Fall II. Out of Your League

11 1 0
                                    

“Para sa’yo honey~ Happy monthsary!! I love you” may binigay na box yung lalaki dun sa babae.

 “Wow~ ang sweet mo naman honey.. salamat! I love you din! Eto oh yung gift ko naman sa’yo.. sana magustuhan mo..” paperbag naman yung binigay nung babae sa lalaki.

Itong mga lovebirds na ‘to.. kung san san nakakakalat sa campus. Kahit saan ka tumingin may makikita ka. Tsk. Grabe pa kung makadikit sa isa’t isa! Daig pa ata yung minighty bond. Kelangan pag nag-uusap katiting na pagitan na lang eh halos magkahalikan na sila!? Nakakairita. Pero teka.. bakit nga ba ako nababanas? Nagmumukha tuloy akong affected. IM NOT AFFECTED AND I DON’T FREAKING CARE kung maglandian silang lahat diyan. And I am telling you... IM NOT GUILTY!!

 “Xean!!” tssss.. Kristhen.. ang buntot ko.. meaning stalker. Lalaki yan. Ang weird nouh? Kristhen pangalan nya.. Ewan ko sa magulang niyan kung anong nakain at ganyan ang pinangalan sa kanya. Well, may itsura din naman siya kaso kasi hindi ko siya type.. Masyado siyang mabait para sa ‘kin.

 “Oh bakit?” I said it sarcastically. Nakakabadtrip na rin kasi talaga siya. Maka-stalk.. hindi ko na nga lang pinapansin minsan eh. Tapos eto medyo boyish na rin ako kung gumalaw dahil sa kanya. Ayoko kasi talaga ng ganito eh. Nakakairita.

 “Pwede ka mamaya after school?”

 “Hindi.” Oh.. mangungulit pa yan...

“Alam ko naaalibadbaran ka na sa ‘kin pero...”

 “Sinabi na ngang hindi ako pwede mamaya. May usapan kami ni Crown eh. (ah.. thank God at binigay niya sa kin si Crown.. nagkakaroon tuloy ako ng dahilan sa mga ganitong sitwasyon hahahaha)”

 “Ah.. ganon ba? Nanliligaw na ba siya sa’yo?”

 “Ewan!? Sige bye!!” sabay takbo.. nakita ko naman si Michie yung kasection ko rin.

 “Hey Chie!” sigaw ko.. oo .. ako na agaw eksena.. ako na feeling close hahahaha

 Di ata ako narinig kya tinawag ko siya ulit. “Hoy Michie!!!”

 “Oh Xean! Bakit?”

 “Wala lang.. si buntot eh.. nandyan na naman.. nangungulit” hindi naman kami ganun ka close ni Michie pero may pinagsamahan na rin naman kami.. naging kaklase ko na rin kasi siya dati. Alam din ng lahat yung pagiging buntot ni Kristhen sa ‘kin. Kahit si Crown alam niya kaya nga pag ginagawa ko siyang dahilan kahit wala naman talaga kaming usapan at nagtanong si Kristhen sa kanya, nasasakyan niya yung dahilan ko. Alam naman kasi ni Crown kung gaano ako nababanas kay Kristhen.

“hahaha ganda kasi eh”

“psh.. san banda? Ang corny mo teh ah..”

 “hinahanap ka ni Crown kanina ah!”

 “oh? Anong sabi?”

 “I love you daw hahaha” loko toh ah! Kung kaclose ko lang ‘to.. yung as in close na close talaga.. kanina ko pa to nginudngod sa pader. Hahahahaha

“Loko ka..”

 “Wala ba talagang something sa inyong dalawa?”

“Sa amin!? Wala noh! Imposible! Si Crown? Eh pano naman magkakagusto yun sa ‘kin? Sino ba namang tanga ang magkakagusto sa isang MULTIPOLAR at lakas tamang katulad ko?”

“Sa pag-ibig, wala nang ganon ganon. Kung mahal ka, mahal ka.. Kung ano ka man o kung sino ka man wala yun sa taong tunay na nagmamahal..” me ganun!? Ansaveh ni Michie??

 “naks gumganon.. yan ba natutunan mo sa klase? San mo napulot yan ha!? hahahaha”

 “haha nababasa ko lang sa mga librong binabasa ko.” Malamang.. malamang nababasa mo sa mga librong binabasa mo.. alangan namang napapanood mo sa libro.. Harry Potter lang?? Animated yung mga libro?? Gumagalaw ang pictures??

 “ah haha cge ah..punta na ko sa room!” kumaway na ko sa kanya at lumakad papunta sa hagdanan.

 “sige! Ay pakisabi pala kay Therese, mamaya ko na lang ibabalik yung notebook niya!”

 Nagthumbs up naman ako at tumango habang paakyat ng hagdan. Papunta na ko sa room tapos naalala ko naman yung tinanong sa ‘kin ni Crown nung isang araw..

 “Kung manliligaw ba ako sa’yo, may pag-asa ba ako?” biglang tanong sa ‘kin ni Crown habang kumakain kami sa cafeteria.

 ang sagot ko?

 “tss.. kelan ka pa ba nanligaw?” sabay tawa.

 wala lang .. pano kung sineryoso ko yung tanong niya at sinabi kong oo? Ano kaya reaksyon niya? ANU BA XEAN?? BAKIT MO BA INIISIP YAN?? NABABAKLA KA NA BA KAY CROWN?? Walang ganyanan!!

The First FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon