12

1K 47 0
                                    


MY PIGGY LOVE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 12

[Chummy POV]

Guilty! Sobrang nagu-guilty ako. Muling binuksan ko ang shower at nagsabon ng katawan. Pakiramdam ko, ang dumi-dumi ko na. May boyfriend ako pero paano ko nagawang makipaghalikan sa iba?
"Urgh! Star kasi!" naiinis na sabi ko saka pinatay ang shower.
Napasandal ako sa wall at napahawak sa mga labi ko. Bakit ganoon? Bakit bumigay agad ako?
"Kyaaah!" sigaw ko saka ginulo ang buhok. Makakapatay ako ng tao nito.
Kinuha ko ang towel at tinuyo ang katawan saka lumabas.
Naupo ako sa tapat ng dresser at kinuha ang cellphone saka binasa ang text ni Gino pero inilapag ko rin muli ang cellphone ko dahil tinatamad akong mag-reply.
Napatitig ako sa cellphone ko nang tumunog.
"Oh?" sagot ko matapos mapindot ang answer button.
"Gala tayo," yaya niya.
"Wow, asan si Riffle?"
"Busy," tipid na sagot niya. "Gosh, nababagot na ako sa bahay."
"Bakit?"
"Ayaw ako palabasin ni Riffle."
"Palagi naman eh," sabi ko. Kulang na lang ay itali siya ni Riffle sa bewang eh.
"Sige na, gala tayo."
"Fine!" pagpayag ko. Maaga pa naman kaya may time pa. "Sa'n tayo?"
"Bar."
"What?" bulalas ko.
"Bakit ba? Sige na, gusto kong uminom."
"At ang anak mo?"
"Maya yaya naman siya. Utang na loob, gusto kong maglayas kahit ilang oras lang."
"Fine, kita na lang tayo. Text mo 'ko ng name ng bar, mag-ga-grab na lang ako." Tinapos ko na ang tawag. Tama at 9pm na at mukhang hindi nga ako makakatulog.
Nagbihis ako at agad nagpa-book ng grab.
11 pm na nang makarating ako sa bar na tinutukoy ni Yesha.
"Hey!" tawag niya na kakababa lang din sa taxi.
"Baliw ka talaga," ani ko. "Pano 'pag mahuli tayo ng asawa mo?"
Sumimangot siya.
"Bahala siya."
"Baliw. Tapos mag-aaway na naman kayo nang bongga," sabi ko saka sinabayan siyang maglakad papasok sa bar.
"Huwag na natin siyang pag-usapan."
Naghanap kami ng table at saktong may paalis na kaya kami na ang pumalit. Maingay sa loob dahil open na ang dance floor. Nag-order siya ng isang bucket at pulutan. Siyempre libre niya. Mayaman na siya e.
"Cheers!" sabi niya at itinaas ang hawak na bote.
"Cheers!" hiyaw ko at tumawa saka tinungga ang laman ng bote. Gusto ko rin magpakalasing.
"Kamusta kayo ni Gino?" tanong niya.
"Okay lang," sagot ko.
"Nevermind na nga sa mga boys!" sabi niya at mabilis na inubos ang laman ng isang bote. Nakisabay ako sa kaniya kahit na ang pait ng napili niyang alak.
"Shit! Ihi lang ako!" paalam ko saka tumayo. "Anak ng! Umiikot ang paligid!" natatawang sabi ko. Iihi ko lang 'to para mawala ang alak sa katawan ko.
Pagpasok ko sa CR, napasulyap ako sa salamin.
"Maganda ka kahit chubby ka!" bulong ko habang pinagmasdan ang katawan. Nakapantalon lang ako at white plain t-shirt kaya ang simple ko tingnan. Hindi naman kami pumunta para makipaglandian.
Pagkatapos kong umihi, lumabas na ako.
"Hi, miss," nakangising bati ng lalaking nakasalubong ko pero hindi ko na pinansin.
"Akala ko tatagal ka pa," sabi ni Yesha na nakaapat na bote na. Matindi ang problema nito.
"Problema?" tanong ko nang maupo at kinuha ang isang bote.
"Wala."
"Maglolokohan pa ba--"
"May babae si Riffle," sabi niya kaya nabitin sa ere ang pag-inom ko ng alak. "Gago siya! Akala niya magaling siya?"
Pabagsak na inilapag niya ang wala nang lamang bote saka kumuha uli ng isa.
Tutunggain na sana niya nang may pumigil sa kamay niya kaya napatingala siya.
"Lasing na nga yata ako," sabi niya.
"Uwi na tayo!" madiing sabi ni Riffle. Nagulat ako nang makitang kasama niya sina Star, Moon at Matter.
Naupo si Riffle sa tabi niya at hinayaan si Yesha na pagsusuntukin siya.
"Kapal ng mukha mo! Matapos ng ginawa mo sa akin, ipagpalit mo pa ako sa iba?" sumbat niya saka humagulgol ng iyak.
