Fall XVIII: Can't Stop Thinking of You

23 0 0
                                    

Sa wakas nag-Wednesday na rin. Hindi ko alam pero umabsent ako kahapon dahil hindi na talaga ako mapakali at ayokong makakita ng tao kahapon. Inayos ko na lahat ng dadalhin ko para ngayon dahil nga pupunta kami ni Kristhen sa pinag-campingan nila Crown. Sa totoo lang, hindi ko pa nga alam kung saan ba sila nagcamping eh. Wala talaga akong idea. Hindi ko na rin naman natanong kay Kristhen kaya ayun. Anyway, ang mahalaga ay mapuntahan at makita kong maayos lang si Crown.

Wala rin akong ganang kumain pero dahil mukhang malayo-layo sa kabihasnan ang pupuntahan namin, pinilit ko na lang na kumain ng kanin. Fried egg na nga lang yung inulam ko dahil wala talaga akong gana. Maaga ang usapan namin ni Kristhen. Susunduin daw niya ko dito sa bahay. Syempre hindi na rin naman ako nagulat na alam niya kung saan ako nakatira dahil nga dakila kong stalker yung lalaking yun.

Maya maya pa dumating na si Kristhen. At syempre, wala nang kung anu-ano pa, sumakay na kami agad sa kotse nila at umalis na kami.

“Hindi ka pumasok kahapon.”

“Inayos ko yung mga dadalhin ko para ngayon.”

“Hinahanap ka ni Therese.”

“Tinanong ko siya kung gusto niyang sumama pero MC daw kasi sila sa event ngayon.”

“Ahh.. sayang naman. Nga pala, binigay ko na sa mga teachers natin yung excuse letter kahapon kaya wag ka mag-alala sa attendance.”

“Ah sige salamat.” Pero actually, kelan ba ako nagkapake sa attendance?

Kinuha ko naman yung cellphone ko at sinubukan ko ulit tawagan si Crown. Kahapon ko pa siya sinusubukan tawagan pero hindi siya sumasagot. Pero nagri-ring yung cellphone niya kaya nga lalo akong kinakabahan. Ano kaya nangyari sa kanya? Ano bang nangyari sa kanila?

“Kung inaantok ka, wag ka mahiyang matulog. Mahaba haba yung magiging byahe natin.”

“Sige. Pero baka hindi naman din ako makatulog.”

“Teka. Wag mong sabihing hindi ka natulog kagabi?”

“Natulog ako pero pa-iglip iglip lang.”

“Sobrang nag-aalala ka talaga para kay Crown noh?”

“Uhh.. oo..”

“Sabihin mo nga sa ‘kin Xean.”

“Na?”

“Wala ka ba talagang nararamdaman para kay Crown?”

“May kailangan ba akong maramdaman para sa kanya?”

“Xean...”

“Bakit?”

“Nevermind.”

Ang weird din kausap nito ni Kristhen eh. -_-

“Ano ba kasi yung gusto mo sabihin?”

“Wala. Matulog ka na lang. Sabi mo hindi ka pa nakakatulog nang maayos.”

Nagriring lang pa rin yung cellphone ni Crown pero wala pa rin sumasagot. Nakakainis. Nasaan ka na ba Crown?

“Yung tita mo, nacontact mo na siya?”

“Hindi pa nga rin eh. Simula nung na-cut yung linya nung nakaraan hindi na namin siya ulit nakausap. Nag-aalala nga rin ako eh.”

“Yung tita mo ba ang nag-aalaga sa’yo ngayon?”

“Medyo? Pinupunta-puntahan lang niya ko sa bahay.”

“Ahh..”

“Parehas na tayo ngayon.. Mag-isa.”

The First FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon