04

0 0 0
                                    

IT WAS saturday so I  and Auntie Josie went to jog in Astrodome.Kaming tatlo nina mama ang madalas magkakasama pero ngayon kami na lang dalawa.I miss her,hindi ko maiwasang mag isip kung nasaan siya at kung inaalala niya ba kami ni Ezekiel.

Hindi ko alam kung kailan siya babalik dahil hindi rin naman niya nababasa ang mga chat ko, pati ang text at tawag ko ay ayaw ring sagotin.But I'm hoping for good answers, there's a space in my heart that believes  she'll come back,go home to us.

Napahinto ako sa pag takbo sa naisip,sumali si Auntie sa mga nag zuzumba kaya mag isa na akong tumakbo.Humingi ako ng suporta sa mga tuhod ko para hindi ako tuluyang mapaupo sa pagod.Habol-habol ko rin ang paghinga ko.

Huminto ang sunod-sunod na paghinga ko ng may mag abot saakin ng bottled water.Tinignan ko ang may pakana kung sino at nang malamang si Gideon ay agad akong umayos ng tayo.

"You're exhausted" Anito.

I stared at him at akmang kukuhanin ang bote sa kamay niya pero iniwas niya iyon at binuksan bago tuluyang i-abot saakin. Ininom ko iyon at halos maubos ko ang laman.

"Madalas ka'ng mag jog dito?" He asked me.

Tumango ako." Saturday and sunday,Ikaw? " Hinihingal pa rin ako habang sinasagot iyon.

Tinignan niya lang ako at ngumiti. "Now,I'll be"

Nagtaas ako ng kilay.What does it mean? Nagkibit balikat na lang ako at tipid siyang nginitian.

"Are you alone?"

Tinignan ko ang mapayapang dagat na nagpapalibot sa parke at ang astrodome.

"Hindi,nag zuzumba doon ang auntie ko" itinuro ko ang mga nagzuzumba sa harap nito.

Nameywang siya sa harap ko habang titig doon,napagmasdan ko ang mukha niya na pawisan at ang basa na nitong buhok. Basa na rin ang gray t-shirt nito sa dibdib.Taslan shorts ang pang ibaba nito at rubber sa paa.

He's drop dead gorgeous.Nang sulyapan niya ako ay inubos ko ang laman ng bote.Naramdaman niya yatang titig na titig ako sa kanya.

I heard him chuckle.

"Have you ate your breakfast?" He asked me.

Hindi agad ako nakapagsalita.

"Would you mind eating with me?" He asked me again.

Why?  Iyon lang gusto kong sabihin pero hindi lumabas sa bibig ko.

"I assume it's a yes" anito at nakangiting naglakad palayo.

Wala sa sariling napahinga ako ng malalim,hindi ko alam na pinipigilan ko pala ang paghinga ko.Ganito yata talaga ang pakiramdam kapag may guwapong malapit  sayo.

Nakita ko ang paghinto niya ng mapansing hindi ako sumunod.Ngumiti siya sakin.There, I felt butterflies again.Dahan-dahan siyang lumapit at hinawakan ako sa pulsunan at hinila papalakad.

Pumasok kami sa café sa loob ng astrodome,naupo ako malapit sa glass wall.Ramdam ko ang titig ng mga tao ng pumasok kami,dahil siguro sa lalaking kasama ko.

"Anong gusto mo?" Aniya.

"Ah, hot caramel macchiato" Sabi ko.

"And?"

Tinignan ko ang itaas ng counter, may mga pancakes sila doon.

"Pancakes?"

Tumango naman siya at ngumiti. "Okay, wait here"

Sinundan ko ng tingin ang likuran niya at napangiti pero agad naglaho iyon ng makita kong nakipag usap ito sa dalawang babaeng halata namang nagpapacute rito sa counter.

A Stupid MistakeWhere stories live. Discover now