Fall VIII. Nothing Much

11 0 0
                                    

Nakapunta na ako sa garden kaso ang daming tao. Di rin ako makakapagfocus nito eh. Kaya ayun, pumunta na lang ako sa lugar na alam kong tahimik sa mga oras na ‘to at alam kong maiinspire ako sa pagsulat ng essay ko. Saan? Well..

 “Andrew dito! PASS!!”

Pinasa ni Andrew kay Joshua yung bola. Agad naman sinalo ni Joshua yung bola at shinoot. PASOK! Three-point shot! Kahit kelan talaga ang galing ni Josh eh...

 Joshua Lee Ayala, isa sa mga kabarkada ni Crown. Kaklase siya ni Crown since elementary pero ngayon hindi sila magkasection. Kaklase ko si Josh at ayan ang ginagawa niya every free time. Seryosong tao si Josh pero pag kasama niya si crown, ay nako nababakla yan LOL

HINDI... BIRO LANG YUN XD Pero lumalabas yung tunay na kulay ni Josh pag kasama niya si Crown. What I mean is, nagiging pa-cool na tipo ng lalaki yan. Palibhasa naaangatan ng kagwapuhan ni Crown ang dignidad niya. OO DIGNIDAD TALAGA HAHAHAHAHAHA Hindi kasi.. biro lang ulit. Ayun nga kasi yun eh.. Ginagamit niya yung cool/hot guy style niya para mapasakanya ang mga chix na lumalapit kay Crown which is not a problem for Crown kasi di rin naman niya trip yung mga ganung galawan ng mga malalanding babae.

Hindi kasali si Josh sa varsity pero magaling siyang magbasketball. Three-point shooter nga yan eh. Hindi ko pa siya nakakalaro pero ang dami na nilang laro ni Crown ang napanuod ko na. Minsan kasi gusto kong sumali sa kanila kaso pinagbabawalan nga lang ako ni Crown. Ewan ko ba dun.. Ayaw niya ko paglaruin pag kasama niya sila Josh. Marami rin kasing barkada si Crown. May mga mababait at meron din namang mga siraulo at ung iba eh ung mild lang.. Pero mas madalas kasama ni Crown ung mga mild. Si Josh? well .. macacategorize ko siya dun sa mga siraulo hahahaha

Nang makashoot ulit si Josh ng three points, dun na natapos ung laro nila. Napatingin naman si Josh banda sa kung san ako nakaupo tapos nakipag high five sa mga kasama niya. Tapos tumingin sa kin at nagthumbs up sabay ngiti. Ngumiti din naman ako at hindi kaplastikan yun nouh?! Hindi ko pa ganun kakilala si Josh pero alam ko na kung anong ugali niya. At ayun nga.. more on sa siraulong side siya..

Nagbalik naman din ako sa sarili ko makalipas ang ilang minuto. Tinuloy ko na ang 2nd paragraph at tinapos hanggang sa conclusion.

"Oiii.. musta?" tinapik ang balikat ko. Buti na lang tapos na ko magsulat dahil kung hindi, malamang nasapak ko 'to eh.

"Eto, fortunately, tao pa rin." sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya dahil binabasa ko pa yung gawa ko kung pwede nang makakuha ng award XD

"Ahhhh... akala ko maganda pa rin.."  umupo siya sa tabi ko. Hindi siya amoy pawis. IMPERNES!!! hahahaha

"ay teka... sorry.. joke ba yun? di ako natawa eh.. hayaan mo konting practice pa." tsaka pa lang ako tumingin sa kanya nung satisfied na ako sa introduction hanggang sa first paragraph.

"haha okay lang yun.. Hindi naman kasi joke yun eh. " Ngumiti siya. Nagpabrace na pala siya. Ngayon ko lang narealize. Hindi ko naman kasi siya napapansin pag nasa klase eh. Bagay sa kanya ah... Nadagdagan yung charisma niya haha

 "Hindi ko alam na sinungaling ka pala."  nakatingin ako sa mga iba pa naming klase na palabas ng gym na nakalaro ni Josh. Ang ingay sa loob ng gym pero nung lumabas silang biglang tumahimik.

 "Ah-" parang may gusto siyang sabihin pero di niya na tinuloy.

 "Wala ka bang towel? Tagaktak yang pawis mo oh!" grabe yung pawis niya sobrang tagaktak talaga. Nag enjoy talaga sa pakikipaglaro ng basketball kela Andrew..

 "Wala eh .. nasa bag ko nakalimutan kong kunin."

 "Oh!" inabot ko yung panyo kong kulay blue na stripes at may naka broidered na unicorn sa kanya. "Punasan mo yang pawis mo."

 "Nako wag na.. Panyo mo yan malamang gagamitin mo yan eh" umiiling iling siya sa kin at may kasama pang hand gestures.

 "Hindi.. sige lang.. hindi rin namn ako masyadong gumagamit ng panyo eh. balik mo na lang sa 'kin pagkalaba mo" aba syempre ipapabalik ko yun. May sentimental value kaya yun sa kin.

 "Ahh haha sige.. ako mismo maglalaba nito." Ngumiti na naman siya pero this time, parang may kakakaiba sa ngiti niya.

 Marami pang ibang estudyante sa loob ng gym bukod sa 'min. Yung iba grupo grupo, yung iba couples at yung iba ay athletes. May kalakihan ang gym namin. Syempre.. dapat lang.. kasama sa binabayaran namin yan eh!!

 "Tapos ka na sa essay?" tanong niya sa kin habang pinupunasan yung pawis niya.

 "Yeah... kaso baka i-edit ko pa 'to pag di ko nagustuhan pero so far okay na."

 "Pabasa nga ako. Di kasi ako marunong gumawa ng essay eh. Para magka idea naman ako." nakatingin ako dun sa magsyota na malapit sa kinauupuan namin. Tapos pagkalingon ko sa kanya nagtatanggal ba naman ng pagkabutones ng uniform niya 0_o Bumalik tuloy yung tingin ko sa magsyota kaso pagtingin ko naghahalikan ba naman O_O kaya diretso na lang yung tingin ko sa kawalan.

 "Ui. Anyare na sa'yo? Pabasa ako ng essay.. Ayaw mo ba?" di ko namalayan nakalimutan ko na pala yung sinabi niya.

 "Ah sorry .. kasi..." napatingin ulit ako sa kanya at saktong tinanggal niya na yung polo niya. MUSCLES. Di siya yung mamuscles talaga pero he has enough to catch a girl's attention but not me. I don't really consider myself a girl hahahaha Ehh parang hindi naman talaga kasi. -_- But you know what? Josh is also good looking. I just noticed it now that I am having a close-up view of him. And I admit it, he has the appeal and the swag.

 Kinuha ko naman na yung essay ko at binigay ko sa kanya. Kinuha niya yun at nagdekwatro tapos tsaka niya binasa.

 “Foundation is the one that keeps everything still. It’s not just about the construction but it’s about everything.” Binasa niya yun nang malakas at napahinto. Yun yung first two sentences sa introduction ng essay ko. It just came from my thoughts.

 “WOAH. Medyo deep ha! Nice...” tumingin siya sa ‘kin at ngumiti.

 “Thanks.” I smiled back at him.

 “Parang di ko ata kaya gumawa ng ganito.. Introduction mo pa lang pamatay na.. ”

 “Hindi nouh!? Kaya mo rin yan.. Just put your heart in your writing.. you’ll see..” beket be ke neg eenglesh -_-

 “Nice words of wisdom Ms. Eledemiere :) Keep it up.. Pede ka talgang writer.. Why not join the academy’s journalism club?”

 “Nahhh.. minsan lang ako magkaroon ng magandang mood para magsulat kaya wag na lang.. baka wala rin ako macontribute.” Binalik niya na sa kin yung paper ko at umupo nang diretso.

 Ilang minuto rin ang lumipas nang walang imikang naganap. Nang biglang pumasok sila Crown sa gym. Kasama niya yung mga mild friends niya. PE nga pala nila ngayon at may klase na rin pala kami.. Di namin namalayan ni Josh yung oras.

 “Time na pala. Tara balik na tayo sa room baka nandun na si Sir Fausto” sabi niya sa ‘kin habang sinusuot ulit yung polo niya.

 Tumayo na rin ako at sinabayan ko na siyang maglakad palabas ng gym.

 “Oy Crown! Tagal na natin di nakakapaglaro ah! ” Bati niya kay Crown. Prang gulat naman yung expression ni Crown nung makita niyang kasama ako ni Josh.

 “Josh! *taas ng kamay* Kasama mo pala si Sapphire..” ngumiti lang si Crown nang konti.. not his natural smile and it’s kinda weird.

 “Yep.. wala kasi si Ma’am Sanchez eh kaya eto.. gala gala din.. Sige ah! Una na kami.. baka nandun na si Sir.. Next time ah!!” Kinawayan na ni Josh si Crown bilang pagpapaalam tapos naglakad na siya palabas ng gym. Medyo awkward yung dating sa kin nung nanyare.. Ewan ko ba. Nginitian ko na lang si Crown at kumaway na rin bago ako lumabas ng gym kasama si Josh.

The First FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon