Itong tulang ito ay para sa mga taong.
Sila yung nauna
Pero
Bakit sila yung nagiging pangalawa sa pilian.
Yung mga taong hindi marunong makuntento.
Yung mga taong siguro..
Nakaranas na ipagpalit sa malapit.
Isa, dalawa, tatlo.
Simula ng naging tayo.
Ang saya saya ko.Sabi ko ako na yata ang pinaka masayang babae sa mundo.
Bawat segundo, minuto at oras ko ay ginugol ko sayo.Makausap kalang at lubusang makilala.
Kahit ako'y puyat na rereplyan parin kita.Katagang..
"Okay kalang ba."
"Kumain ka naba?"
Iilan lang yan sa iyong linyahan na nagparamdam sa akin kung gaano ako kahalaga.
Makalipag ang ilang buwan, ika'y nagbago.
Hindi kana kumikibo.
Hindi mo na ako pinapansin at bawat message ko sayo puro nalang seen.Ito ako
Araw-araw naghihintay sa presensya mo.
Umaasang kakamustahin mo man lang ako.Ang dating makulit ay biglang nanahimik.
Ang dating init ay biglang nanlamig.Online ka naman bakit hindi ka magparamdam.
Wala naba akong halaga sayo?
O
Iba na ang gusto mo?
Sana naman ipagtapat mo.
Nang hindi ako masaktan ng husto.Dahil ba magkalayo tayo?
Kaya't relasyon natin ay biglang lumabo?
Ang dating "MAHAL KITA" ay napalitan ng
"TAMA NA AYOKO NA"Pinili mo siya dahil magkalapit kayong dalawa.
Pinili mo siya dahil lagi kayong magkasama!
At
Pinili mo siya dahil walang pagitan ang makakahadlang sa inyong dalawa.
Nakakasawa na!
AYOKO na!
Ayoko ko ng sumugal pa dahil alam kong ako na ang talo.
Ayoko ng ipaglaban kapa dahil ako'y pagod na.
Ayoko ng ipatuloy ang istorya nating dalawa dahil simula palang tinuldokan mo na.
Ayoko na dahil habang may tayo meron ng bumubuo ng bagong istorya, na kung saan kayong dalawa ang bida.
At..
Ako lang toh nakiki-eksena.
Sana maging maligaya ka dahil pinapaubaya na kita. Salamat sa sandaling ating pinagsamahan.
Dahil meron akong natutunan.
Na ang luha ay hindi dapat sinasayang sa maling taong sinasaktan kalang ng lubusan.
YOU ARE READING
SPOKEN POETRY (COMPLETED)
PoesíaSpoken Word poetry malayang pagtula na ginamitan ko ng malayang taludturan na may tugma.