Sa bawat oras na hindi kita kasama
ang puso ko'y sabik na ikaw ay makita
nais madama ang dampi ng iyong labi,
nais maramdaman ang init ng 'yong pagmamahal sa akin.Sinta, ikaw ang ninanais makasama
ikaw lamang at wala ng iba!
Ngunit bakit ako'y iyong iniwan?
palaging binabalikan ang mga alaalang naiwan,sa nakaraan ay hindi makaalis
sapagkat bumabalik ang sakit ng kahapon,
alaalang hindi mabura sa aking isipan.kung paano mo ako mahalin at alagaan.
Ang sakit lamang na ako'y iyong iniwan
ngunit mahal ko, palaging tatandaan
Ikaw at ako hanggang kamatayan,
kung kaya't ituloy natin ang ating pagmamahalan, Aking sinta,
sa kabilang buhay na lamang.
YOU ARE READING
SPOKEN POETRY (COMPLETED)
PoetrySpoken Word poetry malayang pagtula na ginamitan ko ng malayang taludturan na may tugma.