Hinawakan siya sa kamay ni Riffle. "Uwi na tayo," mahinahong sabi ni Riffle.
"Ayoko!" tanggi ni Yesha saka humagulgol sa pag-iyak kaya niyakap siya ni Riffle.
"Sa bahay na natin 'to pag-usapan," pakiusap ni Riffle. "Come on."
"Iwan mo na 'ko dito! Wala ka namang paki--"
Wala na. Naghalikan na sila. Bakit kaya ang mga lalaki kapag mag-away, agad na nanghahalik.
"Bakit mo dinala si Yesha dito?" tanong ni Star na naupo sa tabi ko.
"Wow, ako pa talaga?" naiinis na tanong ko. Napasulyap ako sa babaelg lumapit sa amin at naupo sa tabi ni Star. Magkasama naman sila?
Tatayo na sana ako pero napigilan niya ako sa kamay.
"Kami na ang maghahatid sa 'yo," aniya.
"Star? Sasayaw pa ba tayo?" tanong ni Sarah.
"Uuwi na tayo," sabi ni Star at hinawakan ako sa kamay saka tumayo. Wala na pala sina Yesha, binitbit na ni Riffle.
"Kakarating lang natin," sabi ng bruha. Sarap hambalusin ng bote. Kumukulo ang dugo ko sa kaniya. Siguro dahil ex siya ni Gino at sa kaniya boto ang family ng boyfriend ko.
"Tinatamad na ako. If you want, sumama ka kina Moon," sabi ni Star.
"Magkakilala kayo?" tanong ni Sarah.
"Kapatid ko siya," sagot ni Star kaya tumayo na rin si Sarah.
"What? How come?"
"I-explain ko bukas pero ihatid ko lang siya sa bahay," sagot ni Star at humarap kina Moon at Matter. "Kayo na muna ang bahala kay Sarah, hatid ko lang si Chummy."
"Ayaw kong--aw!" daing ko nang hilain niya ako. "Sandali! Ano ba!" Pinaghahampas ko ang kamay niya pero ayaw niya akong bitiwan at para na niya akong kinaladkad palabas ng bar.
"Ano ba ang problema mo?" malakas na sigaw ko nang makalabas na kami. Wala akong pakialam sa mga nakatambay sa labas.
Sinusubukan kong hilain ang kamay ko pero ang lakas niya hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya.
"Sakay!"
"Ayaw--aw!" Nauntog ang ulo ko nang itulak niya ako papasok at pabagsak na isinara ang pinto. Hindi ko na mabuksan kaya umiyak na lang ako habang nagmamaneho siya.
"Ang sakit ng u-ulo ko. I-Isusumbong kita kay Nanay!" umiiyak na sabi ko habang hawak ang ulo ko.
"Hindi 'yon malakas."
"Masakit kaya!" giit ko. Putiks, hindi nga masakit pero gusto ko lang umiyak dahil sa sobrang inis.
"Bakit ba nasa bar kayo? Alam mo namang mahirap magalit si Riffle," salubong ang kilay na tanong niya.
"Niyaya lang ako!" naiinis na sagot ko at pinahidan ang mga luha.
"Kahit na, sana hindi ka pumayag."
"Ako pa ang may kasalanan? Ba't 'di ka na lang kaya bumalik sa bar? Di ba nandoon jowa mo?" singhal ko.
"Selos?"
"Kapal mo!"
Tumawa siya.
"Ba't ako magseselos? Solohin mo mukha mo!" Tinanggal ko ang seatbelt at lumipat sa backseat saka kinuha ang kumot at nahiga.
------------------
Masakit ang ulo ko nang dumilat ako. Ang bigat pa ng katawan ko nang maramdaman kong may nakadagan sa bewang ko.
Tinatamad na tinanggal ko ang kamay at humarap dito.
"Kyah!" tili ko nang makita ang natutulog na mukha ni Star. "Oh my!"
"Ingay!" inaantok na sabi niya at nagtakip ng unan.
"Star? B-Bakit nakahubad ka?" As in nakahubad talaga siya. Sinilip ko ang katawan ko sa ilalim ng kumot. "B-Bakit nakahubad ako?"
Hindi siya sumagot kaya hinila ko ang kumot at tinakip sa katawan ko saka mabilis na bumangon at hinanap ang damit ko.
"Star!" tawag ko pero hindi nakatingin sa kaniya dahil hubot hubad siya. "Oh my ghad, m-may nangyari ba sa atin?"
Lumipad ang mga mata ko sa kama pero wala namang dugo. Wala ring masakit sa akin.
"B-Bakit tayo nakahubad, Star?"
Isa-isa kong isinuot ang saplot ko nang makita kong nakasampay sa headboard ng kama. Nasa kuwarto ko kami. Sinikap kong maalala ang nangyari kagabi pero hanggang sa natulog lang ako sa backseat ang naalala ko.
"Staaaar!" sigaw ko kaya napatingin siya sa akin. "Bakit tayo nakahubad?"
"Mainit," tipid na sagot niya. "Sana mag-aircon ka naman." Tumihaya siya kaya agad na iniba ko ang direksyon ng mga mata ko. In fairness, ang kinis ng pang-upo niya at maputi pa.
Kinuha niya ang isang unan at inilagay sa pribadong katawan niya. Okay, wala akong nakita. Wala talaga. Ahmm? Hindi klaro pero mukhang malaki. Mali. Wala nga akong nakita.
"Ba't ako nakahubad? May nangyari ba?"
"Hindi ako mapagsamantala kaya huwag kang assuming," sabi niya at pumikit na naman.
"B-Ba't nga ako nakahubad?"
"Trip ko lang," nakapikit na sagot niya.
"What?" bulalas ko.
Dumilat siya saka bumangon kaya nahulog ang unan. Nahulog din ang mga mata ko sa sahig.
"Magbihis ka nga! Nakakahiya ka!"
"Bakit? Kagabi, nagsawa ako sa katawan mo tapos ngayon, bumawi ka naman," sabi niya na nakangisi. Uminit ang ulo ko dahil sa galit at uminit din ang magkabilang pisngi ko dahil sa labis na pagkapahiya. Anong pumasok sa isip niya at hinubaran ako?
"Grabe ka, Chummy, may nunal ka pala sa--"
"Shutup!"
"Sabi nila, kapag may nunal sa hita, mahilig daw sa sex," pilyong sabi niya. "Pano ka na? Eh, ang dami mong nunal."
"Gago!" malakas na sigaw ko saka padabog na lumabas. Sarap mangbalibag ng gamit. Kung gusto niya ako, dapat nirerespeto niya ang privacy ko. Dumiretso ako sa kusina at nagtimpla ng kape saka kumuha ng tinapay at palaman sa ref at dinala sa sala saka inilapag sa center table.
"Nakakainis siya! Gago! H-Hayop!" naluluhang sabi ko habang naghahanda ng sandwich.
Kakagatin ko na sana nang may umagaw mula sa likuran ko.
"Ano ba? Maghanda ka nga ng para sa 'yo!" singhal ko.
Naupo siya sa tabi ko at walang pasabing dinampot ang mug ko saka uminom.
"Anong ulam natin, ChumChum ko?"
Naikuyom ko ang kamao ko sa inis. Umuusok na nga ang ilong ko e.
"Uy," tawag niya pero hindi ako sumagot. Kumukuha ako ng buelo para mapatay siya.
"Chumz..."
"Shit ka!" bulyaw ko na naman nang tusukin niya ang tagiliran ko.
"Ang cute mo," nakangiting sabi niya.
"Buwesit ka! Umuwi ka na nga!" pagtataboy ko saka kumuha ulit ng tinapay at nilagyan ng palaman. Ang sakit na talaga ng ulo ko. Ano pa ang mukhang ihaharap ko sa kaniya matapos niyang makita ang hubad na katawan ko? Shit! Two weeks na akong hindi nakapag-shave. Ugh! Sana lamunin na lang ako ng lupa.
"Wala ba si Nanay?" tanong niya pero hindi ko sinagot. Alam naman niyang maaga pa si Nanay sa mansion dahil naglalaba 'yon ng mga damit niya.
"Dapat magpasalamat ka dahil pinagtiyagaan pa kita kagabi kahit na ang bigat mong buhatin," paalala niya pero dedma lang ulit.
"Ang taba mo na naman," pang-aasar niya saka sinundot-sundot na naman ako sa tagiliran. "Baboy ka talaga."
Siya ang tipo ng lalaking matalim ang dila sa nagugustuhang babae. Wait, wala na pala 'tong gusto sa akin dahil may Sarah na siya.
"Umuwi ka na kay Sarah mo!" naiinis na pagtataboy ko sabay hampas nang malakas sa kanang kamay niya pero sa halip na masaktan, tumawa lang siya. "Anong nakakatawa?"
"Wala lang," aniya saka sumeryoso ang mukha.
Tumayo ako saka malakas na sinipa ang tuhod niya.
"Ouch!" daing niya habang nakahawak sa tuhod. "Baboy!"
"Pangit!"
"Pogi kaya ako tapos macho pa," pagmamayabang niya. Tinalikuran ko na siya.
"Pangit ka, pangit!"
Tumawa siya nang malakas kaya napabuntonghininga na lang ako habang naglalakad pabalik sa kuwarto. Oo, aaminin ko, masaya ako ngayon kahit na halos hihiwalay na ang kaluluwa ko sa katawan ko. Nakaka-miss din pala ang pagiging makulit niya at nakakawala ng lungkot ang makipagtalo sa kaniya.
"Ugh!" daing ko at napasabunot sa ulo pagkaupo ko sa kama. Bakit kaya pareho kaming nakahubad kanina? Ano na naman kaya ang ginawa niya? Kyah! Nakita na niya ang buong katawan ko lalo na ang ano ko. Gosh!

My Piggy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon