7

1.2K 48 0
                                    


MY PIGGY LOVE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 7

[Chummy POV]

Gosh, hindi ko na alam kung ano ang mukhang ihaharap ko kay Star. Alam ba ng pamilya niya ang pinagsasabi niya sa akin? Or baka inilihim din niya? Maniniwala na ba ako sa kaniya? No. Umiling ako. May boyfriend ako at hindi tama iyon. Isa pa, magkapatid kami.
"Ano ang iniisip mo?"
Napapitlag ako nang magsalita ang katabi ko.
"Kanina ka pa walang imik, babe."
"H-Ha? Ahm, hindi ko kasi maintindihan ang movie," palusot ako at napasulyap kay Gino. Nanonood kami ng sine dahil maaga pa ang uwian namin.
"Di ba graduating ka na ngayon? Nakakaistorbo ba ako sa pag-aaral mo?" tanong niya.
"No, kaya ko pa naman i-balance ang lahat," sagot ko at nginitian siya. Maliban na lang kay Star dahil hindi ko na alam kung saan ako lulugar.
"Gusto mong kumain muna?" tanong niya.
"Sige," sagot ko. Sabay kaming tumayo at lumabas saka naghanap ng makainan hanggang sa napadpad kami sa Italian restaurant.
"Pagkatapos mong mag-aral, sa amin ka na magtrabaho," sabi niya.
"H-Ha? Kaso doon daw ako kina Tito Sky," sabi ko.
"Oo nga pala, hawak ka ng mga Villafuerte," sabi niya at sinimulang kumain.
"Kumusta pala ang work mo?" tanong ko na pilit iwinawaglit si Star sa isipan.
"Okay lang, babe. Nag-iipon na ako para kapag ikasal tayo, may panimula na tayo," masayang pagkukuwento niya kaya napangiti ako.
"Kasal agad?" ani ko na ang totoo ay kinikilig ako. Siyempre nagpapakipot ako noh.
"Oo naman, doon din tayo papunta." Tinitigan niya ako at kunyare ay sumeryoso. "Puwera na lang kung wala kang balak na seryosohin ako."
Napatigil ako sa pagsubo saka tinaasan siya ng kilay.
"Duh? Ikaw kaya ang magloko," sabi ko na ikinatawa niya.
"Hindi noh," sabi niya. "Sigurado na ako sa 'yo."
OMG! Excited na akong magkapamilya. Sabi nila, seryoso raw ang lalaki kapag nagpaplano na ng future ninyo. Ang swerte ko talaga kay Gino at siyempre, mahal na mahal ko 'to.
Nag-usap pa kami at sobrang kampante ako sa kaniya. Gabi na nang ihatid niya ako sa bahay.
"Bye, see you tomorrow," paalam niya matapos akong pagbuksan ng pinto.
"See you, salamat sa treat."
Hahalikan ako na sana siya sa pisngi nang humarap siya kaya sa lips niya tumama ang kiss ko. Nanlaki ang mga mata ko pero siya, ngingiti-ngiti.
"S-Sorry," nahihiyang paumanhin ko at napayuko. Narinig ko ang tawa niya.
"Okay lang, alam mo namang gusto ko rin 'yon," pilyong sabi niya na ikinahiya ko lalo.
"M-Mauna na ako," paalam ko at tumalikod na sa kaniya.
"I love you, babe," pahabol niya nang buksan ko ang gate.
"I love you too," nahihiyang sagot ko at isinara na ang gate. Gosh! Napakagat ako sa thumb ko.  Di ko alam ang gagawin ko. Basta kumakaba-kaba ang dibdin ko. Ang saya!
Pumasok ako sa bahay. Bukas pa ang ilaw at nadatnan ko si Nanay sa sala.
"Oh? Akala ko sa mansion ka matutulog?" tanong ko.
"Masama ang pakiramdam ko," sagot niya.
"Ba't 'di ka pa nagpapahinga?" tanong ko.
"Nagluluto pa ako ng biko, gusto kasi ni Taira," sagot ni Nanay. Napasulyap ako sa wallclock, alas 11 pa pala ng gabi. Traffic kasi tapos medyo malayo pa sa bahay ang mall na pinuntahan namin kanina.
"Ganun ba?" Ibinaba ko ang shoulder bag at naupo sa tabi niya.
"Matulog ka na. May pagkain diyan kung nagugutom ka."
"Busog po ako, kumain kami ni Gino sa labas."
"Seryoso na ba 'yan? Baka mamaya, binobola ka lang niyan?"
"Nay, seryoso po siya. Hindi ko kasi alam na nandito ka. Sana pinakilala ko siya," sabi ko. Sayang.
"Matanda ka na, Chummy, alam mo na ang tama at mali."
"Nay? Kumusta sila sa mansion?" tanong ko. Two days na kaming hindi nagkita ni Star mula nang bisitahin ko siya. Sumasakit ang ulo ko kapag isipin ko siya. Mahal ko na kasi si Gino at magiging unfair ako kapag bigyan ko ng consideration ang sinabi ni Star. Pero paano kung seryoso talaga siya? No. Hindi na puwede.
"Okay lang naman. Ayun, pumasok na ang kapatid mo kahapon. Nagkita ba kayo?"
"Hindi po," sagot ko. Baka iniwasan na niya ako. Buti nga. Mukhang walang alam si Nanay tungkol sa amin ng anak-anakan niya.
"Magpapahinga na po ako, nay, napagod ako," paalam ko saka tumayo at dinala ang mga gamit.
Kinabukasan...
Masama pa rin ang pakiramdam ni Nanay kaya ako na ang naghatid ng biko sa mansion.
"Uy, mabuti at nandito ka," sabi ni Tita Taira.
"Padala po ni Nanay, masama pakiramdam niya kaya ako na po ang nagdala," sabi ko sabay abot ng bilao.
"Salamat. Kamusta siya?" tanong ni Tita.
"Okay lang po, uminom na ng gamot."
"Mabuti at nandito ka. Pakibigay naman ako kay Star, naiwan niya ang ATM niya," sabi ni Tita. Alanganing inabot ko. Magkikita na naman kami? Nakakailang na ang sitwasyon namin.
"S-Sige po."
"Alam mo naman ang mga anak ko, hindi mabubuhay kapag walang credit card at ATM."

My Piggy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon