Chapter 15

30 0 0
                                    

Nagkaroon na ng party sa bahay, mayamaya ay pupunta kami sa school upang ipakilala ako sa mga teachers at saan ang section ko.

By the way, inapruba ni papa na sa ABM ako pero dapat ang tatahakin ko pa rin ay parehas sa kanila.

Ganyan ba sila kahibang na mag engineering ang lahat dito ha?

Why they can’t let me live my own life?

Nasa Escuela de Élites Sariaya kami or Sariaya School of Elites.

Pumasok ako sa eskwelahan. The designs are too expensive. It’s like living in a palace.

Syempre sa first floor lang ito, kung saan dito kukunin lahat ng permit, books, lahat lahat dito, syempre sa mga important needs like exam permits, dito rin ang opisina.

Ate Tracy is guiding me, silang lahat ay nakapagtapos dito.

Nasa building kami ng ABM, mabuti nalang at kasama ko ang magkambal na ito rin ang kinuhang kurso.

Bawat classroom ay may mga sections, and currently natanggap rin sila.

Nakahiwalay na sa amin si ate Tracy dahil STEM ang kinuha nito dala ng pagpupumilit ni tita Sally.

Currently nakaupo kami sa inside auditorium na matatagpuan sa second floor ng building of Vice Mayor Herardo Alvarez.

Ang building kung saan nasabi ko na, dito ang offices and such.

Hanggang second floor lang ito ngunit malawak na siya.

· · ─────── ·𖥸· ─────── · ·

May kuwarentang guro para sa kuwarentang section. Bente sa pang-umaga at bente sa panghapon.

I’m praying for all heavens na sana pang-umaga ako.

“For section Sapphire, please go in the stage as I call your name” aniya ng emcee.
Bumulong si Von na nasa left side ko. Nasa right side ko ang kakambal nito. “pang-umaga ang Sapphire”
Tumango ako. Sana sa Sapphire ako mapunta.

Sapphire is my favorite gemstone aside that this is also a birthstone for September — my birthday.

“Clarkson Vincent Benitez” tawag ng emcee. He stood proudly at bumaba.

“Clarkson Von Benitez” tawag muli, bumaba ito sunod ng kambal niya.

Lalaki muna ang mauunang tawagin bago ang babae kung kaya’t matagal pa bago tawagin kaming mga babae.

Nakatulog ako, ngunit nagising ako nang tawagin na ang mga babae.

“Mira Abenida” tawag ulit ng emcee. I prayed and prayed na sana ay mapunta ako sa section sapphire.

“Alora Mae Acierto”

Halos tumungo nalang ako.

“Maria Letizia Ackerman” tawag ng emcee. Nagising ang diwa ko at dali daling bumaba mula sa kinauupuan ko sa auditorium.

Napangiti ako. Finally!

· · ─────── ·𖥸· ─────── · ·


N

asa isang karinderya kami kasama ang magkambal, umuwi na sina papa at nagpaalam ito na ilakwatsa ako.

At first hindi pumayag si papa kasi may party, but Vincent insisted.

“Maya pa namang gabi ‘yung party so lunch muna tayo rito” giit ng bunsong kambal at um-order.

“Ay kayo pala ‘yan kambal, sandali ha bigyan ko kayo ng napakasarap na adobo” aniya ng tindera.

“Pati rin po Kaldereta para po kay Maria—” gulat na nakatingin sa akin ang tindera.

“Von hijo, anak ba siya ni Duke Juliano?” tanong ng tindera kay Von. Tumango ang lalaki.

“Naalala ko nung kabataan niya na bumibili siya rito ng pagkain noong ako’y bente singko anyos palang, oh siya, bibigyan din kita ng espesyal na kaldereta lady Maria” aniya ng tindera.

What?

Nakatingin sa akin si Vincent. “dito kasi kami nabili ng adobo, eh kilala ni manang Merly ang papa mo na suki rito”

My eyes are in awe. So totoo nga na kilala kami rito.

Umupo na kami sa upuan na malapit sa bintana. The peaceful and noisy people of Sariaya city is beautiful.

People are going in and out. The cars slowing down for people to walk without having a worry na masagasaan.

The karinderya is busy. Binigyan na kami ng server ng dalawang adobo at isang kaldereta. Nagdasal muna kami bago kumain.

Napatingin ako sa mukha ni Von na laging hinahawi ang kanyang buhok. Nakalugay kasi.

“Tali ka nga ng buhok mo Von, at sa susunod magpagupit ka nga, para kang babae” singhal ni Vincent, naririndi dahil kanina pa hinahawi ng kakambal ang buhok.

Um-oo ang lalaki at nagtali ng buhok. He stared at me.

I also remember that I stared at him. Napaiwas ako ng tingin nang makita niya ako.

Ang mga titig na ‘yon… Ay kakaiba!

Enchanted Series #1: Curiosity And IgnoranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon