Kabanata 4

18 1 2
                                    

Kabanata 4

The present. 2023. Manila.
HOSPICE CARE, Nursing home village.


Hindi gano'n kalakas ang loob ko, para hindi intindihin ang iniisip nang mga tao tungkol sa'kin. Ngayon na may edad na ako, saka ko pa iniisip ang mga gan'tong bagay.

Palaging iniintindi ng kabataan ang itsura nila at kung pa'no tumingin ang katulad nilang kabataan sa isat-isa. Parang sira. hindi mo naman siguro makakasama ang taong 'yon hanggang pag tanda mo. Bakit mo kailangan ikahiya ang sarili?

Nasa bakuran ako ng ospital. Nakaupo sa upuan at nakatanaw ulit sa mga puno. Kanina'y maraming bumisita sa ibang pasyente na narito. Ilan ay kabataan. Pinapanood ko sila, habang nagkakahiyaan.

"Nag-ayos ng sarili at lumabas. Para lang mahiya..." Napangiwi kong saad sa sarili. Bulong. Naubo.

Ikaw na bata ka. Bakit hindi ka mabuhay araw-araw na 'di iniintindi ang tingin ng iba sa'yo? Gawin ang mga gusto. Gawin ang mga bagay na walang pinagsisihan.

Sino nga ba ako para sabihin 'yon? Ako na matandang malapit nang ma punta sa hukay, pero mayroon pa ring hiya.

Bagong taon na ulit. Bagong taon ulit ang masasaksihan ko. Siguradong maraming mangyayari, pero mabilis na makakalimutan iyon ng tao. Katulad ko. Dahil lumilipad ang mga araw.

Ang sabi nila'y natagpuan ako ng isang nurse na walang malay. Nakahiga sa damo at walang suot na tsinelas. Sinugod ako sa 'di kalayuan na hospital mula dito.

Walang bumisita sa'kin. Kahit isang tao. Kahit isang beses. Nagtagal ako ng isang linggo sa hospital, para roon ay magpahinga at kumuha ng ilang test. Anila.

Walang bumisita sa'kin pero mas iniisip ko pa ang sinasabi ng iba. Rinig kong sabi nila, dahil sa'kin. nasira ang taon nila. Sabi 'yon ng mga nag ta-trabaho ditong nurse.

Naligaw ulit ang nakaraan kong mga alaala.

"Bigyan mo 'ko ng pagkain! Gutom na 'ko!" Sigaw ko sa isang babae na nurse.

Kalmado naman s'yang inalalayan ako. Kakaiba, pamilyar sa'kin ang itsura ng babae na 'to...
Pakiramdam ko, nakita ko na s'ya kung saan...

Bumalik kami sa hindi ko kilalang kwarto. Bumalik naman ang isang naliligaw kong alaala.

Sinabi sa'kin ng isang matandang babae, na magkakaroon ng maliit na pagbabago. Dahil sa pinansyal na problema ng hospice na 'to at dahil sa lumiliit na pagbibigay bayad ng pamilya ko, kailangan akong ilipat sa kwarto kung saan marami akong kasama.

Dati'y nagiisa lang ako sa kwarto at akin lang ang lahat ng nando'n. Pero hindi na ngayon. Sabi naman ng matandang babae, makakabuti rin sa'kin ang may kasama.

tinignan ko ang tingin ng matatandang tao para sa'kin. Walang buhay ang mga mata nila at tila matagal nang nasa hukay ang mga tuyot na katawan. Nakahiga ang ilan sa mga sarili nilang kama.

May naglalaro ng chess at may mga nakatayo naman, likas na malikot ang mga paa. Ganito din ako sa bawat araw, katulad nila. kaya tingin ko'y mas magugustuhan kong Bumalik sa sariling nagiisa.

"Ibigay mo ang pagkain ko!" Sigaw ko, at hinagis ang aking unan sa sahig.

Kinuha naman iyon ng babae, at binigay sa'kin pabalik. Kahit galit ako, kalmado pa rin s'yang ngumiti sa'kin. Maliwanag ang ngiti n'ya, pero tingin ko'y pilit 'yon katulad ng iba.

The Writer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon