Simula

42 3 1
                                    

Simula

The Battle of the Philippines

Japan attacked the Philippines in December 1941, However and in May 1942, Corregidor. The last American/Filipino Stronghold, Fell. U.S Forces in the Philippines surendered to the Japanese. placing the islands under japanese control. During the occupation, thousands of Filipinos fought a running guerrilla campaign against japanese forces.

-----------------------------------------------------------

Campaña en las Filipinas del Ejercito Japonés

The Fall of the Philippines. December 8, 1941,

Sa dami ng bituin sa langit, tila alam ko kung anong akin. Sa dami ng taong naglalakad, mas lalo ko lang naramdaman na nagiisa lang ako. Walang kasama.

Huminga ako ng malalim. Maliwanag ang buwan. Nagbibigay ilaw 'yon sa buong bayan ngayong gabi.

Oras na ng dilim. Dapat lahat tulog na at nagpapahinga. Pero hindi. Abala ang lahat. Nagmamadali sa paroroonan nila.

Dahil...

Nagsimula na ang labanan. Digmaan. Pagka-sira ng lahat.

Tinaas ko ang kamay, para patigilin ang kalesa na kanina ko pa ina-abangan. Huminto ito sa harap ko, may sakay na isang dilag.

Babae na naka suot ng isang kulay itim na damit. Natatabunan ang mukha, dahil sa manipis na telang naka tapis do'n sa mukha n'ya. Hindi kaya'y namatayan ito ng mahal?

Hindi pa man nagtatanong ang kutsero kung saan ang tungo ko, sumakay na ako sa kalesa. Gumalaw ang kabayo dahil sa ginawa ko.

"Dalhin mo ako kung sa'n tayo da-dalhin ng paa ng kabayong 'to." Saad ko.

Tumango ang lalaki sa'kin.

Kailangan ko munang lumayo-layo. Dala ang ilang gamit. Hindi ko alam kung saan pupunta. Walang malinaw na plano sa ngayon. Pagiisipan ko na lang kung saan na lang din ako da-dalhin ng paa ko.

Bumaling ako sa katabi kong babae. Hindi alintana ang ginawa kong pagsakay. Hindi ko nakikita ang mukha n'ya, pero sigurado akong babae ito. Sa hubog ng katawan-

Umayos ako ng upo. Natigil ako dahil nakita kong bahagyang gumilid ang tingin n'ya sa'kin.

Bumaling ako sa kutsero. Baka akalain nito'y pinagmamasdan ko s'ya.

".. mabilis kumalat ang balita." Sabi ko.

Alam na agad ang tinutukoy ko. Lumingon ang lalaki sa'kin at umiling.

"Mismo. Sinabi mo pa..." Binalik n'ya ang tingin sa harap.

"Nagaalisan ang lahat sa Maynilad. Nagtatago sa probinsya. Katabing bayan at gubat..."

Natatakot ang lahat...

"..Nagsisimula na ang digmaan. Ang Japonés ay papunta na dito. Pero kutsero ka pa din..." Saad ko.

Hindi ba s'ya natatakot? Lahat natatakot.

"kailangan ko ng pagkukuhaan ng pera, pero sigurado na titigil na din ang kalesang ito. Bukas."

The Writer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon