Kabanata 2The present. 2022. Manila
-------
Habang tinitignan ko ang langit. Habang tinititigan ko ang langit nang mas matagal, mas lalo lang akong nabubulag sa liwanag na dala nito.
Pinikit ko ang mata, at bumaling sa mga punong matatayog. Tinitignan ko ang mga dahon nitong kulay berde. Samahan nang kulay asul na langit at mga tao sa paligid.
Nakakamangha. Nakakamangha na nauna akong ipanganak kaysa sa mga punong matatayog na 'to at mauuna rin akong mamatay mula sa mundong ito.
"Kailangan kong hanapin ang aking leona..." Bigkas ko sa mga salita. nahihirapan.
Tulala ako sa matagal na segundo. Hindi ko alam kung gaano katagal akong tulala. Dahan-dahan akong bumaling sa nakaputing lalaki na nasa gilid ko. Nakatayo s'ya, habang ako nakaupo sa isang kahoy na salum'pwet.
Ngumiti sa'kin ang binata.
"Lolo..." Tawag n'ya sa akin.
Kumunot ang noo ko at nagsalubong ang dalawang kilay. Hindi dahil sa kakaibang ngiti n'ya. Hindi dahil sa tawag n'ya sa akin na 'lolo'. Kundi dahil sa paraan n'ya ng pagsasalita.
"...oras na po para kumain. Kailangan n'yo na din pong uminom gamot. Sundan n'yo po ako. tara na..." Aniya. Dugtong sa sinabi.
Mas lalo akong naguluhan. Binanggit ko ulit ang pangalan na 'leona' pero sa pangalawang beses kong tawag sa pangalan na 'yon, hindi ko na kilala ang babaeng ito.
Tumayo ako at sumunod sa lalaki. Parang pinagalaw lang ako ng sinabing kakain na ako.
"Bigyan mo ako ng pagkain..." Sabi ko. Paos ang boses.
Hindi ko kilala ang taong ito. Tinitignan ko sa isang salamin ang itsura ng isang matandang lalaki. Sobrang tanda. Kulubot at bagsak na ang balat sa mukha. Kulay puti ang buhok, ang itaas na buhok sa ulo ay wala na.
May tao ba sa kabila ng salamin, o ang nakikita ko'y repleksyon ng sariling katawan.
Ako ba ito?
Tanong ko sa sarili.
Minsan ay naaalala ko. Minsan ay may mga hindi ako maintindihan. Minsan ay sinasabi nilang hindi ko na maalala ang pangalan ko.
Ngayon naalala ko na. Matanda ako na nasa isang nursing home. Ang edad ko, anila'y isang daan at tatlo.
May Alzheimer's ako. Malala na.
May mga gusto akong alalahanin o alamin. Hindi ako sigurado. Alam ko lang ay may emosyon pa rin akong nararamdaman. pakiramdam na may hindi ako natapos. Pakiramdam na malungkot.
Pakiramdam na masaya. Pakiramdam na may kailangan gawin. Pero hindi ko nga alam kung ano 'yon.
Hindi ko alam. Bigla akong nawalan ng laman. Nakaupo ako sa kama. Hinawakan ko ang puting tela at matagal na natulala doon.
"Lolo..." Tawag sa akin.
Alam ko na ako ang tinatawag, pero hindi ko gustong lumingon. Natatakot ako.
BINABASA MO ANG
The Writer (Completed)
Historical FictionThe Writer. This Novel follows the lives of two men and a woman through two eras: one during the 1940s Japanese occupation of Philippines and the other in the 21st century. COMPLETED [Started: February 7, 2023] [Ended: April 10, 2023]