Chapter 24

6 0 0
                                    

One week later…

“Hatid na po namin siya ni kuya tito” paalam ni Von kay papa. Kakababa ko palang mula sa taas at kulit ito ng kulit sa kanya.

Papa sighed. “sige pero ingatan ninyo siya. She’s not fully healed” abiso niya at nagpasalamat ang lalaki sa kanya.
Umalis na kaming tatlo at naglakad patungo sa school.

· · ─────── ·𖥸· ─────── · ·


Na-miss ko ang presensya ang eskwela. Naglakad ulit kami patungo sa room namin pagkatapos naming ipa-inspect sa guard ang laman ng bag namin. Nang buksan ni Von ang classroom, walang tao kaya’t naisipan naming ilagay ang bag sa kanya-kanyang upuan at tabi kami ngayon.

We talked about this and the future until nalaman nalang ni Vincent na may kumakalabit na sa kanya.

“Balik na ako sa upuan ko. Maya na ulit” he said. Tumango ako at nang bumalik na siya ay siyang pagpasok ng guro namin.

Nagsimula na ang lesson. Nabalot na ang katahimikan sa classroom.

Until, she asked. “ayos lang ba pakiramdam mo, miss Ackerman?” tumango ako.
The lesson continued afterwards.

· · ─────── ·𖥸· ─────── · ·


Tahimik akong nakatitig sa whiteboard namin na punong-puno na ng sulat. I feel drowsy but I prevented myself to fell asleep dahil baka mangyari pa rin ang nangyari. Suddenly someone poked.

“Oh. Share ka na sa akin ng chips” alok ni Von at inalok niya pa ako ng pagkain. I gladly refuse his offer at binuksan nalang ang lunch box na ginawa ni kuya para sa akin.

Kumain nalang ako at sinabayan ako ng lalaki. He asked me things. Tumatango ako kung payag ba ako sa mga katanungan niya at umiiling lamang ako kung hindi ako sang-ayon sa mga sinasabi niya.

“Ang sweet!” we got stunned nang sumigaw ang kakambal ng lalaki na siguro ay kakapasok lang.

“Haba ng pila! Tapos pinagtitinginan ako ng mga babae, feeling ko talaga mga nahulog panty nila sa sobrang tili nila” yabang na kwento ni Vincent. Von scoffed.

“Hangin mo kuya” inis na sabi ni Von. Kumain na si Vincent. Kanin, adobo, at iced tea na in-order niya sa canteen.

Kumain nalang kami at ginamit namin ang ilang minuto sa pakikipagdaldalan. Nang dumating na ang teacher sa next subject ay bumalik na sila sa kani-kanilang upuan at nagsimula na ang lecture.

· · ─────── ·𖥸· ─────── · ·


Makulimlim ang panahon. Napag-desisyonan naming gumala sa bayan upang kumain ulit ng street foods.

Bumili ulit siya ng kwek kwek at nilibre niya ako ng fishball. Bumili ang kuya niya ng kikiam at naglakad na kami.

I cling tightly in his arms, and he understood why. He ruffled my hair and giggled.

“Parang uulan. Von, kunin mo nga payong ko sa bag” utos ni Vincent na agad niyang sinunod.

Binuksan niya ang payong at bumuka ito. Kasya ang payong sa iisang tao lamang.

Kinuha niya ang payong niya and he tried his best na magkasya kami sa iisang payong.

Nang matapos ang malakas na ambon ay bumigla ang malakas na ulan.

Nagsitakbo ang ibang tao ngunit chill lang kami. Nang makarating na kami sa street papunta sa amin, inakbayan niya ako.

“Pero hindi ka pa tapos sa kinakain mo—”

“Kanina pa ako natapos” sabi niya. “ubusin mo na kinakain mo, malapit na tayo sa inyo” paalala niya.

Nag-iisa nalang ang fishball na nasa plastic cup that is filled with sauce. Sinubo ko nalang ito at tinapon sa tamang basurahan.

Nagkwentuhan kami kahit maulan hanggang sa nakarating na kami sa gate ng Manor. Tumigil ang mga paa namin at pinagbuksan kami ng guard ng gate.

Nakapasok na kami sa bahay, at nagpahinga ang kambal. Bumaba si papa ang nagtanong sa akin kung ako ay ayos lang.

“Ayos lang ako papa. They made it here kahit maulan” I said, Von raised his eyebrows at ngumiti.

Papa glared at them, and sighed after. Umalis na kami sa salas at umakyat na ako.

Later on, may kumatok. “uwi na kami Maria. Bye bye!” paalam ni Von. Nagpaalam na rin ako at sinara ang pinto ng kwarto.

I saw them walking away from the house. Tinawag ko silang dalawa at ngumiti.

Umalis na sila ng tuluyan.

Enchanted Series #1: Curiosity And IgnoranceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon