8

1K 46 1
                                    


MY PIGGY LOVE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 8

[Star POV]

Masakit man sa loob pero mukhang mang-aagaw nga ako sa ginagawa ko.
"Kain ka na," yaya ko nang lumabas sa sala.
"Umuwi ka na, Star."
"Bakit ba? Masarap ang niluto ko, tikman mo."
Itiniklop niya ang binabasang aklat at tumayo saka hinarap ako.
"Alam mo, Star? Pinapahirapan mo lang ang buhay nating dalawa!"
"Bakit? Pormal nga kitang nililigawan e."
"Pormal? Eh, may boyfriend na ako! Ginugulo mo kami e!" singhal niya.
"Hindi pa naman kayo kasal eh!" giit ko.
"Hindi kita gusto kaya itigil mo na 'to, please lang," pakiusap niya.
"H-Hindi ba talaga, Chumz?"
Umiling siya kaya napaupo ako sa sofa sa tapat niya.
"S-Siguro wala nga talagang pag-asa," wika ko. Naubusan na ako ng pag-asa.
"Wala talaga?" hirit ko.
"Star naman, may boyfriend na ang tao," napipikong sabi niya.
"Kung noon pa ba ako nanligaw, may pag-asa ba ako?" tanong ko.
"Hindi ko rin alam," napapagod na sabi niya kaya napabuntonghininga ako.
"Hintayin ko na lang siguro na maghiwalay kayo," sabi ko. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Tumayo ako at kinuha ang backpack.
"S-Star?"
"Pasensiya ka na kung napakadesperado ko, Chummy. Matagal na kasi kita gusto pero natatakot lang ako. Isa pa, ang duwag ko lang talaga. Alam mo 'yon? Hindi ko pa maamin na mahal kita noon eh. Hindi ko nga sure na mahal kita kasi natutuwa akong asarin ka, pero masaya naman ako kapag madalas mo akong pansinin kahit na inaaway kita. Pasensiya na, mahal kasi kita," paumanhin ko.
"S-Sorry kung hindi ko masuklian ang pagmamahal mo, Star. A-Alam mo namang hindi ko naisip na magkagusto ka sa akin." Alam kong sincere siya sa pinagsasabi niya. "S-Sorry kasi sinasaktan kita. Hindi ko sinasadya."
"Wala iyon, ako ang may kasalanan, Chummy. Basta kapag may problema ka, nandito lang ako. Kapag sinaktan ka ng gagong 'yon, sabihin mo lang."
Ngumiti siya at nilapitan ako.
"S-Salamat, Bituin."
"Walang problema, basta kapatid pa rin kita." Sinikap kong ngumiti para hindi siya ma-guilty.
"Sana hindi ka magbago."
Ngumiti ako saka hinarap siya. "Pasensiya na, pero siguro may lamat na tayo. Sana maunawaan mo na kailangan kong lumayo sa 'yo para maka-move on."
"Pero--"
"Please, sana maunawaan mo rin ako. Hanggat malapit pa rin tayo sa isa't isa, mas lalo ka lang napamahal sa akin. At kapag mangyari iyon, mas lalo akong masasaktan. Hind kita pipilitin pero sana, maintindihan mo rin ako, Chumz. Hayaan mong ako mismo ang lalapit sa 'yo kapag naka-move on na ako," pakiusap ko.
Nanlumong tumango siya.
"Huwag kang maawa sa akin, Chumz."
"H-Hindi naman ako naaawa, nalulungkot lang ako dahil nangyari sa atin ang ganito," malungkot na wika niya saka yumuko.
"Mauna na ako," paalam ko at tinapik siya sa balikat saka lumabas sa apartment nila. Mahal ko siya pero mali naman ang ginagawa kong ito. Siguro, kapag kami, kami talaga. Hayaan ko na lang siguro si God na magdesisyon ng kapalaran ko.
Pagkasara ko ng gate, napasandal ako sa kotse ko.
"Bye, Chummy ko," bulong ko. It's time for me to let go.

[Chummy POV]

Excited na ako sa graduation namin. Nagpasa na rin ako ng resume sa company nina Tito Sky.
"Good morning po," magalang na bati ko kay Tita Taira.
"Hello, Chummy. Nabasa na pala ni Tito Sky mo ang application mo."
"T-Talaga ho?"
Actually, first option ko 'yon. Kapag hindi ako makapasa, kina Gino ako aapply. Going strong na kami at masaya naman ako sa relasyon namin kahit na minsan may tampuhan. Pero hindi pa rin ako masaya. Umiba na kasi si Star sa akin.
"Oo, doon ka na raw magtatrabaho. Alam mo naman, for formality lang ang resume," sagot ni Tita kaya napangiti ako. As expected.
"K-Kumusta na pala si Star?" tanong ko.
"Okay naman siya, hindi pa ba kayo nag-uusap?"
"B-Busy po kasi kami pareho kaya minsan lang kami nakapag-usap," palusot ko.
"Ah, okay naman siya. Pagpasensiyahan mo na kasi alam mo naman, sumpungin siya," biglang lumungkot ang mukha ni Tita kaya nakaramdam ako ng pagka-guilty. Alam ko kasing ako ang dahilan ng pagbabago niya.
"Wait lang, maiwan muna kita. Kain ka riyan," aniya saka iniwan na ako kaya dumiretso ako sa kusina at binuksan ang ref. Ang dami ng pagkain pero walang isang pirasong cake kaya nalungkot ako. Mula nang huli naming pag-usap ni Star sa apartment,hindi na ako nakakatagpo ng cake kahit sa tambayan.
"Inubos na namin ang cake kagabi."
Napalingon ako kay Moon na nakapamulsa at nakasandal sa pinto.
"Si Star lang kasi ang nagtitira ng parte niya para sa 'yo. Pero ngayon, hindi na siya kumakain ng cake kaya wala nang natitira."
"K-Kamusta na siya?"
"Okay lang, nagmo-move on pa rin. Ayun, inom lang nang inom."
"Moon, hindi ko naman ginustong saktan siya."
"Alam namin," sagot niya at mapait na ngumiti sa akin. "Mahal ka lang niya talaga."
Iniwan na niya ako kaya napaupo ako sa mesa. Nalulungkot ako.
Napatingin ako sa pinto nang may narinig akong yabag palapit. Si Star na halatang kakagising lang. Babalik sana siya pero nagkasalubong ang mga mata namin kaya tumuloy na siya.
"H-Hi," bati ko.
"Hi," sagot niya.
"K-Kumain ka na?"
"Oo," sagot niya at kumuha ng tubig sa ref saka uminom. Pinakiramdaman ko siya. Ayaw ko ng ganito, nagu-guilty ako.
"Kumain ka na?" tanong niya.
Tumayo ako at hinarap siya.
"Oo, ikaw ba?"
Medyo mahaba na ang buhok niya at mukhang ilang araw na ring hindi nakapag-ahit. Siya pa naman ang tipo ng lalaking sobrang linis tingnan noon.
"Wala akong gana."
"S-Star?" tawag ko kaya lumapit siya sa akin.
"Ano?"
"Ano ba ang gagawin ko para bumalik tayo sa dati?"
Napa-poker face siya.
"Kahit na asarin mo ako palagi, okay lang."
Ngumiti siya. Ngiting hindi ko maipaliwanag ang kahulugan.
"Wala kang gagawin, Chumz. Hayaan mo lang ako na malagpasan 'to. Di ba sabi ko sa 'yo, ako mismo ang lalapit kapag maka-move on na 'ko?" malamig na tugon niya. "Unfortunately, hindi pa ako naka-move on, Chumz," pag-amin niya. "But please, huwag mong sisihin ang sarili mo dahil wala kang kasalanan."
"Kasi Star, nalulungkot ako."
"Huwag," aniya. "Be happy." Ngumiti siya saka nilagpasan ako.
"Star? Sorry talaga."
"Huwag, Chumz. Hindi mo kasalanan na minahal kita. Please, huwag mong sisihin ang sarili mo dahil nalulungkot din ako."
Nakaalis na siya kaya wala akong nagawa kundi naghanap na lang ng makakain. Nastre-stress ako.
Wala naman akong ginagawa kaya tinulungan ko muna si Nanay na magluto sa mansion. Tutal, umalis naman daw si Star kaya hindi ako mag-aalala.
May mga bisita raw kasi sila kaya marami-maraming handaan.
Alas singko na nang ihanda namin ang pagkain sa gilid ng pool. Paunti-unti ring dumadating ang mga kaibigan ng team galaxy. Ang iba ay taga Westbridge at kaklase nila.
"Guys? Si Star?" tanong ni Moon nang lapitan ang barkada.
"Wala ba rito?" tanong ng isang MVP ng Westbridge.
"Wala eh," sagot ni Moon.
"Oh, andiyan na pala siya." sabi ng kasama nila.
Napasulyap ako kay Star na patungo rito.
"San ka galing?" tanong ni Moon.
"Diyan lang," tinatamad na sagot ni Star.
Umalis na ako para kunin ang ibang pulutan nila. Ang iba ay nagsimula nang mag-ihaw ng isda at seafoods.
"Ako na rito, maki-join ka na," sabi ni Tita Taira.
"Naku, hindi ko naman sila ka-close," sagot ko. "Tutulong na lang po ako."
"Huwag na, nagpahinga ka na," ani Tita kaya kinuha ko na lang ang cellphone sa bulsa at tinawagan si Gino.
Nasa trabaho pa raw siya kaya hindi na ako nangulit pa. Minsan, gusto ko na nga siyang puntahan sa opisina niya. Okay naman ang parents niya sa akin pero hindi kami ganoon ka-close.
"What?" tanong ni Matter kay Moon na pumasok dito sa kusina.
"Basta!" ani Moon. "May vetsin ba diyan, Chumz?" tanong ni Moon.
"Nasa cabinet yata," sagot ko.
"Baliw ka talaga, Moon!" ani Matter pero tumawa lang si Moon.
"Magsisimula na ang inuman," ani Moon.
"Patay talaga kapag malaman niya," bulong ni Matter kaya naging interesado akong pakinggan ang usapan nila.
"Ang hirap kasing mapatumba ni Star eh," sabi ni Moon.
Ayun, bitbit ang bitsin, lumabas na silang dalawa kaya na-curious ako. Ano 'yon? For sure may gagawin silang hindi maganda. Isa pa, ano ang gagawin nila sa vetsin?
Narinig ko ang tugtugan sa pool at nagdala na rin ng inumin ang mga katulong sa labas.
Dahil wala akong magawa, sa kusina na ako nanatili at nagbasa sa wattpad.
"Chumz? Padala naman ng isda sa labas,ubos na raw eh," sabi ni Nanay na ibinigay ang marinated na isda kaya itinago ko sa bulsa ang cellphone at kinuha ang isda.
"Sige po, ako na 'nay, magpahinga ka na po."
Paglabas ko, sobrang dilim na pala.
Lumapit ako sa kasamahan nila na nag-iihaw.
"Isda pa," sabi ko.
"Hi, Chumz," bati ni Jason. "Tagay tayo."
"Sige lang," sabi ko at inilapag ang bitbit na tray. Napasulyap ako kina Moon at Matter na nag-iinumin. Napakunot ang noo ko nang pasimple nilang nilagyan ng vetsin ang isang bote ng alak. Hala, ano ang nangyayari?
Inabot nila kay Star ang bote ng alak. Ininom naman ito ng huli kaya kinabahan ako.
"Inaantok na ako," sabi ni Star at tumayo.
"Oh? Akala ko ba, matibay ka?" ani Moon.
"Nahihilo na ako," sabi ni Star at paika-ikang naglakad.
"Ihahatid na kita," alok ng babae nilang kasama kaya lumapit na ako.
"Ako na," sabi ko.
"Siya na lang," sabi ni Star. "Huwag na pala, kaya ko naman."
"Inutusan ako ni Tita na puntahan ka at patulugin na raw," sabi ko at hinawakan siya sa kanang kamay pero hindi na makatanggi.
"Kaya ko na--" Star.
"Alam kong nahihilo ka na, Star." Giit ko at hinila na siya pero sinamaan ko muna ng tingin sina Moon at Matter.
"Nahihilo ako," reklamo ni Star.
"Halika na," yaya ko at ginabayan siyang makaakyat.
"Chumz? Kaya ko na, hilong-hilo lang ako. Siguro dahil sa nakain ko," sabi niya nang malapit na kami sa kuwarto niya.
Ako na ang bumukas ng pinto at pinapasok siya.
Pabagsak na nahiga siya sa kama.
"L-Lasing na yata ako," aniya at ipinikit ang mga mata. Kinakabahan ako kaya hindi ako umalis. Paano kapag may masamang mangyari sa kaniya?
"S-Star? Kasi nakita ko sina Moon at Matter," sabi ko kaya dumilat siya.
"Nakita?"
Tumango ako. "N-Nilagyan nila ng vetsin ang alak mo."
"What?" bulalas niya at naupo pero agad na napahawak sa ulo. "Ouch!"
"S-Star?"
"Mapapatay ko sila!"
Tatayo sana siya pero inalalayan ko siya at muling pinaupo.
"H-Huwag ka nang bumaba."t
"Mapapatay ko talaga ang mga hayop na 'yon!" galit na sabi niya saka napatingin sa akin. "Bumaba ka na."
"P-Pero baka mapano ka," nag-aalalang sabi ko.
"Nahihilo lang ako."
"Kaya nga eh. Dito na lang ako matutulog," sabi ko. Natatakot ako. Paano kung may masamang mangyari sa kaniya. "I-Ipapaalam natin kay Tito Sky."
"Hey!" aniya at hinawakan ang kamay ko. "Okay lang ako."
"P-Pero baka may masamang mangyari sa 'yo," sabi ko. Hindi ko alam kung anong epekto ng bitsin sa inumin pero natatakot ako.
Tumawa siya saka tumayo. "I'm fine, Chumz. Pampahilo lang 'yon."
"Pero baka--"
"Hindi kasi nila ako matalo-talo sa inuman."
"S-Sure ka?"
Hindi ako makagalaw nang yakapin niya ako nang mahigpit.
"S-Star," usal ko.
"S-Sana akin ka na lang," pabulong na sabi niya. Naramdaman ko ang pagbitiw niya at muling naupo.
"Nahihilo ako." Nahiga siya at kinuha ang isang manikang katulad ng ibinigay niya sa akin.
"Star!" Nanlaki ang mga matang sabi ko. Kamukha ko rin kasi ang manikang yakap niya. Hala.
"Good night. I love you, Chumz," nakapikit na sabi niya..
Ilang minutong pinagmasdan ko siya habang mahimbing na natutulog. Hindi ko akalaing magiging ganito si Star. Hindi ko lubos akalaing minahal niya ako. Naupo ako at masuyong hinaplos ang makinis niyang pisngi.
" Kapag ikaw ang boyfriend ko, magiging masaya kaya tayo?" tanong ng isip ko. Star bakit? Bakit ginugulo mo ang buhay ko?

A/n:
Hi. Name ng nanay ni Chummy at san na ang father niya? Hahaha.

My Piggy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon