9

1K 49 0
                                    

MY PIGGY LOVE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 9

[Star POV]

"Chumz?" bulalas ko nang pagmulat ko ng mga mata, si Chummy ang katabi ko. Ilang beses ko pang kinusot ang mga mata ko dahil baka namalikmata lang ako.
Mahimbing na natutulog siya habang yakap ako kaya hindi ako makagalaw dahil magising siya.
Inaalala ko ang nangyari kagabi. Nahilo ako at agad na nalasing.
"Shit!" bulong ko saka sinilip ang katawan namin sa ilalim. May damit pa siya at ganun pa rin ang damit ko.
Inamoy ko ang sarili ko dahil baka amoy putok ako.
Gumalaw siya kaya nanigas ako. Dahan-dahan siyang nagmulat at tumingala sa akin.
"S-Sorry," paumanhin niya at agad na hiniwalay ang katawan sa akin. Naupo siya at inayos ang sarili. "Nakatulog pala ako rito."
"Okay lang," sagot ko. Pasimpleng kinuha ko ang manika saka inilayo nang napatingin siya rito.
"B-Bigay ni Daddy," sabi ko. Paano, dalawa pala ang pinagawa ni Dad kaya ang isa ay ginawa ko nang unan.
Namula siya kaya napakamot ako sa ulo.
"K-Katabi ko lang 'yan pero wala akong ginagawa diyan ha," agad na depensa ko. Nakakahiya!
"H-Huwag mo nang itabi 'yan," aniya.
Masarap kayang yakapin. Haist! Kasalanan 'to ng dalawa kong kapatid eh!
"Chumz? May ginawa ba akong masama sa 'yo?" tanong ko. "L-Like ni-rape kita kagabi? Shit! Lasing ako," sabi ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag ginahasa ko nga siya dahil sa kalasingan.
"Natulog ka na kagabi. Kung magkatabi man tayo, dahil iyon sa gusto kong bantayan ka. Kamusta ka na? Nahihilo ka pa ba?" tanong niya.
"Hindi na," sagot ko at tumayo. The fuck! Naka-boxer na lang pala ako kaya agad na tumalikod ako kay Chummy.
"H-Hinubad ko na ang pantalon mo para makahinga ka," sabi niya.
"S-Salamat,"nahihiyang pasalamat ko. Dapat nga humarap ako sa kaniya para makita naman niyang may ipagmalaki ako at may laban kay Gibo pero baka mabastos siya lalo na't nagfa-flag ceremony na ako.
"CR lang ako," paalam ko.
"Uwi na ako,basta okay ka na ha," paninigurado niya.
"T-Thank you, Chumz. Yaan mo, hindi na ako magtitiwala sa kanila," sabi ko saka pumasok na sa CR. Mas lalong sumasakit ang puson ko kapag kasama ko siya sa iisang silid.
Naligo ako para matanggal ang kalasingan. Kaya pala ang bilis kong malasing dahil sa kagaguhan nina Moon. Actually, sa akin nila 'yan natutunan ang vetsin na 'yan. Hayop! Hindi ko akalaing pati sa akin ay gagamitin nila. Minsan, nakita ko si Jason na ginagawa iyon sa apat na babaeng kainuman namin kaya kinumpronta ko na at ayun, nalaman ko ang pakay niya. Type pala niya ang pinsan ng girlfriend niya kaya nang makatulog ang girlfriend, saka niya ginapang ang pinsan nito.
Pinaalam ko kina Moon at Matter kaya ayun, kapag may ayaw sila sa inuman dahil sa kahambugan at gusto nilang mapahiya sa babaeng kainuman, bine-vetsin nila.
"Sina Matter at Moon?" agad na tanong ko kay Sun na pababa kasama si Seola.
"Tulog pa," sagot niya kaya sinugod ko sa kuwarto. Unang silid na nadaanan ko ay kay Moon. Wala na siya sa kama at narinig ko ang lagaslas ng tubig sa shower room kaya sinugod ko na.
"Oh--shit!" bulalas niya nang suntukin ko sa mukha.
"Gago ka ah!" singhal ko.
"Hey!" aniya nang hilain ko siya palabas ng shower room.
"Sandali! Putiks!" reklamo niya at tinulak ako. "Ano ba ang problema mo?"
"Gago ka! Alam mo kung ano ang kasalanan ninyo sa akin!" singhal ko at hinila siya pero agad na tinulak ako.
"Magbibihis lang!" sigaw niya.
"Anong nangyaya--" Natigilan si Mommy nang makitang hubad si Moon.
"Shit!" ani Moon at tinakpan ang pribadong bahagi ng katawan. "Mommy, si Star nanununtok!" sumbong niya.
"Haist! Ano na naman 'to?" galit na tanong ni Daddy nang pumasok. "Magbihis ka nga! Tanda n'yo na ah!"
"Si Star kasi, kitang naliligo pa ako eh!" reklamo ni Moon.
"Ano na naman 'to, Star?"
"Nilagyan nila ng vertsin ang alak ko kagabi!"
"Hindi kaya," depensa ni Moon.
"May nakakita sa inyo!" singhal ko.
"Anong vetsin?" tanong ni Daddy.
"Hindi ko po alam," painosenteng sagot ni Moon kaya sinugod ko na naman ng suntok.
"Shit! Tama na nga!" saway ni Mommy nang bumulagta sa sahig si Moon.
"Ano ba!" galit na tanong niya saka agad na bumangon at sinugod ako kaya nagsuntukan na kami.
"Tumigil na kayo! Putangina!" malakas na sigaw ni Daddy saka isa-isa kaming sinuntok.
"Magbihis ka nga muna," sabi ni Mommy at inabot kay Moon ang bathrobe. "Tumigil ka na, Star!"
"Ako pa ngayon ang may kasalanan?" galit na tanong ko. "Sige, kampihan n'yo 'yan!"
"Star! Bumalik ka rito!" tawag ni Daddt pero hindi na ako nakinig.
"Anong nangyayari sa inyo?"tanong ni Matter na kakagising lang. "Bakit ang--fuck!"
Pagmumura niya nang suntukin ko sa kanang pisngi.
"Isa ka rin eh! Papatayin ko kayo!" bulyaw ko. "Oh ano? Lalaban ka?"
"Shit!" ani ko nang may during sumuntok sa batok ko. Si Moon.
"Punyeta! Hindi kayo titigil?" galit na tanong ni Dad at binasag ang flowervase kaya naghiwalay kaming tatlo.
"Namumuro na kayo! May oras din kayo sa 'kin!"
"Tama na sabi!" ani Dad.
"Psh!" Iniwan ko na sila at dumiretso sa kuwarto ko. Hindi sana ako mabubuko ni Chummy kung hindi sila nakialam kagabi. Nagmo-move na ako eh. Ano na naman kaya ang iisipin niya? Kaasar!

My Piggy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon