BREAST CANCER

350 6 0
                                    


"BREAST CANCER"

Ito'y sakitt na hindi mo alam kung gagaling kaba o hindi. Sakit na hindi mo naman ginusto pero ika'y naghihirap.

Bawat patak nang luha mo dahil sa sakit na iniinda at dahil nahihirapan kana.

Sa diyos ipinaubaya lahat, naghihirap kung saan ba makakahanap ng panggastos.
Wala kanang pakialam kung lumubog man sa utang o maubos man ang pera kapalit ng buhay mo.

Masakit makitang naghihirap ka lalabas sa mga bunganga namin mga katagang hindi pa kami handang mawala ka dahil ikaw ay mahalaga .

Breast cancer, simpleng salita pero araw araw kung dinadasal na sana mawala kana.

bakit dumating kapa?

Hindi ka naman hiniling pero kusa kang dumating . Gusto kung takbohan yung problema, yung sakit, hirap at Pangamba na baka sa isang iglap mawala yung taong ayaw kong mawala.

Magkalipas ang panahon, kondisyon moy lumalala. Ang sabi ko sayo manatili ka dahil hindi ko kayang mag-isa at iwan mo.

Pero madaya, hindi ako naging sapat na dahilan para manatili ka.

Breast cancer bakit kapa dumating?

Ikaw ang pinaka ayaw ko sa lahat. Ikaw ang gustong iwasan nang tao pero pilit mo parin isinisiksik ang masamang dulot mo.

Lubayan mo kami, ayaw kong maranasan sumigaw sa sakit at umiyak sa magiging wakas ng buhay ko.

Baka maaring manatili nalang at bigyang Pagkakataong gumaling?

Pakiusap tulongan moko magkaroon ng Lunas sa kondisyon kong cancer, ayaw ko na! Tama na.

Breast cancer kailangan mong seryosohin dahil ito ay hindi Isang biro na iinoman mo lang na kung ano-ano at mawawala na kaagad bigla.

"BREAST CANCER."

"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
SPOKEN POETRY (COMPLETED)Where stories live. Discover now