Fall IX. Wait. WHAT!?

25 0 0
                                    

"Good afternoon class.. How's your day so far? The second grading exam is just a few weeks closer. We will have our third long quiz next week so please start studying now. I don't want any of you to fail in the quiz so please study... Okay, so for now, get one whole sheet of intermediate paper and we will have a short quiz."

Yan si Sir Alen Driad Martinez. Nakaka-isang daang short quiz na ata kami sa kanya. Pero kakaiba yang si Sir ah... Sa lahat ng Math teacher na nakilala ko, sya lang ang mahilig magpaquiz pero hindi lang basta basta quiz un... Essay type. Oh di ba? Daig pa English subject namin sa mga essays na nasulat namin sa subject niya. Sabi kasi ni Sir, naniniwala daw siya na ang estudyante di lang dapat matutunan ang Math na puro problem solving, computation, proving at kung anu ano pa kasi nga daw dun pumapasok yung tanong na: 'Aanhin ko 'to paglaki ko? Para naman magagamit ko 'to sa magiging trabaho ko eh magdodoktor lang naman ako cheverloo ekek' na madalas sinasabi ng mga estudyanteng mahilig magreklamo dahil hindi nila alam kung paano ba nila iintindihin yung lesson. Sabi ni Sir, sa pamamagitan kasi ng essay, dun niya nakikita at nalalaman yung pananaw ng estudyante tungkol sa Math.

Bilib nga ako dyan kay Sir eh. Ang talino kasi sa Math. Idol eh. May itsura, maputi, matangkad, nakabrace, pang kpop ang buhok at ang cool lang pumorma. Kahit na may uniform ang teachers nakukuha pa rin niyang pumorma. Ideal na ideal eh. Kasoooo... sabi nung iba bekiness daw yan si Sir eh. Wala naman ako naaamoy pero ewan ko. Ah basta tinitingala ko yan si Sir XD

 "Pst! Shy! Penge" tawag ko kay Shy na medyo pabulong.

Inabutan naman ako agad ni Shy ng papel. Source namin sa papel yan eh. May factory kasi sila ng papel kaya ayan. hahahaha Unlimited lang ang peg hangga't buhay ang factory nila XD

 "Salamat!!! :) "

 Nag short quiz lang kami tapos konting discussion at dismiss na. May next subject pa kami which is Filipino at ang discussions namin ay Wika. Strict ang teacher namin sa Filipino. Gusto niya intelektwal kami pagdating sa klase niya. Kung gaano kahinhin si Maria Clara sa nobelang Noli Me Tangere ay ganun din kami kahinhin sa klase.

 "Sa pagsisimula ng ating pagtatalakay, muli ay aking inaanyayahan ang lahat na tumingin sa pisara at makinig sa palatuntunin sa araw na ito. Maaari lamang na walang gagawa ng kahit anong ingay at ang lahat ay kumilos nang naaayon at nasa ayos. Nais ko rin na kayo ay sumulat ng kanya kanya ninyong tala upang magamit ninyo sa nalalapit na pagsusulit para sa ikalawang bahagi ng inyong ikatlong taon.. "

 Ganyan halos araw araw ang speech ni Ginoong Juan Lucas Marksis Didato Filinio. Buo niyang pangalan yun. Didato yung middle name niya at Filinio yung surname niya. Titik 'p' na nga lang at konting scramble ng apelyido niya Filipino na eh. #medyocool hahahahaha Tapos ganyan pa yan magdiscuss .. Tagalog na tagalog. Kaya nga pagdating ng uwian namin yung mga kaklase ko nahahawa eh. At madalas nadadapuan din ako.

 Napaka strikto niyan. Sa pagtataas ng kamay sa pagrerecite gusto niya yung diretsong diretso ganun na rin sa pag-upo. Pag nakita ka niyang nagtataas at paling ang kamay mo o kaya naman di maayos ang pag upo mo, ibabato niya yung hawak niyang marker sa'yo habang poker face lang siya at swerte mo na lang kung makailag ka.Pero malas mo kung binato ka niya tapos tinamaan ka at ang malala walang takip yung marker at sapul ka sa mukha mo. Pwedeng umuwi ka na may pilat ka ng marker sa mukha o kudkudin mo yung mukha mo ng tubig sa comfort room after class. Ayaw na ayaw din kasi ni Sir na may lumalabas ng room pag may discussion. Ayaw din niya ng kahit anong galaw.. Napaka strict niyan. Ewan ko ba baka bata pa lang yung magiging anak niya in the future daig na ang sundalo sa sobrang tuwid ng kilos.

 Si sir din yung naging teacher namin nung 2nd year sa Florante at Laura. Kaya nga ngayon sanay na kami kasi nung last year pa lang alam na namin ang kapalaran namin pag sya ulit yung naging teacher namin sa Filipino. May nabato nga siya sa 'min dati ng pambura sa whiteboard eh. Kawawa nga eh. Inatake ng hika nung nasapul sa mukha. Napulbusan ng residues ng ink yung mukha niya eh. Ayun dinala sa ospital. Napagalitan nga si Sir nun eh pero siya naman yung sumagot sa gastusin nung estudyante at dalawang linggo siya nasuspend at dalawang linggo din kami nakahinga nang maluwag luwag sa Filipino dahil kay Ms. Evy na teacher din sa Filipino. Kung ano nga ang ikina-strikto ni Ginoong Filinio ganun naman kaluwag kay Ma'am.

 Pero kahit na nakakasakit si Ginoong Filinio, nirerespeto pa rin siya ng lahat. At pag sinabi kong lahat.. as in lahat! Halos tapos na siya sa doctoral niya. So far wala pa rin naman nagrereklamong estudyante tungkol kay Ginoo. Patas naman kasi siya magbigay ng grades at alam naman ng mga magulang kung bakit nasasapul sa mukha yung mga anak nila eh kaya walang problema.

 Medyo may edad na rin si Ginoo at isa siya sa mga naghahandle ng Amberlaine's Filipino Theater Club. Iba yun sa theater club kung saan ako kasali. Yung doon kasi talagang teatro at pawang mga propesyonal na talaga. Kumbaga may training talaga dun. May bayad din kasi yung pagsali sa club na yun di tulad ng theater club ko LOL maka ko eh.. di bale pag dumating ang araw magtatayo ako ng sarili kong theater club para naman masabi kong 'ko' talaga hahahaha

 Bata pa lang ako mahilig na talaga akong manggaya ng mga pag iinarte ng mga artista sa mga napapanuod kong palabas sa tv. Magaling na rin ako bata pa lang. Naniniwala talaga silang lahat pag nag iinarte akong may sakit nung elementary kaya madalas akong maaga umuuwi. Hindi man ako mainit na parang may lagnat, umaarte akong nasusuka, masakit ang tiyan, masakit ang ulo o kaya naman yung tipong may allergy kahit wala naman talaga. Wala kakamutin ko lang nang kakamutin yung braso ko o kaya yung leeg ko hanggang sa mamula siya. Eh naniniwala naman yung mga teachers ko kasi may luha luha pa kong nalalaman hahaha

 Nagtataka nga yung lola ko pag dinadala niya ko sa ospital eh. Eh pano nga kasi ang dami kong sakit sa eskwelahan pagdating sa ospital wala naman. XD yan ang mga gawain ko nung bata ako. Nakakamiss tuloy magloko. Hindi ko na rin kasi maga-

 "Ouch!!"

 "Binibining Eledemiere, makinig ka sa aking tinuturo hindi yaong nawawala ka sa iyong sarili. Ano ba iyang iniisip mo at tila malalim? Nais mo bang ibahagi sa amin at baka makatulong kami sa iyong pag-iisip?"

 "Pasensya na po ginoo.. di na po mauulit" tinamaan ako nung takip ng marker sa ulo. Buti yun lang yung binato sa kin ni Sir kaya di masyadong masakit. Di ko namalayan nagdo-doodle na pala ako habang nag ispace-out. Napansin ata ni Sir yung mga pinaggagagawa ko kaya ayun.

 Pinulot ko na yung takip ng marker ni sir. Tatayo na sana ako nung bigla kong makita na hawak na ni Sir yung notebook kong may doodle.

 "Wala ata akong maalala binibining Eledemiere na nagpapagawa ako ng ganito sa inyong talaan? Sabihin mo nga sa akin kung ano ba ang mas importanteng bagay na iyong iniisip kaysa sa aking tinatalakay?"

 "Wala lang po yun Ginoo. May naalala lang po ako"

 "Ayoko nang makita kang may ginagawa habang nagtatalakay ako ha?! Sa susunod na maulit yan, hindi lang takip ng marker ang maibabato ko sa iyo." binalik na ni Sir ung notebook ko sa kin. at binalik ko na rin yung takip ng marker sa kanya.

 Nakita ko yung dinoodle ko sa notebook at may nadagdag dun. Dinrawingan ni sir ng chibi na babae na nakakalumbaba tapos may speech bubble pa. Sa loob nung speech bubble, may chibing lalaki naman. Oo, akala ni sir nag de-daydreaming ako. tsss... pinirmahan pa niya at nilagyan ng date.. may pagka adik din 'tong si sir eh..

 Natapos ang discussion namin sa Filipino. Hindi lang yun yung unang beses na nabato ako ni Sir. Ilang beses na rin simula pa last year. Pero mostly nakakailag ako. Wala eh. Mabilis reflexes ko eh hahaha Madalas kasi ako mag space-out pag nabobore na ko sa discussion. Medyo weird si Sir pero wag kayo.. Maganda asawa niyan ni Sir.  Nahihiwagaan nga ako kung pano nanligaw yun eh. Wala pa silang anak nung asawa niya. Hindi ko alam kung bakit. Baka baog si Sir LOL

Natapos ang discussion namin sa Wika at dismiss na. Wala naman kaming practice at wala rin naman kaming usapan ni Crown.. Naalala ko tuloy yung kanina. Tinawagan ko nga si Crown..

 Ilang minuto ang lumipas..

 “The subscriber cannot be reached. Please try your call later”

 Leshe. Ayaw ma reach kaya pinuntahan ko na lang siya sa room nila. Kakalabas pa lang ng room nila yung teacher nila sa Science. Nakita ko naman agad yung kagwapuhan ni Crown. Tatawagin ko na sana siya kaso bigla niyang kinausap yung babaeng medyo brown yung buhok na maputi at maganda. Nairita naman ako dun sa babae nung nagpacute siya -_- Kelangan talaga nagpapacute pag kausap si Crown? Bwiset.

Matagal tagal din akong naghintay na matapos ang usapan nila. Tawa nga nang tawa si Crown habang kausap yung babae eh. Medyo nakakairita silang pagmasdan. Palabas na si Crown ng room nila nang bigla siyang hinatak nung babae at hinalikan sa pisngi..

   WAIT....

WHAAAAAT!? 

The First FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon