Fall XVII: This Feeling of Anxiety

24 0 0
                                    

Umagang umaga ang ingay sa classroom pagdating ko. Talamak na naman ang walang hanggang tsismisan pero araw araw naman ganito ang eksena pero ewan ko. Parang mas maingay sila ngayon. Ano bang meron? Outdated ba ko?

Hinanap ko si Therese pero hindi ko siya makita. Magtatanong sana ako kung ano nangyayari. Pero hinayaan ko na lang na mag-ingay sila. Wala rin namang kinalaman sa kin yun.

"Sally alam mo ba yung nangyari sa camping ng TLE club?"

"Oo. Nagulat nga rin ako eh."

Camping ng TLE club?

Narinig ko yung usapan ni Sally at Samantha na hindi kalayuan sa inuupuan ko. Parang may something pero hindi ko ma-gets.

"Sabi nila Kendrick, narinig daw nila yung usapan ng mga teachers sa faculty. Ang sabi, ung mga kasama na members sa camping nawawala."

"Panong nawawala?"

"Tumawag daw yung adviser ng club sa faculty at choppy daw ang dating nung adviser ng club. Tapos ang sabi pa, andami daw weird sounds dun sa tawag. Parang may nangyayari daw nung tumawag yung adviser. Hindi ba weird? Kinikilabutan ako. Buti na lang hindi ako sumali dun."

"Baka naman joke lang yan. Porket choppy at may weird sounds parang may something na? Hindi ba pwedeng nasa kabundukan sila at sounds ng forest ang weird sounds?"

"Sabagay.. oo nga no.."

"Masyado kayong aligaga kasi. "

Nga naman. Camping nga kasi.. Naloka naman ako. Akala ko kung ano na meron. Anyway...

"Guys si Kristhen!!" sigaw ni Brendt.

"Woi.. kamusta? Tagal nating nawala ah. Akala namin nagdrop ka na."

"Hindi no."

"Pero pre. Condolence ha."

Napatingin ako sa may gawi nila Kristhen. Buti naman at pumasok na siya. Ngumiti siya sa 'kin at ganun din ako sa kanya.

"Ay wait guys.."

Nakita kong papalapit si Kristhen sa 'kin.

"Xean.. May kailangan nga pala akong sabihin sa 'yo."

"Huh? Ano yun?"

"Pwede bang sa labas na lang tayo? Masyado kasing maingay dito"

Lumabas kami ni Kristhen at dun niya sinabi sa 'kin yung gusto niyang sabihin.

"ANO?! W-wa-wait... si Crown... yung camping niya... sa TLE club yun?"

"Oo Xean. Kaninang umaga ko lang nalaman na kasama si Crown sa camping na 'yun."

"So yung pinag-uusapan nila Sally kanina totoo? Pero.." hindi na ko mapakali sa sinabi ni Kristhen.

"Kasama ang tita ko sa camping na 'yun. Tumawag siya sa 'min kahapon lang at hindi namin siya maintindihan dahil choppy. Pero may sinabi si tita hindi ko lang masyadong naintindihan pero sabi niya marami sa mga estudyante ang nawawala at hinahanap nila yun. Tapos dun na naputol yung linya."

"Kinakabahan ako Kristhen. Gusto kong malaman kung okay si Crown."

"Sinubukan na namin tumawag kay tita kahapon pero hindi na namin siya macontact. Malamang walang signal don. May mga pumunta nang rescuers dun kaya natulungan na rin sila."

"Pero hindi ako mapapalagay hangga't di ko nakakausap at nakikita si Crown. Gusto kong pumunta dun. Gusto kong malaman kung ayos lang siya."

"Ahh.. kung gusto mo talaga.. Sa Wednesday ang umpisa ng celebration ng academy para sa start ng club activities. Pwede tayong mag excuse since wala naman gagawin dun. Hanggang Friday na siya dahil ang dami rin ng mga bagong approved na clubs."

The First FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon