Fall XV: Reconcile

33 0 0
                                    

“Sapphire...” may tumatawag sa ‘kin. /oo alam ko obvious

“Bakit?” di ko pa dinidilat ang mata ko dahil sobrang inaantok pa talaga ako.

“Gumising ka na kaya.”

“Bakit ba? Inaantok pa ko!” nagtaklob ako ng kumot at unan.

“May pasok pa tayo. Bahala ka male-late ka na naman.”

Nag-isip pa muna ako bago ko tuluyang narealize na may pasok pa nga pala kami ngayon! Pagbangon ko sa kama nakita ko si Crown sa harap ko at nakabihis na siya ng uniform.

“Ano yan?”

“Uniform. May pasok nga tayo di ba?”

“Hinde. I mean, bakit nakaayos ka na agad tapos ako ngayon mo lang ginising?”

“Sira. Umuwi ako kagabi sa bahay nung tumigil yung ulan. Nag-alala ako sa’yo kaya pumunta ako dito. At tama nga hinala ko, tutulog tulog ka pa diyan. Hindi ka na nagising kagabi at hindi na rin kita ginising dahil alam kong pagod ka. Hindi ka na nakakain.”

“Eh..”

“Bumaba ka na dun. Ininit ko na lang yung niluto ko kagabi.”

“Hindi ka pa talaga nagdala dito eh nouh!? Alam mo na ngang may pilay yung tao.”

“Hindi nga kasi ako katulong. At tsaka para ma-exercise na rin yang paa mo.”

“Whatever” Bumaba na ako sa kama at –

“FUUUUUUUUUUUU –“

Agad naman akong inalalayan ni Crown nang bumagsak ako sa sahig. Peste. Ang sakit sakit pa rin nung pilay ko -_-

“Oh? Okay ka lang?”

“Do you think I am? Isn’t it obvious?”

“It is.” Tapos inalalayan niya na akong tumayo.

“Peste.”

“Ang aga aga ang init ng ulo mo.”

“Eh kasi ikaw! Sana hindi mo na lang ako ginising!”

“Ah! Ako pa ngayon may kasalanan. O sige, matulog ka na ulit.” Binitiwan niya ko tapos napaupo ako sa kama ko.

Nakita ko naman siyang palabas ng kwarto.

“HOY! SAN KA PUPUNTA!?”

“Gusto mo pang matulog di ba? Yan matulog ka na ulit. Pasensya ha? Naistorbo kita senyorita.”

“Aba –“ lumabas na siya sa kwarto at sinara yung pinto.

Potek. Pano ako papasok? Aish! Ano ba kasi problema nun? Peste.. AYYYY PESTE TALAGA

Wala na akong ibang nagawa kundi piliting mag-ayos at umakyat baba sa kwarto ko kahit na ang sakit sakit ng paa ko. Kairita. Nakakainis yung gwapong yun ah! Argh.. naiinis ako sa kanya..

Pagkatapos kong mag-ayos, kumain at magligpit ng lahat ng ginamit ko, lumabas na ako ng bahay.

“Oh? Akala ko ba matutulog ka ulit? Sleeping Beauty?” nakatayo siya sa harap ng bahay.

“Tse! Peste ka. Lumayo ka sa harap ko.”

“Hahahahaha. Ako pa ang peste? Hindi ka prinsesa. At lalong hindi ako isang katulong mo. Wag mo kong inuutusan Miss ha?” Lumapit siya sa ‘kin at sinimulan akong sabayan maglakad pero di man lang ako alalayan.

“Aish! Ano bang problema mo Crown? Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako napilay! Kaya dapat lang na utos-utusan kita.”

“Wala ata akong alam na rule na ganun?” huminto siya at kunwaring nag-isip. Nakalagay pa yung hintuturo niya sa pisngi niya at kunwaring malalim na nag-iisip.

The First FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon