Pwede bang ako na lang?
Ako na Lang ulit?
Magsimula ulit tayo?
Ituloy natin ang naudlot nating kwento?
Ilan lamang yan sa tanong sa aking isipan
Kung pwede ba ang ating nakaraan ay balikan.Ang mga bagay na pinagtalunan
Ay muli nating pagusapan.Pwede bang iwan mo sya?
At saakin ay muling magbalik ka?Parang awa mo na
Utang na loob bumalik ka!Teka Lang...sandali..
Bakit parang hindi na ako ito?
Bakit ako nanlilimos ng pagmamahal sa taong hindi na interesado?Hindi ko na alam kung tama pa ba?
Kung ako pa ba to?
Tekaa nagugulohan ako
Hindi na ako ito eh!Babalik ako sa simula
Panahong wala ka pa
At ang saya
Ay kita pa sa aking mukha.Kakayanin ko kaya yon magisa?
Gayung sanay ako na nandyan ka?
Pano ako magsisimula?
Pano ko itatama ang mga maling nagawa? ng ako lang magisa?
Panahong lumong Lumo na ako!
Tila ginagago ako ng mundo,
Social media naging sandalan ko
At doon nakakuha ako ng atensiyon ng maraming tao na naging dahilan ng pagbangon ko.Unti unting bumabalik ang dating ako
Hindi ko naman pala kailangan ng pagmamahal mo.Hindi lang pala sayo umiikot ang mundo ko
Dahil naging parte ka Lang ng mundo ko.Kaya salamat,
Sa maiksing panahon na nakasama ka
Ako ay naging masaya ngunit paalam
sa mga alaala na ginawa nating dalawa
Dahil malaya kana.
YOU ARE READING
SPOKEN POETRY (COMPLETED)
PoetrySpoken Word poetry malayang pagtula na ginamitan ko ng malayang taludturan na may tugma.