19

1K 45 0
                                    


MY PIGGY LOVE

by: sha_sha0808 Ash Simon

CHAPTER 19

[Chummy POV]

Two weeks nang hindi kami nag-usap ni Star. Nang umuwi si Nanay, hindi na rin ako nagtanong pa tungkol sa mga Villafuerte. Kapag magkita kami nina Tito Sky at Tita Taira, employee-boss lang talaga.
"Ready ka na po?" tanong ko kay Nanay. Pupunta kami ngayon sa OB ng mga Villafuerte dahil sa check-up niya. Kailangan daw niyang magpa-trans V para malaman kung ano ba talaga ang problema niya dahil two weeks nang hindi tumitigil ang menstruation niya. Ang sabi nila, baka nasa menauposal stage na siya kaya kailangan naming magpatingin. Baka mamaya, kung ano na 'yan.
"Sige, dapat ako na lang."
"Hmm? Off ko naman po at wala akong gagawin," sagot ko.
Nag-taxi kami papunta sa OB. Pagdating namin, may kinakausap pa raw si Doc.
"Miss? Puwede po bang pumasok na muna? Magpapa BP lang po si Nanay," pakiusap ko dahil nagsuka siya habang nasa daan kami.
"Sige po, patapos na rin naman," sagot ng nurse at pinapasok kami. May upuan naman sa harap ni Doc.
Napapitlag ako nang makita si Sarah. Anong ginagawa nito sa OB ng mga Villafuerte?
"Okay naman ang lahat kaso normal lang--" OB.
"Excuse me po," paala ni Sarah saka tumayo at sumuka sa sink. Lumapit naman ang nurse at hinagod siya sa likod habang nagsusuka.
"Normal lang 'yan sa first trimester," sabi ng OB. Inayos ni Sarah ang sarili saka pinunasan ng tissue ang gilid ng mga labi. Maputla siya at kahit na walang makeup, hindi nawawala ang ganda.
"Okay lang po," nakangiting sabi niya at muling naupo. "Kahit buong araw at buong gabi ako magsuka, kakayanin ko po para sa baby."
Napalunok ako ng laway. She's pregnant. Tama nga ang sinabi ni Star sa akin two weeks ago.
Napahaplos siya sa tummy niya. She's so happy. Walang makapagpeke ng saya sa mukha ng isang babaeng gusto ng baby.
"Matagal ko nang gustong magka-baby, since I was young, gusto ko nang magkaroon ng kapatid," sabi niya.
Biglang bumukas ang pinto kaya napalingon din kami ni Nanay.
"Sorry, may pasok lang ako," paumanhin ni Star nang pumasok.
"Anak," ani Nanay.
"Nay," bati niya saka nagmano kay Nanay. "Nandito pala kayo."
"Ngayon ang checkup ko," sagot ni Nanay. Hindi ako sumagot dahil nawalan na ako ng boses.
Lumapit siya kay Sarah saka humalik sa pisngi nito.
"Masyado na ba akong late?" tanong niya na nakatayo na sa likod ni Sarah.
"Medyo lang," nakangiting sagot ni Sarah at humarap sa doctor. "Ito na po ba ang vitamins na iinumin ko?"
"Yes, paki-guide na lang siya sa tamang pag-inom at pagkain, Star," sabi ng OB na kay Star nakatingin.
"Ako na po ang bahala," sagot ni Star.
"I'm sure matutuwa ang mommy at daddy mo nito. Gusto pa naman ni Sky na magkaroon ng maraming apo," nakangiting sabi ng OB.
"Oo naman po, excited na nga po si Mommy," masayang sagot ni Star.
No one can fake their happiness and it hurts me big time.
Bakit kailangan ko pang masaksihan ang lahat ng ito?
"Actually, minamadali na nga po nina Mommy at Daddy ang kasal," sabi ni Sarah.
Kasal? Ikakasal sila?
"Tama lang 'yan, dahil buntis ka na," ani Star na parang masamang hindi sila ikakasal.
"Of course, ayaw ko namang maglakad sa altar na malaki ang tiyan, noh?" excited na segunda ni Sarah. For Christ's sake, nanghihina ang buong katawan ko. Nanlalamig ako sa mga naririnig ko.
Pasimpleng kinurot ko ang sarili ko nang bumalik naman ako sa totoong mundo.
"N-Naiihi ako," bulong ko kay Nanay. "CR lang ako."
Tumayo ako matapos magpaalam saka lumabas at dumiretso sa public CR. Pagkapasok ko, saka ako umiyak. Bakit naranasan ko ang ganito? Hindi ko na tuloy alam ang gagawin ko. Gusto ko nang magpakamatay pero alam kong mali naman kapag ginawa ko iyon.
Iyak ako nang iyak pero alam kong kailangan kong lumabas para samahan si Nanay. Kahit mabigat ang dibdib, inayos ko ang sarili bago lumabas.
"Okay ka lang?" tanong ko kay Sarah nang makita siyang suka nang suka at namumula ang mga mata.
"I-I'm fine," naluluhang sabi niya. Hinaplos ko ang likod niya para maging magaan ang pakiramdam. "N-Normal lang naman daw 'to. Hindi ko lang gusto ang pabango ng nakasalubong namin ni Star," sagot niya.
Mapait na ngumiti ako. Yes, alam kong magiging mabuting ama si Star. Ngayon pa nga lang, todo suporta na siya kay Sarah at siguradong ganoon din ang mga Villafuerte.
Isa pa, pamangkin ko na rin 'tong nasa sinapupunan niya.
"O-Okay na ako, salamat, Chummy."
"S-Sige, alis na ako," paalam ko saka naunang lumabas sa kaniya. As expected, nasa labas si Star at labis na nag-alala ang mukha.
"C-Chumz," naiiyak na sabi niya.
"Okay lang siya, nagsusuka lang."
"N-Noong isang araw pa nga siya suka nang suka eh," sabi niya.
"Normal lang 'yon sa buntis," ani ko na hindi makatingin sa mukha niya. "Congrats pala, magkaka-baby ka na."
"Salamat," nakangiting pasalamat niya. Ngiting naging punyal at tumatarak ng libong beses sa puso ko.
"Sige, kailangan pa ako ni Nanay," paalam ko at tinalikuran siya bago pa ako umiiyak na naman sa harapan niya.
Nang pumasok ako, ini-examine pa raw si Nanay kaya pa-simple na naman akong umiyak habang naghihintay. Sana pala hindi ko na siya sinamahan dito para hindi masaksihan ang ganoong eksena.
Anong magagawa ko? Buntis na si Sarah at mukhang ikakasal na sila. Pinahidan ko ang mga luha ko. Nasasaktan ako sa isiping ibang babae ang makakasama ni Star sa pagtanda. Ibig sabihin, wala na siyang time para sa akin. Ibig sabihin, iba na ang kakulitan niya dahil magkakaanak na sila.
Ganoon na nga siguro ang mangyari.
Inayos ko na naman ang sarili para hindi magmukhang tanga.
Nang matapos na kami ni Nanay, umuwi na kami at dumiretso ako sa kuwarto para magkulong at saka umiyak nang umiyak.

My Piggy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon