Fall I. First Step

61 2 1
                                    

A/N:  Hi! This is my first story First Fall. I decided to not to revise this story anymore. Narealize ko na I can change the genre sa sequel nito :3 Yes, I am planning to make a sequel pero syempre baka ten years after pa siya LOL anyway, sa mga magbabasa, salamat.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

“Oooooohhh totoo yun!?” sabi ni Cynthia kay Em. Kitang kita yung pagkagulat sa mukha niya.

Lumapit naman ako sa kanila. Nacurious ako eh.

“Oo totoo talaga siya gurl! Kitang kita ko. Grabe...” tuwang tuwa si Em.. Ano na naman kaya yung pinag-uusapan nila? 

“Dapat tinawagan mo ko nun! Eh di sana nakita ko rin!! Ang daya mo!!” sabi ni Cynthia habang pinagpapalo ng notebook si Em sa balikat.

“Hay nako, kung tinawagan pa kita.. Baka magtitili ka lang dun at di mo kayanin. Papuntahin mo pa ko sa ospital nang di oras and worse, bibitbitin pa kita. -_- “

Magsasalita na sana ako pero biglang may humatak sa kin.. tinakpan pa yung mata ko. -_-

“Aray! Pwede bang wag mo kong hatakin!? Have mercy on me!!!” medyo pasigaw ako. Ayoko pa man din sa lahat ganito..

Tuloy tuloy lang ang pagkaladkad niya sa ‘kin.. ano ba ako? Stroller bag? Bwiset! Pero hindi naman masakit yung pagkakahawak niya sa’kin kaso nakakaladkad na talaga ako.. Tsaka.. ang lambot ng kamay neto.. parang.. parang kamay ni..

“CROWN!?” sabi ko sabay kawala sa pagkakahawak niya sa ‘kin.

“hahahaha!!! Akala ko di mo na ko makikilala eh!” tawa lang siya nang tawa.. Kung di ka lang gwapo binatukan na talaga kita nang bonggang bongga. Tsk.

“Ano bang problema mo at ginawa mo akong stroller bag? Basted ka ba?” LOL. Para namang mababasted ‘tong gwapong nilalang na ‘to. Eh hindi pa nga nya nililigawan yung babae, sila na agad. Palibhasa, nasa kanya na lahat. May itsura na, may pera pa at matalino pa! Sino namang tanga ang hindi magkakagusto sa pinakamayamang estudyante sa Amberlaine Academy?

“Wew.. Ako!? Basted!? Kahit kelan sa buhay ko hindi ko pa nararanasang manligaw!! And of all people, alam mo yan..”

“Syempre ganun talaga.. hindi ka pa nanliligaw sinasagot ka na agad.. Minsan, ikaw pa nililigawan (“-_-) Halos lahat nga ng mga babae dito sa campus – ”

“pwera ikaw”

“oo pwera ako… ay may gusto sa’yo..”

“pero hindi naman lahat sila mahal ako.. yung iba dyan.. mahal yung PERA ng family ko..”

“shoosh.. drama neto..!” pero sabagay.. may point naman sya eh. Kahit puro mayayaman na ang mga estudyante dito sa AA, MGA MUKHA SILANG  PERA (oo, sila lang… wag nyo akong idamay).

At naiinis talaga ako sa kanila dahil dun.. buti na lang.. di ako ganun kayaman at kaganda na maala dyosa ang dating. I love the way I am. Well, si Crown? He’s a very close friend of mine. Nakalimutan ko na nga kung pano kami naging ganito ka-close. Pero masaya ako kasi nakakausap ko nang ganito kalapit ang very famous and popular Crown Xyder Endelsson. Kaya nga yung mga may gusto sa kanya? Ay nako.. halos mamatay na sa inggit sa ‘kin hahahahahahahaha. At ako? Ako lang naman po si Xean Sapphire Eledemiere.

Naglakad na sya papunta sa hagdanan.

“Hintayin mo ko after school ha!?” sabi nya habang paakyat ng hagdanan. Susunod na nga sana ako kaso bigla akong nagutom kaya sa cafeteria na lang ako nagtungo haha.

The First FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon