Fall III. A Knight in Shining Armor

13 0 0
                                    

“Pwede bang out muna ako dyan?” tae.. lahat na lang ba kelangan kasama ako? Artista? In demand?

 “Eh kasi.. walang papalit sa’yo eh..”

 “Madami pa kasi akong gagawin eh..” naman.. utang na loob.. ang dami daming babae dyan..

 “Sige na po please..” lumuhod ka muna sa harap ko at halikan mo ang sapatos kong sobrang kinang XD

 “Di rin kasi ako makaka-attend sa mga practice nyan eh.. I have too many appointments to attend to” tantanan niyo na ko.. utang na loob.!!

 “Aww..” aso? Kelngan umaaww? Kinokonsensya mo na ako nyan???

 May kumatok naman sa pinto kaya nabaling yung atensyon namin sa kung sinong kumatok na yun. 

 “Pwede po ba i-excuse si Sapphire?” naks naman talaga... kahit kelan.. my savior as always.. 

 “*kay Crown* ah .. cge po. *sa akin* Ate.. hanap ka po ni kuya” oo narinig ko nga eh.. anong akala mo sa ‘kin? Bingi lang?? Sampalin kita dyan eh.

 “Sige! Bye! Galingan nyo ah! *evil smirk*” kumaway na ko sa kanila habang naka FULL SMILE. Syempre.. nakalaya na ko eh.. Kinuha ko na yung bag ko at nilapitan si Crown.

 “Lagi ka talagang right timing!! Kaya mahal na mahal kita eh!” teka.. ANO NGA ULIT YUNG SINABI KO? 0.o

 Nakatingin lang sa ‘kin si Crown na prang natulala na ata. Bakit ko ba kasi sinabi yun? Baka mamaya kung ano na isipin nitong gwapong ‘to. Tsk.

 “Huy! Anyare sa’yo? Sinabi ko lang na mahal na mahal kita natulala ka na dyan!? Ikaw ha~” sa totoo lang, nagulat din ako sa sinabi ko eh. Tsk. Nababakla na ba talaga ako kay Crown? Wag naman sana....

 “Ha? Ano nga ulit yung sinabi mo?” aba! Gusto pang ulitin ko? Sapakin ko kaya ‘to... hindi ko intensyong sabihin yun oy! Wag ka assuming!

 “Sabi ko tara na at kelangan ko na lumayas dito. Baka mamaya eh harangin pa nila ako at pabalikin sa loob. Lalo na pag naabutan ako nung baklang teacher namin sa Art Class.. mahirap na.”

 “hahahahaha. Trip na trip ka nung teacher na yun eh nouh? Favorite student. Close kayo?”

 “Kami close? As if! Eh iritang irita nga ako dun!! Epal siya.. Kung hindi ko lang passion ang acting di naman ako papayag na maging lead sa mga play dito sa academy nouh!?” nauuna na siyang maglakad kesa sa ‘kin.. Di ko kasi makita yung phone ko eh.. Nilagay ko lang naman sa bag ko yun kanina.. Nasan na ba??

 Naglalakad ako habang hinahalughog yung bag ko kaya ayun –

 “ARAY!” napaupo na lang ako bigla tapos tumilampon pa yung ibang laman ng bag ko. Ang sakit nun ah! Sino ba ‘tong tatanga tanga na ‘to at hindi tumitingin sa dinaraanan niya?

 “Ay sorry ate, hindi ko sinasadya.” May tulak tulak siya na kung ano na nakalagay sa cart. So hindi pala niya ata talaga ako napansin kasi natatakpan siya nun. SO AKO PALA ANG TANGA -_-

 Nilapitan naman niya ako at inalok yung kamay niya. Sinagi ko yun at tumayo ako mag-isa. Di ko kailangan ng tulong niya.. Kaya kong tumayo mag-isa, di naman ako pilay.. Tinulungan na lang din niyang pulutin yung mga gamit kong tumilampon sa daan.

 “AYUUUUUUUN!!!!” laking tuwa ko nung nakita ko yung phone ko. Hahahaha Sumingit pala dun sa isang libro ko kaya di ko makita kita..

 “Salamat kuya!!!! :D” Inabot niya sa ‘kin yung iba ko pang mga gamit na pinulot niya. Medyo nagtataka pa siya kasi nagpapasalamat ako sa kanya tapos naka FULL SMILE pa ko. Hahaha

 “ah.. hindi ka ba galit? Ang lakas ata nung pagkakabangga ko sa’yo? At tsaka hindi mo naman kelangang magpasala—”

 “I have to! Alam mo ba kanina ko pa hinahanap yung phone ko? Kung hindi mo pa siguro ako nabangga, hindi ko ‘to makikita hahahahaha” inayos ko na yung mga gamit ko sa bag.

 “ah... g-ganun ba? Haha pero sigurado kang okay ka lang?” mukhang alalang alala talaga yung itsura niya..

 “Ah oo okay lang ako.. Sige ah!” maglalakad na sana ako nang makaramdam ako ng hapdi sa tuhod ko. Shocks. Ang sakit!

 “Ate, nagdudugo yung tuhod mo.. Tara samahan na kita sa clinic.” Maka ate naman ‘to! Eh mukha naman kaming magkasing tanda -_- At oo tama siya... nagdudugo nga ang tuhod ko.. Nakakainis.. yung maganda kong tuhod.. nagkasugat 

 “Ah hindi sige okay lang.. baka kelangan na yang dala dala mo.. May kasama naman ako eh” oo nga.. OO NGA!! NASAN NA NGA BA YUNG GWAPO KONG KASAMA? Nasan na nga pala si Crown??

 Tumingin tingin naman ako sa paligid pero wala naman akong makitang gwapo. Nasaan na ba yun? Kausap ko pa yun kanina ah!

 “Eh iniwanan ka na ata nung kasama mo...” grabe.. porket ba nasabi ko yung mahal na mahal kita ganun na lang yun? Iiwasan niya na ko? Ganun pala si Crown??? Bakeeeeet?

 Shet! Ang drama! Hahahahaha Ay nako malamang lutang na naman yun kaya hindi na naman niya napansin na naiwanan niya na ko.. Nangyari na ‘to dati eh..

 FLASHBACK

 Tumunog yung phone ko habang naglalakad kami ni Crown sa mall. Pagtingin ko number lang. Hindi nakaregister yung tumatawag...

 “Hello? HU U ?” sabi ko pagkasagot ko nung phone. Diretso lang ako ng lakad pero medyo binagalan ko yung lakad ko kasi maingay di ko marinig masyado yung kausap ko.

 “Ms. Xean??” tanong nung nasa kabilang linya.

 “Ako nga po. Sino po ba ‘to? Anong kelangan mo sa ‘kin?” Nauuna na si Crown sa paglalakad. Hindi ko naman matawag kasi nga may kausap ako.

 “fksjaOAJSFKASJFAdaksndkas” ano daw?? Hahahaha di ko na naintindihan yung sinabi nya kasi sobrang ingay na talaga. Ang daming tao sa mall ngayon eh. Holiday kasi tapos may sale pa.

 Ipapa-ulit ko na nga sana sa kanya yung sinabi niya kaso inend call na ata niya. Ayun, bahala siya sa buhay niya. Hinanap ko naman na si Crown pagkatapos kong ibalik sa bag ko yung phone kaso... hindi ko na siya makita. Asan na ba yun?

 Ilang saglit pa ng paglalakad at paghahanap ko...

 “SAPPHIRE!” lumingon ako nung tinawag ako ni Crown...

 “OY! San ka galing? Bigla ka na lang nawala. May tumawag lang sa ‘kin eh.”

 “Sorry haha. Oh eto..” inabot niya sa ‘kin yung Starbucks coffee na hawak niya.

 “Thanks” kinuha ko naman. Nauhaw din ako noh? Ang hirap kaya maghanap ng gwapo. XD

 “Di mo naman ako tinawag nung may tumawag sa’yo.. hindi ko tuloy napansin na naiwanan na pala kita..” sabi niya tapos naglakad na siya habang iniinom yung Starbucks coffee niya.. OO kelangan talaga sinasabi yung Starbucks kasi sosyal kami eh XD pampalipas uhaw lang namin ang drinks sa Starbucks XD

 “Kasi naman.. matatawag pa ba kita? Eh hindi ko nga maintindihan yung kausap ko o kung usap pa ba ang tawag dun sa nangyari hahahahaha. Di ko nga kilala kung sino yung tumawag sa ‘kin. Di ko pa naintindihan yung sinabi.” Naglalakad na kami papunta sa hindi ko alam hahaha sinusundan ko lang siya..

 “tsk.” Nakatingin lang siya sa malayo habang iniinom yung coffee niya..

 “parang ang lalim ng iniisip ah.. inlove ka?” tanong ko sa kanya..

 “hm? Di ah” diretsong sabi nya tapos tumingin siya sa ‘kin.. “Hindi ko naman kasi alam kung yun ba ang tawag dun..”

 “Oh.. so may possibility na inlove ka nga! Sino naman yung maswerteng babaeng yan ha?”

 Umupo siya sa may bench na nadaanan namin at umupo na rin naman ako. Nakatingin lang siya sa ‘kin. Sa mata ko.. Eye to eye kami ngayon.

 “...Ikaw”

 END OF FLASHBACK

The First FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon