08

1 0 0
                                    

HE STARED at me with smile.I didn't say anything 'coz I really don't know what to say.Nang mapansin niya sigurong nagulat ako at hindi makapagsalita ay siya na ang na una.

“Its been a while” He said and smile. “How are you?”

I fake a smile.“I-Im good,Ikaw?” Kinakabahan ako na may kasamang nginig.

“Okay lang” Tumingin siya sa paligid. “Kaibigan mo ang birthday celebrant?”

Tumango ako. “Yeah,Ikaw? Kaibigan mo rin siya?”

Humalukipkip siya habang titig saakin. “No,sinama lang ako ng kaibigan ko”

I nodded again at hindi na nagsalita pa.I went silent hindi ko talaga alam ang sasabihin ko.Wala pa rin naman siyang pinagbago Ganon parin. Ngumiti siya bigla kaya nagulat ako.

“You're wearing it” Tinignan ko ang mata niya kung saan nakatingin,ang tulip bracelet sa kamay ko ang sinasabi niya.

Hinawakan ko ito at nahihiyang ngumiti. “Yeah,bagay sa kamay ko e”

He smile then nod. “May isa pang bagay sayo” He pause.I raise my right brow,still smiling. “Ako.”

Parang narinig ko ang huni ng mga ibon ng kalikasan sa sinabi niya.

Napakamot siya sa kanang kilay saka natawa.

"Waley" Aniya.

I laugh on his own comment.Waley nga ang banat niya,napakaluma out of nowhere pa.

Hindi ko napansin ang pagtitig niya kaya naman nagulat ako ng makitang titig na titig siya saakin.

“You look more different when you laugh” he said.

Napahinto ako sa pagtawa at nahihiyang umiwas ng tingin. “Anong sinasabi mo?” bulong ko.

His smile remains. “Do you want to drink?” he asked me.

Sasagot na sana ako ng marinig ang grupo'ng nagsisigawan palapit sa direksyon namin na nangunguha ng ibang bisita para sumali sa train na ginagawa nila.

Nang makarating ito sa gawi namin ay bigla akong hinablot ng Isang babae naging marahas iyon kaya muntik na kong matumba pero pinalibot ni Gideon ang braso sa tiyan ko kaya hindi natuluyan.

Iginiya kami ng ilan sa train kaya ang naging ayos namin ay nasa likod ko siya at hawak ako sa magkabilang bewang 'ko.

“Woah,woah, woah yeah! ” ♪♪♪

Napapikit ako sa lakas ng tibok ng puso ko at sa kahihiyan na rin.

“Are you okay? ” inilapit niya ang bibig sa tenga ko kaya medyo nagulat ako.Tumango na lang ako at humarap sa babaeng nasa harapan ko rin.

This guy really!

Nang makarating ang train sa garden ay naghiwahiwalay at nagsayawan.Nawala si Gideon sa likod ko,nakita ko siyang hinahablot ng babae patungo sa kung saan kami galing kanina.

Hindi yata talaga nakabuti ang ilang linggong hindi namin pagkikita dahil imbes na matuwa ako parang namimiss ko pa ang presensiya niya.

Hindi ko naman nakalimutan ang mga paalala ni Zein pero si Abby na rin ang nagtulak sakin sa kanya dahil alam niyang ito ang dahilan kung bakit masyado akong tahimik at wala sa mood nitong nakaraan.

Naramdaman kong nag vibrate ang phone ko sa suot kong pouch kaya kinuha ko iyon at tinignan ang nag message.

From: Seagull

Nasan ka na? ”

It was Steven,he show up at galit na galit kaya nag aya nang umalis.Hindi ko alam kung nakita niya ba si Gideon pero nag paalam muna ako kina Abby na hanggang tenga ang ngiti saakin bago ako umalis.

A Stupid MistakeWhere stories live. Discover now