TULA PARA SAYO

518 4 0
                                    


Ito na ang magiging huling tula,
Tula na aking isusulat para sayo, Sinta
Sana'y iyong mabasa ang itong aking mensahe sayo.

Nais kong mabatid mo ang sakit na dinulot mo, pero kahit na ganon hindi ko pa rin pinagsisisihan na ikaw ay aking nakilala.

Yung mga araw na wala ka sa aking tabi, Kung ano ano ang pumapasok sa isipan ko.

Masaya ako na makita kitang masaya,
masaya sa piling ng iba.

Habang ako'y nagmumukmok sa isang tabi.
Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nangyari?

Hindi madali na ikaw ay pakawalan
at dahil ikaw na mismo ang nagsabi ng mga katagang 'Ako'y iyong kalimutan na lamang'
gagawin ko ang nais mo, masakit man dito sa puso ko.

Masakit ang sugat na iyong dinulot
Sugat na kailanma'y hindi mananatiling sugat, sapagkat ito'y maghihilom.

Ngunit kahit wala na ang sakit, mag iiwan pa din ito ng marka.
Ang marka na magsisilbing libro ng kasaysayan na mag papaalala sa akin ng mga pangyayari.
Pangyayaring kahit kailan ay di ko pinagsisisihan.

SPOKEN POETRY (COMPLETED)Where stories live. Discover now