2

1.6K 56 1
                                    


MY PIGGY LOVE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 2

[Chummy POV]

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Yesha. Mabilis pa sa alas kuwatro na pinindot ko ang cellphone ko para bumalik sa Homescreen.
"Wala lang," sagot ko. "Scan-scan ng Facebook."
"Wattpad na naman?" aniya.
Napasimangot ako, "Alam mo na pala e."
Actually, masaya ako kasi after ng ilang months, ngayon lang ulit nagparamdam ang favorite writer ko. FYI, erotic writer. Siyempre secret ko lang 'yon. Di naman alam nitong si Yesha ang mundo ng Wattpad e. Isa pa, may lovelife na kaya siya, at ninang ako ng junakis nila ni Riffle.
"Di ba may asawa ka na? How true na may lalaking mabilis ang orgasm?" pabulong na tanong ko. Kaunti pa lang kami sa classroom dahil maaga kaming pumasok.
"Pano mo nasabi?" tanong niya.
"H-Huh? Wala, narinig ko lang sa dyip kanina," pagsisinungaling ko. "Nevermind na nga lang."
"I-research mo na lang,"sabi niya.
"Kaya nga tinatanong kita kasi di ba, naranasan mo na? Pero huwag na nga lang natin pag-usapan," sabi ko. Well, siguro may ganon nga. May tiwala naman ako kay Author.
Ayun, nakipagkuwentuhan pa ako kay Yesha.
"Papasok ba si Buwan?" tanong ni Red nang pumasok.
"Malay ko, ba't sa akin ka magtatanong?" sagot ko.
"Suplada mo," aniya. "Ikaw kaya ang madalas doon."
"Sa bahay ako natulog," sagot ko. Umuwi ako kahapon bago pa sumabog ang ulo ko sa team galaxy. Grabe, nag-away sila kahapon at dahil wala si Tito Sky, walang nakapagsaway sa kanila. Paano, ninakaw nina Moon at Maater ang motorbike ni Sun, tapos nang iuwi eh, may butas na ang gulong kaya ayun, nagsuntukan sila at nagkampihan na.
"Oh," sabi ni Red sabay abot ng isang puting rosas.
"Ano 'to?" tanong ko.
"Pinabibigay ng manliligaw mo," sabi niya.
"Huwag mo nga akong pinagloloko, Pula!" naiinis na sabi ko.
"Ayieee. May secret admirer siya," tukso ni Yesha.
"Shutup ka rin, isa ka pa e!" saway ko.
"Galing nga 'yan kay Gino," sabi ni Red na ang tinutukoy ay kakilala niya na nakilala ko noong birthday party niya.
"Bakit niya ako bibigyan?"
"Crush ka nga niya," sagot ni Red at inilapag sa armchair ko ang bulaklak.
"Nextime pakisabi pera na lang," biro ko. Pangalawang beses na niyang magbigay ng bulaklak.
"May chocolates pa sa ref ko pero mamaya na lang," sabi niya.
"Ay, gusto ko chocolates," sabi ko. "Baka inubos mo na."
"Ulol! Natunaw kanina kaya iniwan ko muna sa tambayan," sabi niya.
"Kukunin ko mamaya," excited na sabi ko.
Biglang pumasok ang guro kaya quiet na kami. Bumalik na rin si Red sa upuan niya.
After ng first subject, nauna akong lumabas.
"Kita na lang tayo sa classroom," pasigaw na sabi ko kay Yesha. May 15 minutes pa kami kaya may time pa akong pumunta sa tambayan.
Hinihingal na pumasok ako.
Napatigil ako nang makita ko si Star sa sofa na nakaupo katabi ang kaklase niyang babae.
"Katok din 'pag may time!" naiinis na sabi ng babae.
"Bakit naman? May ginagawa ba kayong naistorbo ko?" naiinis na tanong ko.
"Wow! Pagmamay-ari mo 'to?" aniya. Bruhang 'to.
"Sort of," tinatamad na sabat ni Star. "Bumalik ka na sa classroom, Shaira."
"Sheena!" pagtatama niya kaya natawa ako.
"Whatever!" ani Star. "Pero part si Chummy ng tambayang ito kaya huwag mo nga siyang sigawan."
Tumayo ang babae at sinamaan ako ng tingin bago walang pasabi na lumabas.
"Thanks, Bituin," pasalamat ko at dumiretso na sa ref.
"Saan na ang chocolates ko?" tanong ko nang wala naman akong nakitang chocolates sa ref kundi cake. Bumalik ako sa sala at hinarap si Star. "May chocolates sa ref sabi ni Red."
"Di ko alam, meron ba?"
"Oo eh," ani ko.
"Edi kunin mo," sabi niya.
"Wala nga eh!" Tumaas na boses ko.
"Shit! Ang ingay mo! Ba't ka naninigaw?" inis na tanong niya.
"Kasi naman eh."
"Baka binibiro ka ni Red, mukha ka raw patay-gutom eh."
"Ang sakit mong magsalita, Bituin!"
Hindi na siya umimik kaya pasalampak na naupo ako sa tabi niya.
"Mapapatay ko talaga ang Pulang 'yon!" bulong ko.
Napatingin ako sa kamay ni Star na may inabot sa akin. Isang box ng maliliit na muffins.
"Pasalubong ni Tita Anndy, sa 'yo na," walang ganang sabi niya pero nasa hawak na cellphone ang mga mata.
"Bigay mo?"
"Malamang."
"Walang bayad?"
"Wala."
"Talaga?"
"Kunin mo na bago magbago ang isip ko." Malapit nang mapikon ang boses nito kaya agad kong kinuha.
"Salamat, Bituin."
"Alis na," pagtataboy niya at nagtipa sa cellphone. Napasulyap ako, si Moon ang katext niya.
"Hmm? Mamaya unti, pagod pa 'ko," sagot ko at binuksan ang maliit na box at inamoy ang pagkain. Kumuha ako ng isa at tinikman.
"Hmmm? Masarap, Bituin!" puri ko. Ang sarap talaga ni Tita Anndy mag-bake. "Sana makapag-asawa ako ng masarap na mag-bake at magluto," hiling ko.
"Asa ka!" ani Star.
"Talaga," sabi ko at inubos ang isang muffin. "Ano pala ang ginagawa ng babaeng 'yon? Magjujugjugan kayo noh?"
"Para ano?"
"Kunyari ka pa."
"Bahala ka na nga!" pikong sabi niya.
"Nahiya ka pa sa akin, kilala na kita noh," pang-aasar ko.
"Kilala mo naman pala ako eh."
"Oo naman, kilalang-kilala," sabi ko.
"Ba't di mo alam?" seryosong tanong niya kaya napasulyap ako sa kaniya.
"Ang alin?" curious na tanong ko. Guwapo talaga si Star at ang ganda pa  ng mga mata niyang namana niya kay Tita Taira. Maamo ang mukha ni Star na minsan ay may pagkabadboy rin. Basta ang hirap ipaliwanag. Basta pogi siya. Siyempre nanay ko ang nagdala sa kaniya kaya para sa akin, siya ang pinakapogi sa team galaxy.
"Na seryoso ako sa 'yo."
"Ha?" naguguluhang tanong ko.
"Mahal kita, Chummy."
Napabilang ako. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Ang tahimik ng paligid. Nakatingin pa siya sa akin kahit na may tumatawag sa cellphone niya.
Bigla akong napasimangot.
"Buwesit ka, Bituin! Ako na naman ang nakita mo?" naiinis na sabi ko. Palagi niya akong pinagtitripan kapag kaming dalawa na lang. "Huwag mo nga akong isali sa mga babae mo, nasusuka ako."
"Sabi ko nga, ganiyan magiging reaksiyon mo eh!" sabi niya saka napakamot sa ulo. "Umalis ka na nga! Mas lalo ka nang tumataba!"
"Maganda naman," pagmamalaki ko saka tumayo. "Salamat dito, sana may nextime pa."
"Basta ikaw," sabi niya. May times na sobrang bait niya sa akin. Well, hindi naman kami aso't pusa talaga. Nag-aaway lang kami kapag ubusan ko siya ng pagkain. Paano, palaging sa kaniya ang naiiwan sa ref.
"Oh siya, alam ko namang magjujugjugan pa kayo ng babae mo," biro ko.
"Di kaya, wala akong jowa."
"Wala naman talaga. Kajugjugan lang," giit ko.
"Babaliin ko na talaga leeg mo kapag hindi ka pa tumigil, Chummy!"
Tumawa ako saka matamis na ngumiti.
"Oo na po, basta salamat sa muffins, Bituin."
"Layas na," pagtataboy nito.
Umalis na ako at dumiretso sa next subject namin. Siyempre wala pa si Yesha. Nasa kay Riffle na naman 'yon siguro.
"Hoy, Pula! Wala naman ang chocolates ko sa tambayan! Sinungaling ka talaga!"
"Nandoon lang 'yon."
"Sinungaling! Doon kaya ako galing!" naiinis na sabi ko.
"Hala, ginawa pa akong sinungaling," sabi niya. Mabait si Red at minsan lang magbiro. Siya ang tipo ng lalaking kaunti lang ang kaibigan dahil busy sa business. Siya ang lalaking kapag maging jowa mo, sure kang hindi ka niya lolokohin. At sa lahat yata ng Villafuerte, siya pa lang ang kilala kong walang napakilalang jowa. Napapaligiran siya ng magaganda pero wala pa naman siyang nadala sa party ng pamilya nila. Akala ko nga, sila ng talent niyang si Clarissa dahil sweet sila pero hindi naman pala. Isa pa, tinalikuran na ni Clarissa ang showbiz at nangibang bansa nang dahil sa issue nila nina Clouds at Seola. Of course, alam ko dahil madalas ako sa mga Villafuerte.
"Totoo naman, wala naman talaga sa ref. Cake lang naman ang nandoon. Alangan naman kainin ni Star 'yon, eh, hindi naman 'yon mahilig sa chocolates."
"Ah, si Star ba ang nandoon?"
"Oo, wala naman daw siyang nakita," sagot ko.
Ngumisi siya kaya napataas ang kilay ko.
"Mapapatay talaga kita, Red!"
"Binibiro lang kita, Chumz, alam ko kasing mabilis ka sa pagkain."
"Sinasabi ko na nga ba, Pula eh!" singhal ko. "Hindi ka na igagawa ni Yesha ng assignment!"
"Sabihin ko kay Gino na mahilig ka sa pagkain para nextime, pagkain ang ibibigay niya. Sanna pala ang flower mo?"
"Sa flower vase ni ma'am," sagot ko. Iniwan ko sa classroom namin sa first subject kanina dahil malalanta lang sa akin 'yon. Di naman ako mahilig sa bulaklak.
"San galing 'yang muffins mo?" tanong niya.
"Kay Bituin, pinasalubong ni Tita Anndy sa kaniya," sagot ko.
"Ah, kaya pala familar. Di ko pa nga nakain ang sa akin eh," sabi niya.
"Akin na lang."
"For sure nakain na 'yon nina Tangerine at Grey," sabi niya na ang tinutukoy ay ang dalawang nakakabatang kapatid.
"Damot!"
"Close kayo ni Star noh?"
"Di naman," ani ko. "Bakit?"
"Wala lang," sabi niya at ngumiti. "Gusto ko lang sanang itatanong kung sino ang girlfriend niya."
"E di itanong mo, kayo naman ang magpinsan."
Naupo ako sa upuan ko at nilantakan ang muffins. Huwag lang sana akong singilin ng kalikasan mamaya habang nagle-lecture ang prof namin.
"Di kami close," sabi niya.
"Sus! Bakit bigla kang naging interesado sa girlfriend niya? Di naman 'yon titino."
"Hala ka, seryoso kaya ang mga Villafuerte magmahal. Kita mo naman sina Clouds at Dust."
Geez! May point siya. Pero sina Star, Moon, Matter at Sun? Hindi ko nai-imagine. As in never.
"Ewan ko lang sa apat," sabi ko.
"Ano ba sa tingin mo? Seseryoso pa ba si Star?" curious na tanong niya.
"Aba, malay ko. Ba't ako ang tinatanong mo? Ba't ba sila ang topic natin?"
Tumawa siya. Minsan lang 'to makipagdaldalan e.
"Oo nga eh," sabi niya.
Napatingin ako kay Yesha na humahangos papasok.
"Oh? Anong meron?" tanong ko.
"A-Ang galaxy, nagsusuntukan sa labas," sabi niya kaya napatayo ako.
"Bakit?" tanong ko at tumakbo palabas dahil nagsimula nang mag-ingay ang paligid.
May nagsisitakbuhan kaya sinundan ko sila hanggang sa makarating ako sa open-field. Nandoon nga ang apat at nagsusuntukan. Wala namang umaawat sa kanila. Nakita ko si Seola na patakbong lumapit kay Clouds kaya lumapit na rin ako.
"Tama na!" sigaw ni Seola at hinila si Clouds. Hindi niya kakayanin ang apat kaya lumapit na rin ako. Hindi pa rin natapos ang away nila kahapon. Patayan pa naman sila kung mag-away.
"Tama na!" saway ko at hinila si Moon pero napaupo ako nang masiko niya ako. "Ouch!" daing ko kaya tumigil silang apat. Agad na sumaklulo si Seola sa akin para tulungan akong tumayo.
"Sorry," sincere na paumanhin ni Moon.
"Okay lang," sagot ko nang makatayo na.
Boogsh!
Napatili kami ni Seola nang sinugod ni Star si Moon at pinagsusuntok nang matumba.
"Putsa! Tama na!" saway ni Sun at hinila si Star palayo kay Moon. Tumulong na rin sina Matter at Clouds para hindi na makalapit pa si Star kay Moon.
"Psh! Hindi nga sinasadya eh!" singhal ni Moon.
"Gago ka pala eh!" pagmumura ni Star.
"Tama na sabi!" saway ni Sun.
"Pagsabihan n'yo 'yan!" galit na sabi ni Star at tinuro si Moon. Napasulyap siya sa akin kaya iniwas ko ang mga mata ko. Hala, may kasalanan ba ako? Tumalikod siya at iniwan kami.
"Psh! Kami ang magkakampi kanina eh!" naiinis na bulong ni Moon saka pinahidan ang dugo sa labi.
"Baliw ka kasi!" sabi ni Sun. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari.
"Di ko naman sinasadya ah," depensa ni Moon at hinarap ako. "Sundan mo nga si Bituin, bugbog sarado 'yon kay Sun."
Napailing ako at sinundan si Star sa tambayan.
"Bakit kayo nagsusuntukan?" naiinis na tanong ko nang pumasok ako. Nakaupo siya sa couch na salubong ang kilay. Lumapit ako sa medicine kit at kinuha ang icepack saka nilagyan ng ice cubes.
"Umawat lang ako!" sagot niya. "Gago kasing Moon at Matter!"
Naupo ako sa tabi niya. Itinaas niya ang sleeve ko kaya napaiwas ako.
"Ano ba?"
"May pasa ka ba? Saan ang masakit?" tanong niya at sinipat ang mukha ko.
"Wala ah. Para sa 'yo 'tong ice," sabi ko at inilagay sa namumula niyang pisngi ang ice pack.
"Nextime huwag ka nang pumagitna!" galit na sabi niya.
"Kasi--"
"Walang kasi-kasi!"
"O-Okay," sagot ko. Galit na siya eh.
"Bumalik ka na sa klase mo," mahinahong sabi niya at kinuha ang ice pack saka siya na ang naglagay sa pisngi niya.
"Mamaya na, di naman 'yon major subject," sabi ko. "Samahan muna kita rito."
Sa totoo lang, naaawa ako sa kaniya. Ang kinis pa naman ng pisngi niya at sigurado akong magpapasa 'to bukas.
Bumukas ang pinto saka sabay na pumasok ang apat kasama si Seola.
"Tig-iisa lang, hoy!" sabi ni Matter nang mag-agawan sila ng ice packs sa cabinet.
"Madami tayong ice packs," sabi ni Sun. "Patay na naman ako kay Shine pag-uwi ko. Samahan nyo 'kong magpaliwanag."
"Parang 'yon lang eh, babayaran ka naman namin ni Matter," sabi ni Moon.
"Kapag gamit ko, gamit ko! Huwag kayong manguha!" galit na sabi ni Sun.
"Eh, kung hindi mo sinira ang ducati namin, sana hindi kami makigamit!" galit na sabi ni Moon.
Sinira kasi noon ni Sun ang ducati ng tatlo niyang kapatid.
"Kasalanan ko pa?" salubong ang kilay na tanong ni Sun.
"Mag-uumpisa na naman kayo!" sabat ni Clouds na nakaupo na at nilalagyan ni Seola ng cold compress ang namumulang pisngi.
"Ang sabihin mo, lagot tayo kay Daddy pag-uwi nila bukas. Letse! Ba't ba dito kayo nagsuntukan?" naiinis na sabi ni Clouds.
"Sorry pala kanina, Chumz, hindi ko sinasadya," paumanhin ni Moon.
"Okay lang," sagot ko.
"Hindi 'yon okay!" sabat ni Star. "Kapag may sumakit sa 'yo, sabihan mo ako."
"Hindi naman talaga masakit," depensa ko.
"Psh! Pagtakpan mo pa si Moon," sabi niya.
"Kaninong chocolate 'tong sa drawer?" tanong ni Moon at pinakita ang isang chocolate saka binasa ang nasa papel. Napasulyap siya sa amin ni Star. Hanggang ngayon, madilim pa rin ang mukha ni Star habang nakatitig kay Moon. Galit talaga siya sa nangyari kanina.
"Baka 'yan ang sabi ni Red, akin yata 'yan," sagot ko.
"H-Ha?" ani Moon saka napangiwi. "Para sa akin pala, bigay ng babae kahapon, nakalimutan ko. May loveletter pa nga eh." Kinuha niya ang note saka pinunit at itinapon sa basurahan kasama ang chocolate.
"Hala, akin na lang ang chocolate," sabi ko at tatayo na sana pero pinigilan ako ni Star sa kanang braso.
"Kapag tumayo ka, ibubunggo ko ang ulo ninyo ni Moon!" pagbabanta ni Star. Okay, galit talaga siya kay Moon at kapag lapitan ko ang huli, baka isipin niyang mas kinakampihan ko ito kaysa sa kaniya.
"Huwag na, Chumz, for sure may gayuma 'to. Ibibili ka na lang ni Star ng maraming chocolates." Oo nga pala, tinatapon ni Moon ang lahat ng pagkain na bigay ng mga babae niya dahil baka raw may gayuma. Binitiwan ni Star ang braso ko. Medyo masakit ah. Gusto ko sanang magreklamo pero baka sa akin pa ibaling ang init ng ulo niya kaya mas minabuti kong manahimik na lang.
"Balik na ako sa classroom," paalam ko. Tutal mukhang okay na rin naman silang magkapatid at nagkaniya-kaniyang hanap ng puwesto saka lagay ng ice packs sa pisngi.
Tumayo na ako.
"Bati na tayo, Star, ha," narinig kong sabi ni Moon bago ako lumabas. Malamang, silang tatlo na lang kasi ang madalas na magkakampi, kaya hindi sila puwedeng mag-away. Sa kanilang magkakapatid, si Star ang palaging nasa gitna. Kumbaga siya ang tiga-balance sa lahat pero nadadamay lang kina Moon at Matter. Ang tatlo kasi, sumeryoso na at focus sa mga asawa nila.

A/n:
Mas matanda si Chummy kina Star noh? Kasi kaklase niya si Red? Magkasing edad lang ba sina Riffle at ang team galaxy? Di ba sa story ni Yesha, mas matanda sila kaysa kina Riffle. Gosh, I forgot. Hahahaha. Ibig sabihin, mas ahead si Chummy?

My Piggy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon