6

1.1K 58 0
                                    


MY PIGGY LOVE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 6

[Chummy POV]

Ang saya kasi naging maayos ang relasyon namin ni Gino at aaminin ko, hindi siya nagbago. Actually, two days pa lang naman kami.
"Nandito si Yesha?" tanong ko kay Moon.
"Wala," sagot niya.
"Bakit parang malungkot ka?"
"Wala lang," tipid na sagot niya saka pinaandar ang TV.
Dumiretso ako sa ref saka binuksan.
"Wala bang pagkain?" tanong ko. Wala man lang kalaman-laman ang ref.
"Bukas pa raw mang grocery si Manang," ani Moon.
"Uy, dito ka pala, Chumz," ani Sun na kakalabas lang kuwarto niya.
"Si Star?" tanong ko. Two days ko na siyang hindi nakita. Ang sabi ni Gino, binati lang daw siya ni Star noong isang araw.
"Hindi pa ba siya pumasok?" tanong ni Sun kay Moon.
"Hindi pa," tipid na sagot ni Moon.
"Bakit? May sakit ba siya?" usisa ko.
"Oo," sagot ni Sun.
"Okay na ba siya?" tanong ko.
"He will be fine," sagot ni Sun at nginitian ako. "Kumusta? Balita ko may boyfriend ka na."
Naramdaman ko ang pag-init ng magkabila kong pisngi. Nahihiya ako sa kanila. Napatingala ako kay Sun na tumawa sa harapan ko.
"Nahiya ka pa, Chumz. Congrats."
"S-Salamat, Sun."
"Punta ako mamaya sa inyo, dalawin ko si Star," sabi ko at kumuha na lang ng tubig.
"Huwag na," sabat ni Moon.
"Ha? Bakit?" Parang mainit yata ang ulo ni Moon.
"Huwag mo nang pansinin si Moon, may sayad lang 'yan ngayon," sabi ni Sun at pinandilatan si Moon kaya napangiti ako.
"Kumusta jowa mo? Okay pa ba?" tanong ni Moon.
"Okay pa naman kami," sagot ko.
"Sa susunod, pumili ka ng jowain mo, Chummy," sabi ni Moon.
"Tama na, Moon," saway ni Sun. Iba na nga ang timpla ng mood ni Moon kaya hindi na ako nakisawsaw pa.
"Alis na 'ko," paalam ko saka lumabas. Bakit kaya ang sumpungin ni Moon?
Tamang-tama, makakasalubong ko si Matter.
"Matter!" tawag ko.
"Oh?" aniya.
"May sakit daw si Star?" tanong ko.
"Wala," sagot niya kaya napakunot ang noo ko.
"Sabi ni Sun, may sakit siya."
"Kung may sakit man siya, ano ngayon?" tanong niya na ikinagulat ko. May problema ba sila? Bakit kakaiba ang ikinikilos nila?
"Suplado!" bulong ko saka nilagpasan siya.
Pagkapasok ko sa classroom, si Red ang nadatnan ko.
"Ba't ganyan mukha mo?" tanong niya.
"Si Yesha?" tanong ko rin.
"Kay Riffle. May problema ba?"
"Di ko maintindihan sina Moon at Matter, ang suplado nila."
"Masanay ka na," sabi niya. "Uy, congrats pala, kayo na raw ni Gino?"
"Tsismoso ka talaga, Pula!"
"Sinabi niya kaya."
"Hmm? Natatakot nga ako, baka magalit si Nanay," nag-aalalang sabi ko.
"Matanda ka na, puwede na 'yon."
"Sana okay lang sa kaniya," sabi ko.
"Mabait naman si Gino kaya okay lang 'yan."
Naupo na ako saka tinext si Gino, nasa bahay pa raw nila siya.  Napangiti ako nang magpasa siya ng picture ng niluto niyang ulam tapos nag-selfie pa.

[STAR POV]

"Akala ko ba, may sakit ka?"
Napapikit ako nang biglang lumiwanag ang buong paligid.
"Bakit nandito ka?" tanong ko nang si Chummy ang nakita ko. Or baka lasing na talaga ako kaya siya na ang namumukhaan ko.
"Sabi nila, may sakit ka, pero bakit umiinom ka pa?"
"Wala akong sakit at gusto kong uminom."
"Star naman, alam mo bang masama ang puro alak sa katawan? Sana pala hindi na ako pumunta rito."
"E di sana nga hindi na lang. Did I call you? Umuwi ka na nga! Di kita kailangan!" pagtataboy ko.
"Suplado mo! Concern lang naman ako ah!"
"Di ko kailangan ang concern mo!"
"Ano ba ang problema mo, Star? Two days ka nang hindi pumapasok ah!"
"Paki mo? Ikaw ba ang nagbabayad sa tuition? Ikaw ba ang babagsak? Ikaw ba ang hindi makakapasok sa trabaho?" tanong ko saka tumayo at inilapag sa mesa ang alak saka naupo sa couch.
"Ba't ka ba ganyan, Star? Kasi mayaman ka? Kasi nasa iyo na ang lahat? Fine!" galit na sabi niya. Ang laki na nga ng butas ng ilong niya e.
"Oo, dahil mayaman ako. Nasa akin na ang lahat: Pera, pamilya, pagkain, sasakyan. Lahat-lahat!" malakas din na pagsang-ayon ko. "Iyon ba ang tingin mo sa akin, Chummy? Nasa akin na ang lahat?"
"Sige! Ikaw na mayaman!" Padabog na tinalikuran niya ako.
"Mahal kita!" pabulyaw na sabi ko kaya napatigil siya sa pagbukas ng pinto. "Mahal kita noon pa, Chummy. Bakit ba hindi mo 'yon nakikita? Nasasaktan ako ngayon dahil putangina! Bakit sinagot mo na agad ang lalaking 'yon? Bakit ba mabilis ka lang maniwala sa kaniya na mahal ka niya? Bakit ba siya pinaniwalaan ko pero ako na matagal nang nagpaparinig, hindi?" sumbat ko. Ang bigat sa dibdib kapag hindi ko mailabas. Kung magkalayo man kami, at least nasabi ko ang lahat. Ayaw kong maiwan sa ere na puro na lang katanungan ang sa utak.
"Ano na, Chummy? Sagot! Bakit hindi ka na makapagsalita? Di ba madaldal ka? Sagutin mo ako!"
"A-Ano ba ang isasagot ko?" naguguluhang tanong niya saka humarap sa akin.
"Sa dami kong tanong, ne isa wala kang naintindihan? Kung sabagay, balewala naman sa 'yo ang feelings ko," malungkot na sagot ko.
"Boyfriend ko na si Gino," aniya.
"Wala 'yan sa tanong ko."
"H-Hindi ko alam ang isasagot ko dahil hindi ko rin alam ang n-nararamdaman ko para sa 'yo," sabi niya.
"Great!" ani ko.
"P-Pero masaya ako kapag kasama ko siya."
Okay, isang tarak sa puso ko.
"Mabait siya at mahal niya ako," dagdag niya.
Pangalawang saksak sa puso ko.
"H-Hindi niya ako lolokohin at sasaktan."
Pangatlong saksak sa puso ko.
"Mahal ko--"
"Tama na!" sabat ko dahil mukhang 'yon na talaga ang dudurog sa puso ko. "Wasak na wasak na ang puso ko, Chummy."
"S-Sorry," nahihiyang paumanhin niya.
"Lumabas ka na."
Binuksan niya ang pinto.
"Pero Chumz, sana maniwala kang mahal kita at seryoso ako sa 'yo. Siguro iniisip mo lang na niloloko lang kita dahil sa mga babaeng umaaligid sa paligid ko, hindi ko naman hiniling na lumapit sila eh. Hindi ko naman sila nilalandi para magustuhan ako. Hindi ko na problema kung guwapo ako at gusto ng mga nasa paligid ko. Hindi ko rin ginusto na isilang na mayaman. I cannot choose my parents and family."
"S-Star," aniya.
"But I can always choose a girl na puwede kong pakasalan at bumuo ng pamilya kasama siya," ani ko. "Hindi ko na alam kung paano mo ako paniwalaan pero sana, maniwala kang ikaw ang babaeng 'yon. Ikaw lang mula pa noon, Chummy."
Maingat na isinara niya ang pinto kaya napabuntonghininga ako at kinuha na naman ang isang bote ng alak. Wala na talagang pag-asang maniwala pa siya sa akin.
"Hindi ka ba titigil sa kakainom mo?"
Napatingin ako sa pintuan. Galit si Dad na lumapit sa akin.
"Tama na nga 'yan!"
Hinayaan kong agawin niya ang bote sa akin. Tumayo ako at lumapit sa kama ko saka nahiga at nagtalukbong ng kumot pero hinila niya kaya niyakap ko na lang ang unan.
"Kumain ka na."
Hindi ako sumagot. Ipinikit ko ang mga mata ko pero mukha ni Chummy ang nakikita ko.
Narinig ko ang mga yabag niya palayo kaya nakahinga ako nang maluwag. Kainis! Gusto kong mapag-isa. Gusto kong lumayo sa kanila.
"The fuck!" bulalas ko at tumayo nang binuhusan ni Daddy ng malamig na tubig ang ulo ko.
"Babangon ka at kakain o kaladkarin kita pababa?" galit na tanong niya.
"Wala akong gana!"
"Kumain ka!"
"Ayaw ko!"
"Ano ba ang gusto mo, Star Villafuerte? Nakakapagod ka na ah!"
"Gusto kong mawala sa mundo!" seryosong sagot ko. "Gusto kong mabuhay ulit na malayo sa inyo! Ayaw kong maging Villafuerte! Ayaw kong maging bahagi ng pamilyang ito kung huhusgahan lang naman nila ang pagkatao ko! Ayaw kong mataas ang tingin nila sa akin pero ang baba naman ng moralidad ko! Ayaw kong maging si Star Villafuerte!" pasigaw na sagot ko kaya napanganga si Daddy.
"S-Sabihin mong wala kang sinabi," aniya.
"Ayaw ko na! Sana hindi na lang ninyo ako binuhay! Sana tinanggap na lang ninyo na hindi na magkaanak si Mommy!" galit na sabi ko.
Boogsh!
Natumba ako sa lakas ng suntok ni Daddy. Nawala ang kalasingan ko at mukhang mamaga ang pisngi ko bukas. Pero ano ba ang pakialam ko? Gusto kong magising. Kahit na araw-araw akong magpapasuntok, okay lang. Sanay naman akong masaktan.
"'Yan ang huwag na huwag mong sabihing tarantado ka! Alam mo ba kung gaano kami kasaya nang dumating kayo sa buhay namin?" nanginginig na ang buong katawan niya sa galit kaya naupo ako sa kama at napayuko.
"Alam mo ba kung gaano kasakit ang pinagdaanan ng mommy ninyo bago kayo nabuo? Paano mo nasabi 'yan sa amin? Hindi kami nagkulang! Kung ano man ang sabihin ng ibang tao, tayo pa rin ang nakakakilala sa pamilya natin kaya huwag mong ikahiya ang pinanggalingan mo!"
Sana hindi narinig ni Mommy ang pinagsasabi ko bago lang. Napahilamod ako at pinahidan ang mga luha.
"S-Sorry, dad. H-Hindi ko na po kasi a-alam ang gagawin ko. N-Nahihirapan na ako," paumanhin ko at sinuntok ang dibdib ko. "A-Ang sakit eh. Ang sakit, sakit! B-Bakit ayaw maniwala ni Chummy?"
"Kumain ka na at magpahinga. Marami pa riyan at subukan mong magmahal ng iba."
Umiling ako. "Alam mong si Chummy lang ang gusto ko noon pa."
Napahilot siya sa sentido.
"Ano ba ang gagawin ko sa 'yo na bata ka?" problemadong tanong niya at namewang.
"Si Chummy," pabulong na sabi ko. "Gusto ko si Chummy."
"Fine!" pagsuko niya. "Ibibigay ko sa 'yo si Chummy pero kumain ka na."
"T-Talaga?" bulalas ko.
"Bumaba ka na at kumain," sabi niya.
"Pero dad? Seryoso? Ibibigay mo sa akin si Chummy?"
"Oo nga. Kumain ka na. Bigyan kita ng Chummy."
"B-Baka ibang Chummy naman 'yan."
"Kumain ka na," aniya kaya pumayag na akong kumain. Alam ko namang hindi siya titigil kapag hindi ako kakain.
Pagbaba ko, nasa table sila at kumakain na. Nang maupo ako, biglang tumahimik ang paligid. Napasulyap ako kay Sun na sinusubuan ng hipon si Shine pero agad na ibinaba ang kutsara at ipinagpatuloy ang pagkain nang mapansin ako.
Kain lang ako nang kain kahit na wala akong nalalasahan.
Nauna akong natapos sa kanila kaya nauna rin akong gumayak sa kuwarto ko.
Tinext ko si Chummy. Humingi ako ng sorry kung nasaktan ko man siya sa pinagsasabi ko pero hindi siya nagre-reply.
"Bahala siya," bulong ko saka natulog na. Makapasok na nga bukas.
Pagkagising ko, si Daddy ang napagbuksan ko ng pinto.
"Morning," bati niya na may tinatago sa likodm
"Oh?" inaantok na tanong ko. "Anong nasa likod mo?"
"Here," aniya at inabot sa akin ang manikang replika ng mukha ni Chummy.
"Seryoso?" poker face na tanong ko.
"Hindi ko naman maibigay sa 'yo si Chummy kaya ito na lang," sabi niya.
"King ina! Hindi ako nakipagbiruan!" naiinis na sabi ko. Walang kuwenta talaga 'to si Dad, isip bata. Ke aga-aga, sinisira niya ang araw ko. Nasaan na ba si Mommy at nang mapabatukan 'tong asawa niya?
"Hindi rin ako nagbibiro," sabi niya at inabot ang maliit na manikang kamukhang-kamukha ni Chummy. "Buong gabing ginawa 'yan kaya huwag kang ano!"
"Dad naman, ano tingin mo sa akin? Bata?" Kinuha ko ang manika na may mukha ni Chummy at ang taas ay hanggang bewang ko. Ang lambot niya. "Anong gusto kong gawin dito? Itatabi ko at imagine-in na siya si Chummy?"
"I promised na ibibigay ko sa 'yo si Chummy," aniya.
"Not this!" bulalas ko na kulang na lang ay ihagis sa mukha niya ang manika. "Si Chummy na buhay, hindi manika."
"Walang gano'n!" aniya. "Walang shortcut na mapasaiyo si Chummy."
"Alam mo naman pala eh!" napipikong sabi ko.
"Ibigay mo 'yan sa kaniya!" singhal niya. "Ano bang iniisip mo?"
Napakunot ang noo ko.
"A-Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko.
"Ibigay mo 'yan sa kaniya, manligaw ka! Amin ka nang amin ng nararamdaman mo, hindi ka naman nanliligaw! Para kang tanga! Sana hindi na nga kita anak! Ang slow mo!" nakasimangot na sabi niya. Napansin kong naikuyom na niya ang magkabilang kamao. "Manligaw ka! Kung ako si Chummy, hindi rin ako maniniwala sa 'yo! Palibhasa kapag gusto mo, akala mo gano'n lang 'yon kadali makuha? Kung ang bituin, madaling sungkitin, puwes, ibahin mo ang pag-ibig!"
Tinalikuran niya ako at nagmartsa palayo sa akin.
"Tanda na, bobo pa!" narinig kong sabi niya.
Isa sa pinakanakakainis sa pamilya ko? Ang bully nila!

My Piggy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon