2. Deep Feelings

214 43 15
                                        

I looked at her, smiling, wondering how lucky I am to admire her beautiful face

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I looked at her, smiling, wondering how lucky I am to admire her beautiful face. Ever since I met her, she’s been on my mind—parang hindi ko siya matanggal sa utak ko kahit anong pilit ko.

Gusto ko kung paano siya tahimik, kung paano hindi niya kailangang mag-exert ng effort para mapansin. Hailey has this peaceful presence that draws me in every time. Kapag nahuhuli ko siyang patago akong tinitingnan, ramdam ko agad ang kabog ng dibdib ko. I’m sure she feels something, too.

Hailey, my one and only.

Habang panay ang kwento ni Bella sa tabi ko, si Hailey lang talaga ang nasa isip ko. Sa totoo lang, kanina pa nakatutok ang tingin ko sa kanya habang nakaupo sa harap namin. Kami tatlo, magkaibigan na simula pa noong high school, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin masabi kay Hailey kung gaano ko siya kagusto. I’m waiting for the perfect moment—‘yung espesyal talaga. Gusto kong malaman niya na siya lang ang babaeng gusto kong maging girlfriend.

“Z, are you listening?” biglang tanong ni Bella, snapping me back to reality.

Napatingin ako sa kanya. Napansin ko agad ang ilang hibla ng buhok niyang pula na tumatakip sa mata niya habang ngumunguya ng pagkain.

I shook my head, smirking, then leaned forward to brush her hair aside. “Tie your hair properly, Belle.”

“Later,” sagot niya sabay tawa.

Same old Bella—never the type to care about how she looks. Pero bago ko pa maituloy ang iniisip ko, biglang tumayo si Hailey at inayos ang ponytail ni Bella. I couldn’t help but smile. Si Hailey, kahit tahimik, palaging inaalagaan si Bella. She’s such a wonderful friend.

Neighbors kami ni Bella, mga five houses apart lang. Naging close kami nung naging magkaklase kami noong nakaraang taon. Matagal nang magkaibigan ang mga magulang namin, kaya parang parte na rin siya ng pamilya ko. Sa totoo lang, my dad treats Bella like a daughter—kaya siguro, I’ve always seen her as more of a little sister.

Kapag umamin na ako kay Hailey, alam kong susuportahan kami ni Bella.

---

🐬🐬🐬🐬

Pagkatapos ng klase, magkasabay kami ni Bella umuwi. As usual, unang sasalubong sa amin ang tatay ko, naka-ngiti nang malawak.

“Bella, my daughter!” bati niya agad, as if hindi niya ako nakita.

“Tito Zack! You look so guapo today. Anong okasyon?” sagot ni Bella, tumatawa.

“Ayy, I’m guapo every day, anak,” sagot ng tatay ko, tumatawa rin.

“Hey, Dad! I’m your son, too. Pwede bang batiin mo rin ako?” reklamo ko, kunwari nagpapout.

Pero saglit lang niya akong tinignan. “My daughter is here, Zayne. Mas importante siya ngayon. Tara, Belle, let me fix you a snack.”

Ganito palagi. Pagdating ni Bella sa bahay, parang nagiging invisible ako.

Pagpasok namin, natanaw ni Mama si Bella at agad na ngumiti. “You look tired, Belle. Long day at school?” tanong niya, na hindi man lang ako nilingon.

Minsan tuloy, napapaisip ako kung ampon lang ba ako sa bahay namin.

“Zayne, kunin mo nga ng towel si Bella. Basa ang likod niya,” utos ni Mama.

“Mom, kakalaro ko lang ng basketball! Basa rin likod ko—” reklamo ko, pero pinutol niya agad.

“Kaya mo naman ang sarili mo, anak. Hurry up; ayokong magkasakit si Bella.”

Wala na akong nagawa kundi umiling na lang. Sanay na ako sa ganito. Kaya siguro ang comfortable ko kay Bella—she’s like a sister from another mother. Kahit isang buwan lang ang tanda ko sa kanya, parang kambal na rin kami kung minsan.

“Ate Belle! Ate Belle!” biglang sigaw ng kapatid kong si Jared, na kumakaripas ng takbo pababa ng hagdan para batiin siya.

“Oh, hi there, Jared,” sabi ko, pero tinanguan lang niya ako, buong atensyon nakatutok kay Bella.

Maya-maya, tawanan na sila sa sala. Habang dinadala ko ang towel sa baba, napatawa na lang ako sa sarili ko, iniisip, What if Bella and I swapped parents?

Hindi rin siguro uubra. Her parents treat her like a princess—it’s impossible to imagine them ever trading her for me. Pero okay na rin. Seeing Bella happy like this makes me happy, too.

Habang nakatingin ako sa bintana, naalala ko ulit si Hailey. Maybe it’s time. Maybe it’s finally time to tell her how I feel. Sana lang, kapag dumating ang moment na ‘yun, maging tama ang lahat.

𝙇𝙤𝙫𝙞𝙣𝙜 𝙈𝙧. 𝙈𝙖𝙣𝙝𝙞𝙙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon