang magbabago kung hindi niyo binibigyan ng dahilan para magbago.
Kapag magmamahal kayo dapat isa lang hindi pwedeng dalawa o higit sa dalawa.
Piliin mo maging tapat dahil 'yon ang totoong lalaki.
Mahalin mo yung taong andiyan, Bago mo pagsisihan sa bandang huli.
Huwag kang mag hangad ng magandang babae, piliin mo yung pipiliin ka sa araw-araw.
"LALAKI"
YOU ARE READING
SPOKEN POETRY (COMPLETED)
PoetrySpoken Word poetry malayang pagtula na ginamitan ko ng malayang taludturan na may tugma.