Epilogue
September of 1943.
Ngayon, hindi na mapalagay ang isip ko. Hindi na kami komportable sa isat-isa, dahil sa mga sinabi ni leona sa buhay nilang magkapatid.Sinabi n'ya lang ngayon na ampon sila ng amerikano. Totoong hindi ko inaasahan 'yon. Nag kwento s'ya kaya tingin ko'y obligado rin ako na mag sabi nang sa akin.
"..Ako nga, walang magulang ,e."
Saad ko. Kaming dalawa lang sa kwarto na ito. Tinignan n'ya ako, nagtatanong ang mata n'ya kung bakit iyon ay sinabi ko pa.
Ngayon, may alam na kami sa isat-isa.
"...lumaki ako sa lansangan. Kaibigan ko na sila hanjo, mula pagkabata ko..." Dugtong ko.
Dahan-dahan s'yang tumango at malalim na iniisip ang mga sinabi ko. Hindi ko alam, pero nakahinga ako ng malalim ng nasabi ang tungkol sa akin.
"Kung gano'n, kailan ang kapanganakan mo?" Tanong ni leona sa akin.
"Alam ko lang ang taon at buwan ng disyembre, kung kailan ako inilabas ng magulang ko, pero hindi ang mismong araw." Saad ko at sinabi ang sagot na taon.
"..Sa Bisperas ng Bagong Taon ako nag di-diwang ng kaarawan, kung saan lahat ay nagsasaya..."
Nakatingin lang s'ya sa akin. Nakatingin lang kami sa isat-isa habang ako ay nagsasalita.
"..Nang sa gano'n, maramdaman ko na lahat ng tao, nagdidiwang ng kaarawan ko..." 'yon ang huli kong saad sa kan'ya.
Ngayon ko lang nakita ang ganoong klaseng ngiti n'ya. Mananatili iyon sa alaala ko, hanggang sa aking kamatayan.
Nagpatuloy ang digmaan, lumipas ang taon at nagpatuloy ulit kami sa paghakbang.
Bumagsak nga ang bansa, pero ito'y hindi pa nadudurog.
Tinamaan ako ng bala, at s'ya ang lumapit sa akin. Isang babaeng nars.
"Jasmine!!" Tawag n'ya sa isa pang babae na kasama.
Lumapit sila sa akin, at pinagtulungan akong buhatin.
Lumipas ang mga araw, kasama ko sila at ako ay napalapit na sa kanila. Pero aking leona...
Wala akong paki, kung hanggang kailan ako mag aantay sa pagdating mo. Hanggang ngayon ay umaasa ako. Nawala ka sa aking isipin, pero ikaw ay mananatili sa pa rin sa aking mga alaala.
Pasensya na, tingin ko ang puso ko ay mapupunta na sa iba...
"Nakita mo ba si jasmine?" Isang tanong, sa isang kalmadong araw.
Nakahiga ako sa ilalim nang puno at nagpapahinga. Dahan-dahan akong dumilat at tinignan s'ya.
Si Felicia...
"Bakit mo na naman hinahanap sa'kin ang kaibigan mo?" Busangot kong saad, dahil sa pang aabala n'ya.
Tingin ko ay may gusto s'ya sa akin, at gumagawa lang ng dahilan para lapitan ako...
Ngumiti s'ya. Dahil sa ngiti na 'yon, hindi ko inaasahan na kami'y magsasama.
Minahal ko s'ya, leona...
Ang pangalan n'ya ay Felicia...
-THE END-
The full- scale war to regain the philippines began when general douglas macarthur landed on leyte on october 20, 1944. Filipino and americans fought together until the japanese surrendered in september 1945. Match of manila was destroyed during the final months of the fighting. In total, an estimates of 1 million filipinos lost their lives in the war.
BINABASA MO ANG
The Writer (Completed)
Ficción históricaThe Writer. This Novel follows the lives of two men and a woman through two eras: one during the 1940s Japanese occupation of Philippines and the other in the 21st century. COMPLETED [Started: February 7, 2023] [Ended: April 10, 2023]