Fall XIII. It's Getting Common

32 1 0
                                    

Wala na kaming nasabi ni Crown. Hindi na rin talaga ako nakapagsalita pa kasi ang sakit talaga ng paa ko. Sh*t, lagot ako nito. Inalalayan na ako ni Crown para maka-upo.

 “Okay ka lang? May masakit ba?”

 Hindi na talaga ako makapagsalita dahil sobrang sakit lang talaga niya. Napansin naman ni Crown na hinihimas ko yung paa ko.

 “Akin na nga.. Saan ba masakit?” tinuro ko na lang sa kanya kung saan at priness naman niya yung parte na yun.

 “Ahhh!! Masakit nga eh!!"

 “Sorry, wag mo na munang galawin ha!? Kukuha lang ako ng yelo saglit.” Tumango na lang ako at agad naman siyang tumakbo palabas.

 Ilang saglit lang bumalik na agad si Crown na may dalang ice bag na malamang galing sa infirmary.

 "Oh." inabot niya na sa 'kin yung ice bag at agad ko naman nilagay sa paa ko.

 Ang hapdi hapdi ng pilay ko. Pano pa ko makakapagpractice nito :/

 "Ipagpapaalam na lang kita kay kuya Adrin. Maiintindihan naman niya eh tapos punta tayo ng infirmary para malagyan ng bandage yang pilay mo."

 Tumango na lang ako pagkasabi ni Crown nun. Di na talaga ako makapagsalita eh. Akala mo pati bibig ko naapektuhan eh nouh?

 "Ah-"

 "Mm?"

 "Hindi... wala"

 "Umuwi ka na pagkatapos natin pumunta sa infirmary para lagyan ng bandage yan. Ihahatid na kita. Wala yung driver mo ngayon di ba?"

 Tumango na lang ulit ako. Pero inisip ko pa rin kung pano yung practice. Though, hindi naman siguro matagal mag-iinarte 'tong pilay ko.

 "Teka.."

 "Bakit?"

 "Wala ring maghatid sa'yo di ba? I mean, gagamitin ng dad mo yung kotse niyo?"

 "Ah.. yun ba? Okay lang naman sa 'kin magcommute eh. Ikaw ba?"

 "Err.. may pilay nga ako eh pano ko magcocommute? Magtataxi na lang ako"

 "Tsk.. Wag na.. Ang lapit lapit lang ng uuwian mo magtataxi ka pa!?"

 "Oh e bakit? May pilay nga kasi ako.."

"Wag na.. Ihahatid na lang kita. Okay nga lang sa kin magcommute"

"Bakit ba ayaw mong magtaxi na lang ako? Eh mas convenient nga yun. Tsaka pwede mo naman akong ihatid. Ano bang problema mo sa taxi?"

"Delikado pag taxi. Dalawa lang tayo. Eh pano kung makidnap tayo? Galing pa dito sa academy  eh sikat 'to na pangmayamang eskwelahan. Busy si daddy lalo na ngayon. Maya't maya may meeting so just in case wala..Eh ikaw sino ba matatawagan mo in case of emergency? Si Sir Claus? Eh nasa ibang bansa yun ngayon anong magagawa niya pag--"

"Okay okay.. Sige na.. Ikaw na pong masusunod. Pero mahihirapan tayong magcommute nito. "

 "Pwede rin namang lakarin na lang natin"

 "Sira ka ba? Paglalakarin mo ko?!"

 "Of course not! I can piggyback you"

 "No way.. Ayoko niyang iniisip mo ah.. From here hanggang sa bahay!? Isasampa mo ko sa likod mo!? Sira ka nga talaga. Hindi mo ba alam kung gaano ako kabigat!?"

 "Hey, I'm serious.... Oh!" inabot niya sa 'kin yung sandwhich.

 "Thanks." kinuha ko na yung sandwhich at kinain ko na rin.

 "Parang ang tagal naman ata nila?" nakatingin si Crown sa may pinto tapos sabay tingin sa 'kin. " Oh Miss Takaw may mayonnaise ka pa diyan sa labi mo."

 Pinahid ko yung kaliwang part ng labi ko.

 "Hindi diyan, sa kabila.."

 Pinahid ko naman yung kanan na part.

 "Ay, kinalat pa... Ako na nga" tapos pinunasan niya ng tissue yung kanang pisngi ko.

 "Hoy!Sabi ko wag ka munang puma-- "

 Napatingin naman kami ni Crown sa may pinto tapos nakita namin na nandun na pala halos lahat sila.

 "Ayan. Naistorbo tuloy.." sabi naman ni ate Chelsea.

 Agad naman kaming lumayo sa isa't isa ni Crown.

 "Awww..." nakalimutan ko may pilay nga pala ako leech.

 "Oh ano ka ba.. " lumapit naman agad si Crown sa 'kin.

 Pumasok na rin sila kuya Adrin sa practice room. Lumapit naman sa kanya si Crown nung makaupo na ko nang maayos. Nagbulungan naman silang dalawa dun sa gilid tapos nakita kong ngumingisi si kuya Adrin habang nag-uusap sila. Hindi ko alam kung may nakakatawa ba sa sinasabi ni Crown o kinikilig lang ang bakla. XD

 Maya maya may kinuha si kuya Adrin na papers tapos inabot niya kay Crown. Yun ata yung bagong script. Inexplain din ni kuya Adrin yung script kay Crown siguro pati yung parts ko sinabi na rin niya. Pagkatapos nun tumingin na sa 'kin si Crown tapos nag thumbs up at maya maya rin, lumapit na siya sa 'kin habang si kuya Adrin naman inexplain sa iba yung katangahan ko malamang.

 "Tara na." kinuha na ni Crown yung mga gamit niya.

 Tatayo na sana ako para kunin yung gamit ko.

 "Ako na." kinuha na niya yung mga gamit ko tapos umupo patalikod sa harap ko.

 "Anong ginagawa mo?"

 "Enjoy the ride, Sapphire. Libre yan wag ka mag-alala. Unlimited pa exclusive lang para sa'yo"

 Binatukan ko naman ang loko.

 "Sira! Manahimik ka nga.. Alalayan mo na lang ako tumayo at maglakad. Magcocommute tayo"

 "Sabi mo kanina ako masusunod eh." tumayo na siya at inalok yung kamay niya.

 Inabot ko naman at sinubukan kong tumayo ng hindi nararamdaman yung sakit pero wala masakit talaga eh. Lumapit naman na sa 'min yung iba naming kasama.

 "So, Xean, bukas may practice tayo ulit pero malamang di pa yan magaling so, kabisaduhin mo na lang yung bago mong parts. Inexplain ko na kay Crown kung san ka may parte diyan tapos kung gusto mo umattend bukas kahit manood lang, better. Pero di naman kita nirerequire ha?!"

 "Sige po kuya."

 "Oh sige.. Mauna na kayo."

 "Sige po kuya. Pasensya na po."

 "Eigh okay lang naman yan. Natural lang yan. Masyado kasi-"

 "Ehem. Kuya una na kami baka magsara na yung infirmary." sabat naman ni Crown.

 "Sige sige. Ingat ha?! Hoy Crown.. Alagaan mo yang si Xean. Superstar namin yan"

 "Yuck. Superstar. Wag ka nga kuya Adrin." irita kong sabi.

 "Hahaha wag po kayong mag-alala, alagang alaga ko po 'tong nilalang na 'to" aba.. maka-nilalang.. ano ko hayop? todo ngiti pa 'to. Kung wala lang akong pilay kanina ko pa to sinipa sa mukha.

The First FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon