10

1.1K 44 0
                                    

MY PIGGY LOVE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 10

Unedited...

[Chummy POV]

"May bago ka na palang motor," sabi k matapos ang napakahabang katahimikan.
"Binilhan na ulit kami ni Daddy," sagot niya.
"Hindi ka pa rin nag-iingat!"
Paminsan-minsan, napapasulyap ang taxi driver sa amin. Matapos siyang magpa-X-ray at kung ano pa ang pinagawa ng hospital sa kaniya, pinauwi na kami.
"Idadaan na kita sa inyo," pag-iiwas niya.
"Doon na ako didiretso sa inyo."
"Ano ang gagawin mo sa bahay?" tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya. "Wala naman eh, kaya umuwi ka na."
Naikuyom ko ang kamao ko. Tinataboy ba niya ako?
"Star, look--"
"Madaling araw na, alam kong pagod ka na. Pasensya na kung tinawagan ka ng mga kapatid ko. Actually, I don't need your help!" naiiritang sabi niya.
"Sasama ako sa inyo!" giit ko.
"Mukhang naabala pa kita," aniya at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa kaya pasimpleng hinila ko ang laylayan ng dress ko.
"Pauwi na rin naman ako," ani ko. Buti nga at tumawag sina Moon e. At least nakatakas ako sa pamilya ni Gino.
Hindi na siya umimik at sa labas na ng bintana ang mga mata. Tumatawag si Gino kaya sinagot ko ang tawag niya.
"Yes?" tanong ko.
"Nasa bahay ka na ba?"
"Pauwi pa lang," sagot ko.
"Kasama mo siya?"
"Yup," tipid na sagot ko at napasulyap kay Star na nakatingin pa rin sa dinadaanan namin. Alas tres na ng madaling araw pero hindi pa rin ako inaantok. "Ikaw? Bakit gising ka pa?"
"Kakahatid ko lang din--"
"I'll call you later," sabi ko at tinapos ang tawag. Naiinis ako kapag marinig ko pa ulit ang pangalan ng bruhang 'yon. Ang pangit lang kasi, nandoon ako tapos ang usapan, tungkol sa kanila ni Gino. Parang pinapamukha talaga ng parents niya na ayaw nila sa akin. E di sila na!
"Nag-away kayo?" halos pabulong na tanong ng katabi ko na sa labas pa rin ang mga mata.
"Hindi naman," sagot ko. "Masakit pa ba ang katawan mo?"
"Mas masakit ang puso ko," sagot niya na ikinayuko ko. Alam kaya niya na nagu-guilty ako?
"Star? Lahat ng binigay ng doctor na gamot, inumin mo ha. Lalo na ang painkiller," pag-iiba ko. Marami siyang gasgas kaya siguradong bukas niya iindain ang sakit.
"Pasensiya na kung naistorbo ko ang date ninyo, pero gabi na ah."
"Okay lang, pauwi na rin naman ako. Dinner date lang naman sa family niya." Walang patutunguhan ang usapan namin.
"Hindi ka ba niya hinatid?"
"May bisita kasi sila."
"Gaani ka espesyal ang bisitang 'yon para hindi ka niya ihatid pauwi?"
"Star naman, ako ang hindi nagpahatid dahil tinawagan ako nina Moon sa kalagitnaan ng dinner dahil naaksidente ka. Alangan naman iiwan niya ang bisita niya para lang ihatid ako!" napipikong sabi ko.
"Kahit na presidente pa ang bisita niya, kung mahal ka niya, iiwan niya 'yon para masigurado lang ang kaligtasan mo! Anong klaseng boyfriend siya?" singhal niya at humarap sa akin. Kulang na lang ay durugin niya ako dahil sa inis.
"Sorry ha?" napipikong paumanhin ko. "Kung hindi sana tumawag sina Moon, e di hindi sana ako nagmamadaling umalis para lang puntahan ka!"
"So? Ako pa ang may kasalanan? Sorry ha? Hindi ko naman pinahamak ang sarili ko para lang puntahan mo ako! Nang maaksidente ako, alam kong ikaw ang pinakahuling tao na pupunta!"
"Pero ako pa rin ang nag-iisang taong nag-asikaso ng lahat kanina!" paalala ko.
"Bakit ba ginagawa mo ito, Chummy? Ayaw na kitang makita! Ayaw ko nang makausap ka!"
"Fine!" galit na sabi ko. "Sorry ha? Kung alam ko lang na ito ang makukuha ko, sana nanatili na lang ako sa dinner kanina! Imbes na magpasalamat ka dahil nag-alala ako sa 'yo, pagalitan mo pa ako. Tanga ka rin ano?" sumbat ko. Nakakapikon na siya.
"Kuya? Pakitigil po, bababa ako!" sabi ko kay Kuya kaya bigla niyang inihinto ang sasakyan.
"Chum--"
Binuksan ko ang pinto at bumaba saka pabagsak na isinara. Bahala siya! Maglalakad ako. Tahimik ang buong kalye dahil papasok na rin kami sa villa nila.
"Nakakainis!" bulong ko at padabog na naglakad.
"Chummy!" tawag niya pero hindi ko siya nililingon. Bahala siya.
"Kapal ng mukha! Ako na nga itong concern, ako pa ang pagalitan? Ano ba ang problema niya?" bulong ko at sinipa ang maliit na bato. Naramdaman ko ang mga yabag na sumusunod sa likuran ko. Bahala na kung sino man siya. Si Star man o rapist.
Binilisan ko ang paglalakad nang maramdamang malapit na siya sa akin.
"Sandali lang!" tawag ni Star at hinila ang kanang kamay ko. Bilis maglakad ah. Parang hindi lang naaksidente eh.
"Binitiwan mo nga ako!" bulyaw ko saka tumigil at hinarap siya. Palabas na ng gate ang taxi na sinakyan namin kaya buwan at bituin na lang ang saksi sa aming dalawa ngayon.
"Sorry kung nagalit kita," paumahin niya.
Tiningala ko ang malaking bultong nakayuko sa akin na nasa harapan ko.
"Hindi ka nakakatuwa! Hindi kita maintindihan!"
Narinig ko ang pagbuntonghininga niya.
"Gusto na kitang iwasan."
"Star--"
"Mahirap sa akin dahil wala akong jowa at ikaw meron! Nahihirapan akong makita lang masaya sa piling ng iba! Sana ako na lang siya! Sana ako na lang ang boyfriend mo!" Napahilamos siya sa mukha. "S-Sana hindi na lang kita nakilala."
"S-Star," usal ko.
"Hindi mo 'ko nauunawaan kasi masaya ka sa kaniya," malungkot na sabi niya at namulsa saka tumingala sa kalangitan. "Mag-uumaga na, uwi na tayo."
Para akong tutang nakayukong sumunod sa kaniya hanggang sa nakarating kami sa mansion nila.

My Piggy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon