9. Is it Goodbye?

154 38 8
                                        

A day after our school year ended, some of my friends decided to have a farewell party before our holiday

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A day after our school year ended, some of my friends decided to have a farewell party before our holiday. It was the perfect opportunity for me to tell Hailey and Zayne that I was leaving the next day. They were still my friends, despite the pain I felt without them knowing. It wasn’t their fault that I had been hurt; I had made assumptions, hoped too much, and expected things that never should have been expected. They didn’t deserve the cold shoulder I was giving them, and I suddenly felt guilty about it.

I realized I was a bit immature. I should be happy for them.

I arrived a little earlier than Zayne at our friend's house, where they had cold beers set up in the living room.

"Bakit hindi nalang kayo nagsabay pumunta rito?" tanong ni Andy nang pumasok kami.

"Magkapitbahay lang naman kayo," dugtong ni Yannie.

Pero walang sumagot ni isa sa amin ni Zayne. I thought I could face him normally, but it felt awkward.

Inabutan ni Andy si Zayne ng bote ng beer.

"Iinom ka ba, Belle?" tanong ni Yanie.

"I don’t drink—"

"She doesn’t drink—"

Sabay pa kaming sumagot ni Zayne. Napatingin ako sa kaniya, pero agad kong iniwas ang tingin.

"Can I have some cola?" tanong ko.

"Meron sa fridge. Punta ka lang sa kitchen," sagot ni Andy.

Iniwan ko sila at pumunta sa kusina, kinuha ang coke sa fridge, at agad binuksan ang bote.

Lalabas na sana ako ng kusina nang marinig ang usapan sa sala.

"Akala ko talaga si Bella ang magiging girlfriend mo, Zayne," tanong ni Andy, ikinagulat ko ang sinabi.

Sa tono ng sagot ni Zayne, maging siya nagulat rin.

"Bakit mo naman naisip yan? Napaka-imposible namang naisip mo."

"Why not?" tanong ni Yanie. "Mas close ka kay Bella kaysa kay Hailey, diba?"

"Dahil kapatid ang turing ko kay Bella. Mas mahal pa nga yun ng parents ko kaysa sa akin eh. Mas lalo na, kapatid ko."

Kapatid. Ganun lang ang tingin sa akin ni Zayne.

It hurt, but that was the truth. Hanggang doon lang ang turing niya sa akin—his sister. Bakit hindi ko man lang naisip ang mga pag-aalala at pag-aalaga niya ay dahil lang sa tingin niyang ako’y kapatid niya? Nothing romantic about it all. Ako lang yung tangang nagpabulag sa sarili kong pantasya.

Naglakas ako ng loob na lumabas, pero wala na si Zayne sa sala. Hinanap siya ng aking mga mata.

"Lumabas," sabi ni Yanie nang mapansin ang paghahanap ko kay Zayne.

I should say sorry to Zayne sa panlalamig ko sa kaniya.

"Labas muna ako," sabi ko bago lumabas ng bahay.

Pero natigilan ako sa pinto nang makita ko si Zayne at Hailey sa gate.

They were kissing.

At bumalik na naman yung sakit.

Hindi ako makagalaw, hindi ako makahinga.

Habang hawak ko nang mahigpit ang pintuan, nagsimulang manlabo ang aking mga mata.

Does it really have to hurt like this all the time?

"What's wrong?" tanong ni Yanie sa likuran ko.

"Aww, PDA masyado," tili ni Yanie nang hatakin ako papasok sa loob.

Tumingin ako sa bubong, hoping hindi tuluyang babagsak ang mga luha ko.

"Kapag bagong mag-couple talaga, ano? Naghahalikan kahit saan," sabi ni Yanie.

Sana hindi niya mapansin ang pag-iwas ko ng tingin.

"Akin na nga yang hawak mo."

Saka ko lang narealize na mahigpit ko ring hawak sa isang kamay ang bote ng coke.

"Hindi ka na dapat pumunta rito," halos pabulong niya nang alalayan ako papunta sa kusina.

Napatingin ako sa kaniya.

Alam niya?

"Babae ako, ramdam kong nasasaktan ka. Gusto mo bang tumakas?"

Agad-agad akong tumango, thankful for Yanie's concern.

"Sa likod ka na dumaan. Wait muna nating makapasok yung dalawa."

"Magtataka sila."

"Don't worry, ako na bahala. Sasabihin ko nalang na biglang sumama pakiramdam mo. Monthly dalaw, hindi na sila mangungulit niyan."

Bigla ko siyang niyakap habang naiiyak.

Hindi ko alam na may ibang tao rin pala na nakakaintindi sa akin. Hindi naman kami close, but she can feel my pain.

"I'm leaving tomorrow. See you when I come back," sabi ko bago bumitaw sa pagkakayakap sa kaniya.

"Be strong, Belle. Sobrang hirap ng one-sided love. But for now, uwi ka muna. I think pumasok na sila ng bahay."

I said thank you to her before saying my goodbye. I felt a little lighter, knowing that someone understood my pain, even if only for a moment.

𝙇𝙤𝙫𝙞𝙣𝙜 𝙈𝙧. 𝙈𝙖𝙣𝙝𝙞𝙙Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon