PROLOGUE

10 3 4
                                    

NAPAHINGA AKO ng malalim habang nakasandal sa railing ng hagdan,naghihintay kay mama na nasa counter.Nasa second floor ng building sina papa at ang kapatid ko rito sa Jollibee naghihintay rin.

Mahaba-haba rin kasi ang pila dahil linggo ngayon,family day at walang pasok.Dito madalas dalhin ng mga magulang ang mga batang anak nila pag ganitong araw kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ang tagal ni mama.

Maraming nagsipasok ng bumukas ang pinto ng fast food.

I was bored when this guy appear on my sight and caught my attention.Napataas rin ang kilay ko dahil sa dalas namin dito,I don't think na nakita ko na siya before.

He's smiling towards my direction, he had bouquet of flowers in his right hand and chocolates on the left.He's wearing a simple white t-shirt,khaki pants and white shoes.

Very simple and clean,and attractive,and handsome!

Napakunot noo siya ng makita ako,I don't know kung gaano naako katagal na nakatitig sa kanya o guni-guni ko lang na kumunot ang noo niya,basta dumaan siya sa harap ko at nanunuot sa ilong ko ang amoy niya.sobrang bango!

Umakyat siya sa taas at kung hindi paako tinawag ni mama na samahan muna siya sa Cr ay baka sinundan ko siya.

Naghintay na naman ako sa labas ng cubicle kay mama habang iniisip parin ang lalaki.Napangisi ako sa mga pumapasok sa utak ko.I'm too young for this,I'm just 13 years old and a grade seven student.Pero hindi naman siguro masamang mag ka crush diba?

Paglabas ni mama ay nauna na akong umeksit at pag apak na pag apak ko sa hagdan ay nakita ko siya na pababa na at galit na galit ang itsura,napahawak na lamang ako sa railings dahil wala itong pakialam sa kahit na sinong nababangga niya.

He made me think of what happened.Kanina lang ay masaya siya at ngayon galit na galit na.Wala na rin ang hawak na bulaklak kanina. Hindi kaya? Binasted siya ng nililigawan?

May sumunod namang babae na bumaba na basang-basa ang ulo at damit.Malungkot ito at naiiyak pa.

Hayss... Bakit ko nga ba iniisip ang mga iyon?

Dumirecho naako sa taas kina papa.Sumunod rin naman si mama at ang order namin. Inenjoy ko ang meal with my family pero hindi ko mapigilang mapatingin sa kabilang table kung nasaan ang bulaklak at chocolate na dala ng lalaki kanina.

Tumayo ako para mag cr.Nakita kong hawak ng crew ang bulaklak at nais nang itapon kaya agad ko siyang pinigilan.

"Akin nalang po iyong bulaklak" Sabi ko.

Ibinigay rin naman iyon ng crew sakin, takang-taka si papa kung bakit nasakin iyon hanggang pag uwi pero hindi na siya nagtanong.Buti nalang,dahil wala akong maidadahilan.

Kinuhanan ko muna siya ng picture bago Inilagay sa isang empty vase sa kwarto ko.

"Kawawa ka naman... pagkatapos kang alagaan iiwan ka lang ng ganon-ganon lang!" Sabi ko habang hinahaplos ang petals ng rosas.

"Wala ka namang ginawang masama, nanahimik ka lang tapos ginulo ka!" tipid akong ngumiti at nilagyan na ng tubig ang vase para tumagal pa ng konti ang bulaklak.

"Ganon kaya ang nangyari sa...nanggulo sayo?"

Mukha na kong baliw dahil kinakausap ko ang bulaklak. Itinigil ko nalang baka sumagot e.

Pero, kataka-taka parin ang nangyari kanina. Siguro ay yung babae kanina na basa ang girlfriend o nililigawan ng lalaki tapos nag away sila o kaya binasted? Posible iyon kaya pareho silang galit.

Hmm...

Ah,basta iyon na iyon.Humakbang ako palapit sa kama at naapakan ko ang isang pink na sobre,itinabi ko iyon sa study table ko.Isa iyon sa mga love letter na natatanggap ko.

Hayss lalaki moments...

Tinignan ko nalang ang pictures ng bulaklak sa gallery ko at ginawang lock screen ang pinakmaganda.

I smile.

I can remember him on this.Magkikita pa kaya kami? Makikilala ko ba siya?

Well... It's okay atleast i've meet him once, my first crush.

DOLPARI.

A Stupid MistakeWhere stories live. Discover now