07

2 0 0
                                    

THE WIND  is freezing and it's raining hard here.Nakadalawang patong na  ako ng sweater bago tuluyang pumasok ng school.Nakita ko si Finees sa gate kaya sinabay ko na siya papasok ng building namin.

“hayy grabe sobrang lamig,swerte naman ng may mga jowa may ka cuddle” Aniya ng makarating kami sa building.

I sigh,it's been weeks simula ng tumawag si Gideon sakin.After that call hindi niya na ako kinontak ulit.Napapaisip ako kung bakit pero naiisip ko rin na mas mabuti iyon para hindi ako maging malapit sakanya,ang kaso lagi ko siyang naaalala kapag naroon kami sa Astro sa twing mag ja-jogging ako.

I can't help but to wonder,sabi niya kasi lagi na siyang tatakbo roon pero hindi naman siya nagpapakita.

“Ayos ka lang Natasha?” Tanong ni Abby at tinapik ako sa braso.Lunch time na at hindi ko man lang napansin.

Tinanguan ko siya.

“May problema ba? Ang tahimik mo lately”

Nakatitig silang tatlo sakin,naghihintay sa sagot ko sa tanong ni Abby.

“You know what? Mag inom tayo.” Ani Zein.

Napunta sa kanya ang atensiyon ni Chandria at Abby kaya nakahinga ako ng maluwag. "Iniinvite ako ni Ezra sa birthday niya bukas,uminom tayo doon”

“Mabuti sana kung payagan kami---”

“Sige,sasama ako” Sabi ko.I cut Chandria's words.

“Seryoso ka ba?” Ani Cha.

“Sasabay ako kay Steven,I'm sure pupunta siya sa birthday ng best friend niya”

“Iyon naman pala,okay I'll come” Sabi ni Abby.Napabuntong hininga naman si Chandria,alam kong sasama siya.

“Okay.Magpapaalam muna ako kay mommy”

“Ahhh...” Zein,Abby and I duet.

“Syempre magpapaalam ako,alam niyo naman ang parents ko baka sumugod iyon sa party grr embarrassing!”

Tumango nalang kami bilang pag sang ayon.“Okay sige kitakits nalang tayo bukas,isasama ko rin si Emmanuel” Sabi ni Zein.

MUKHA AKONG PAGOD na pagod ng makauwi sa bahay,pahirapan makasakay pauwi dahil hindi na naman ako sinundo ni papa.Sobrang lakas na ng ulan kaya agawan ang pagsakay.Naabutan ko ulit si Steven sa sala,nagkakape habang nanonood ng Mr.Bean.

Nakakainis,bakit ba lagi siyang nandito?

“Ang laki-laki mo na nanonood ka pa rin niyan?” Sabi ko.

Napalingon siya bigla sa gawi ko,nagulat pa ang sira ulo sa presensiya ko. “Ayan,kakakape mo yan”

“Nag commute ka lang? Bakit hindi mo'ko tinext, sinundo sana kita” Aniya at bumalik sa panunuod.

“I can handle my self” Sabi ko habang naghuhubad ng sweater. “By the way,sabay na tayo papunta 'kina Ezra bukas a”

Nilingon niya ulit ako habang kunot ang noo at magkasalubong ang kilay. “Bakit?”

As expected nakalimutan niyang birthday ng best friend niya. “Birthday niya bukas,invited ako”

Naglakad ako papuntang kusina at uminom ng maligamgam na tubig,sumunod naman siya sakin.

“Alam kong birthday niya,pero wala naman akong sinabing iinvite ka niya” Takang-taka ang itsura niya.

“Ah,hindi niya naman ako ininvite personally. Si Zein ang inimbita niya,tapos inimbita naman ako ni Zein”

“Tss baliw ka ba? Kahit sino pang nag invite sayo hindi ako papayag”

Napairap ako sa kaartihan niya.Hindi niya na naman nilulugar ang ugali niya.

A Stupid MistakeWhere stories live. Discover now