Kabanata 1

26 2 0
                                    

This Novel is protected under copyright Law. Any Unauthorized use, duplication or sharing May be punishable by law pertaining to copyright protection, intellectual properties, etc.

Kabanata 1

The battle of the Philippines.

The United States and the Philippine Commonwealth, against Imperial Japan during World War II.

--------------------------------------------------------

The Battle of bataan.
January. 7. 1942.

"Kung ganoon, lalaban ka pa din?" Nakangiti, pero alam ko'y seryosong tanong ni hanjo.

"Akala ko, pagtakas na ang ginawa mo." Gatong ni shiloh.

Tinignan ko sila ng masama, nagpangap akong galit at a-amba na suntok sa kanila.

Nagtawanan ang dalawa. Bumaling ako kay jad.

"Si Leonard?" Tanong ko. Pagiiwas sa usapan.

"Nasa barong. Kasama si Ral." Sagot nito.

Tumango ako. Siguro'y nagpa-plano sila ngayon, para sa gagawin bukas.

Ang totoo, ang tinutukoy nila'y tototoo. Inisip kong tumakas sa laban, ilang beses ko ng ginawa 'yon. Pero tuwing naalala ko na wala rin pala akong mapupuntahan at magtatago lang, bumabalik din ako.

Hawak ng kaliwang kamay ko ang isang amerikanong baril. Pinupunasan ko iyon gamit ang telang hawak ng kanang kamay ko.

"Mabilis mapalitan ang lahat. Dati'y itak ang meron tayo, o 'di kaya'y baril na kailangan pang sindihan ng apoy, para lang pumalag. Pero ngayon, isang kalabit na lang sa baril, isang buhay na agad ang mawawala"

saad ni Ral, pag pasok ng kwarto. Sinabi n'ya ang nilalaman ng isip ko.

Nakatingin lang ako sa hawak kong baril, dahil hindi ko kayang mag anggat ng tingin sa kanila. Alam kong may galit ang tingin sa'kin ni Leonard.

"Sa'n ka ulit nagtungo?" Tanong nito.

"Kumuha lang ako ng kakainin." Walang emosyon kong sagot. Hindi pa rin ako Nagangat ng tingin sa kanila.

Hindi totoo ang sinabi ko. Buong araw akong nawala sa nakalipas na kahapon.

"Akala namin, na bihag ka na." Singit ni hanjo sa usapan. Binigyan ko s'ya ng mariin na tingin.

Lumipas na ang isang buwan. Nagpatuloy ang paghakbang ng mga pilipino. Gano'n din ang pananakop ng mga hapon. Nagpatuloy ang laban. Isang araw lang. Ang balita'y lagpas daan na ang nawala sa giyera.

Kailangan namin pumunta sa malalang lugar, para do'n ay tumulong. Kahit ang lugar na 'to ay 'di masyadong ayos dahil sa mga japoñes. Kailangan namin gawin 'yon, para tumulong sa nakakarami. Iwan ang mga kakaunti.

"Hindi namin kailangan ng mahinang puso sa laban. Itsura mo lang, ang iyong ngalan. Kung ano ang bigkas, s'ya ang bikas." Huling salita nito, bago umalis sa harap ko. Nainis ako.

Anong gusto n'yang sabihin, mahina ako?!

Lumabas s'ya ng kwarto. Rinig ko ang hakwang n'ya sa kahoy na sahig. Umalis s'ya at do'n lang ako nag angat ng tingin sa kanilang lahat. Matalim.

Natahimik kami. Nagsimula ulit ang lakbayin. Huminga ako ng malalim. Tumigil kami saglit do'n, upang mamahinga.

"Rinig n'yo na rin ba, na halos lahat ng bansa sa Timog-silangang Asya, hawak na ng hapones? Tayo na lang daw ang lumalaban!" Si Shiloh.

The Writer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon