Shaniel Pov.
Blood, dead bodies, groaning because of pain, iyan ang tanging nakikita at naririnig ko sa apat na sulok ng kwarto ng kinaroroonan ko.
I sighed and put my katana down, another idiots died and suffer in my hands, too bad dahil naging madali ang kamatayan nila.
I won't consider myself as a heartless vampire, dahil mas masahol pa itong mga ordinaryong pinatay ko.
Kung demonyo ako, mas demonyo sila, hindi ako katulad ng mga ibang bampira na nananakit ng walang dahilan, ordinaryong tao man o kalahi ko basta alam kung may ginawa silang labag sa lipunan hindi ko sila sasantuhin.
"Boss you need to leave that place as soon as possible, they're coming..... And oh they'de bring another bunch of idiots" isang matinis na boses ang narinig ko mula sa Bluetooth earpods ko, i sighed at nilagay ang katana sa likuran ko.
Pumunta ako sa may bintana at duon tumalon para tumakas, we vampire specially those who had the legendary bloods isn't afraid to die, not like those ordinary vampires.
Sumakay ako sa motor ko at pinaharorot palayo.
Nasa isang bench ako naka-upo habang tinitignan ang maraming taong dumadaan, dumaan ang malungkot na damdamin sa walang emosyon kung mukha.
I can hear their heartbeats, they are some that fast, yung iba mahina, muli ay napahawak ako sa dibdib kung saan dapat naka-pwesto ang puso ko kung naging ordinaryo lang ako.
Ano paba aasahan ko? Alam ko namang malabo ang gusto kung mangyari, kapag siguro nalaman ng lolo namin sasabihan nanaman ako nun ng baliw na pilit na nangangarap ng gising.
"Ano ba! Umalis nga kayong dalawa kundi matatamaan nanaman kayo sa'kin" isang maayong boses ang naririnig ko na ikinanuot ng noo ko.
"Tang-ina niyo naman e! Hindi na nga ako bata, umalis na kayo!" muli sa hindi malamang kadahilanan ay parang may sariling pag-iisip ang mga mata ko, pilit na hinahanap ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
"Parang gago naman kayo, sabi niyo mag enjoy ako? Eh pukinang-ina pala yan buntot kayo ng buntot mga ulol" napatampal ako ng sarili kung noo ng marinig ang mga salitang iyon.
Kababaing tao ang laswa kung magsalita, haist.
"Manahimik ka nalang diyan ay maglibot-libot saka hindi ka naman namin iniistorbo saka pinapakiealaman ah" nag tagis ang mga bagang ko, napayukom ang mga kamao ko ng marinig ang boses lalaki na iyon.
"Putang-ina mo, umuwi nalang tayong mga gago kayo! Pwe! Tabi nga" napatayo ako ng wala sa sarili ang sinundan ang kanyang mga yapak.
What the hell? Anong nangyayari sa'kin? Ano itong nararamdaman ko? I've never feel this before, parang akong wala sa pag-iisip, ngunit ng matauhan ay kaagad akong sumakay sa'king motor.
Hindi ko ito magawang paandarin, nakasampa na nga ako ngunit naka-yukom parin ang aking mga kamao, hindi ko batid kung paano pakalmahin ang aking sarili.
Kailangan kuna bang tawagan ang doctor ko? Tila bago ito sa'kin, ilang malalim na hininga na ang aking ginawa ngunit wala paring epekto, nababaliw naba ako?
Dala lang siguro ito ng pagod, ngunit kapag ako'y pagod ay natutulog na lamang ako kahit saang lugar pa iyan, basta ako'y pagod ay hindi ko napipigilan ang aking sarili.
Ginulo ko ang buhok ko at kusang napasalampak sa sahig, para akong baliw na hindi alam ang gagawin sa mga oras na ito, para akong nag-aapoy sa galit.
Kailangan kung kumalma, maraming tao, hindi ako pwedeng makagawa ng kahit anong nakakasamang bagay, hindi ngayon at hinding-hindi na pwede.
"Get up silly, you look like in shit" napatingala ako ng makarinig ng pang-babaeng boses.
"Para ka namang tanga riyan e, tumayo kanga gago kaba? Ang mahal mahal ng pantalon mo tas ipapahalik mulang sa lupa" alam kung nagkukunwari lang siyang galit.
Napatayo ako ng wala sa oras at malamig siyang tinignan, napangiwi ako ng makitang bago nanaman ang kulay ng buhok niya.
Bakit ba sa tuwing nagkikita kami ay paiba-iba yung kinukulay niya, palihim akong napa-irap ng mapagtantong kulay abo ang buhok niya.
"Seriously? Pipili kana lang ng kulay ganyan pa?" iritang saad ko.
Umirap ito at pinitik ang noo ko "So what, buhay moba? Hindi naman ah, tyaka hoy! Ito kaya ngayon ang uso" hinawakan niya ang kanyang mahabang-buhok at pilit na sinasampal sa'kin.
"Stop it! Naamoy ko ang kemikal na nasa buhok mo" totoo iyon, kahit paglipasan pa ng taon pagkatapos niyang magpakulay at kapag nagkikita kami ay amoy na amoy kopa rin.
"Arte mo! Ikaw nga riyan ang parang siraulo, bakit kapa nakasalampak riyan ha?" muli ay pumasok sa'king isipan ang naramdaman ko kanina, pati narin ang mga naging aksyon ko habang nararamdaman iyon.
"The fuck? Hahaha nagselos ka? Ano pumapag-ibig kana ba?" nagtataka ko siyang tinignan.
Selos? Jealous? Paano?
"Haist, ang malas naman ng babaeng iyon at nagustuhan mo siya" kunwaring malungkot na saad nito at maya-maya pa ay tumalim ang kanyang mga mata.
"Tell me, is she like us?" Doon ako napatigil, alam kung hindi siya kagaya namin, naririnig ko ang kabog ng dibdib niya sa tuwing nakakasalubong kami.
"Leave her alone shaniel is she is not like us, alam mung bawal tayo magmahal ng mga mortal, bukod sa malaking kasalanan iyon sa empyeryo natin, mapapahamak rin siya, papatayin rin siya kagaya ng ginawa nila sa nanay ko" kahit pilit niyang pinapalamig ang kanyang tono ay hindi parin nakaligtas sa pandinig ko ang bahid ng kalungkutan.
Alam kung wala akong nararamdaman sa babaeng iyon, ngunit napagtanto ko ring wala pala akong kaalaman sa salitang pag-ibig, may nakikita akong ganun sa mga librong nababasa ko ngunit kailangan man ay hindi ko ito napagtuunan ng pansin.
Alam ko sa sarili kung imposibleng mahulog ako sa mortal dahil wala akong puso kaya nila, hindi ako makakaramdam ng pag-ibig dahil nabubuhay akong puno ng galit at sakit.
"Alam kung imposible para sa'tin ang mahulog sa mortal ngunit tandaan mo shaniel, maraming sumubok at maraming nasaktan, isa na roon ang ama at ina ko, kaya ngayon palang lumayo kana mula sakanya, dahil kahit nagtatago tayo kasama ng mga tao, mas makapangyarihan parin ang mga membro ng empyeryo, at tandaan mo shaniel, papalit na ng papalit ang araw na hinihintay nila" hinawakan niya ako sa balikat at parang nakikiusap ang mga matang tinignan ako.
"Nakikiusap ako, magpigil, buhay mo at buhat niya ang magiging kapalit kapag sumugal ka, wala na tayong takas shaniel lahat ng mga batang bampira na nagawa ring mamuhay na kasama ang mga tao kagaya natin ay nanganganib narin"
YOU ARE READING
Shaniel obsession : Vicolos Vampires series
FantasyShaniel Vicolos, the youngiest among them, the one who is trying to have a normal life despite of who really is he. In Vicolos Empire, they have a rule that who will be the e youngiest son of the Head Vicolos will be work-free, the middle and the el...