Kabanata 5
Bataan Death March
Spanish: Marcha de la muerte de Bataán
Bravely fighting for three months, the U.S. surrender the Bataan Peninsula in April 9 1942 during World War II. The Japanese took control of the area. The eventual surrender, resulted in the Bataan Death March. where 60,000 to 80,000 Filipino and American prisoners of war (POWs) were subjected to brutal treatment by Japanese guards. An estimated 17,000 men perished during and after the Bataan Death March.
------
Martsa ng kamatayan sa bataanAPRIL 5 1942
(Sunday)Ang digmaan, ay matagal ng nagsimula at ilang beses ko na ring narinig na ang pagtatapos ng labanan ay nalalapit na. Pero hindi totoo ang mga usapan.
"...kinuha at inagaw ng digmaan ang aking magandang kabataan, pati na rin ang aking kaligayahan. Ang mga sugat dahil sa labanan, ay mananatili habang buhay. Bumalik man ang dating mundo sa akin, ang dati'ng ako'y hindi na..." Basa ko.
Hawak ang dyaryo, binasa ko ang laman no'n. Tahimik kaming lahat, at ako lang ang bumasag nang katahimikan na 'yon. Tumikhim ako, bago nagsalita.
"Ikaw ba ang nagsulat nito?" Tanong ko.
Lumabas ang maliit na ngiti sa labi ni leona at marahan s'yang tumango. Hindi sapat ang sagot n'yang iyon sa akin.
Nakita ko ang huling sinulat n'ya sa dyaryo. Ilang linggo nang lumipas ng nalathala ito.
Ngayon, tila wala na kaming nagawa kundi ang magtago at umasa na ang bukas ay magiging tahimik na.
Hawak ni leonard ang baril na may lamang bala, umaasa na hindi na naman itong magagamit pa.
Nasa bakanteng gusali kami. Ang nasa labas ay purong labanan at digmaan ng mga baril. Ang sementadong pader ang nagpapanatili sa aming buhay. Tunog na mga nababasag na salamin galing sa gusaling nasaan kami ang aking mga naririnig.
Pumikit ako ng mariin. Lahat kami ay nakaupo. Siksikan. Gutom at uhaw. Tuyot ang mga labi at nanghihina. Pero ang sakit na mas nararamdaman ko ay pagkawala ng isang kaibigan.
Si Ral. Patay na ang aking kaibigan.
Pumikit ako ng mariin. Kahit tubig na luha ay ayaw kong sayangin.
"Pwede mo ba 'kong turuan kung pa'no magsulat?" Ulit kong tanong kay leona.
Sa gitna ng mga putukan. Nag angat s'ya sa'kin ng tingin. Akala ko, ang gusto ko'y alisin ang sarili sa isipin ng digmaan. Pero tingin ko'y ayaw ko lang na lamunin s'ya ng kalungkutan na dala ng katahimikan sa puso, at ingay ng paligid, isip.
"Ang sabi mo, hindi lahat pwedeng maging manunulat..." Dugtong ko, pagalala sa sinabi n'ya.
Ang pagkikita namin sa kalesa ay tila ang natitirang magandang alaala para sa'kin. Masakit.
Napangiti ang nanghihina n'yang mukha. Animo'y 'di makapaniwala na naalala ko pa ang usapan na 'yon.
"Hindi mo kailangan hintayin na makapagsulat ka sa talahanayan ng dyaryo para matawag na manunulat ang sarili mo. Kahit pagsusulat sa papel, sa mga gusto mong masabi sa tao. Isa kang manunulat na..." Sagot n'ya.
BINABASA MO ANG
The Writer (Completed)
Historical FictionThe Writer. This Novel follows the lives of two men and a woman through two eras: one during the 1940s Japanese occupation of Philippines and the other in the 21st century. COMPLETED [Started: February 7, 2023] [Ended: April 10, 2023]