02

0 0 0
                                    

HINDI parin umuwi si papa kinabukasan kaya nag aalala na'ko.Tinawagan ko ang ninong ko at ang sabi niya ay nagpunta raw itong bicol. Ang hometown ni mama.Naghanda kami ni Chandria para sa banda,nag practice lang kami hanggang tanghali total busy naman ang lahat.

Katatapos lang namin mag ayos sa restroom dahil nga medyo mainit na sa labas kaya nahahagard na ang itsura ko.Nagtext si Zein na nauna na sila sa canteen, bumalik pa kami sa room ni Chandria dahil may kukunin daw siya.Nasa labas lang ako ng room ng mahagip ng mata ko ang lalaki kahapon,kausap si Kendra na kaklase ko.

Nanliliit ang mata ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.May boyfriend si Kendra at iyon ay kaklase ko rin.

Is she flirting with that guy? I can't believe it,so she fell with looks? Hindi maipagkakailang gwapo rin ang boyfriend niyang si Robin.

Napatingin sa gawi ko ang lalaki pero hindi ako nag iwas ng tingin sa kanya.Pareho lang siya sa ibang mga lalaking ginagamit ang pisikal na anyo para makuha ang atensiyon na gusto.Tss

Nauna na akong umuwi sa mga kaibigan ko,may problema kami sa bahay at nag aalala na rin ako kay Zekie.Umiling-iling si Auntie nang mapatingin ako sa kwarto ng kapatid ko.Hindi siya kumakain.Pinuntahan ko siya sa loob at naabutan kong nakahiga siya sa kama at nakatalukbong.I sit beside him.

"Bakit hindi ka kumakain?" Mahinahon kong tanong.

"Hindi ako gutom" simpleng sagot niya.

"Kahit na Ke...you have to eat.Halika ipagluluto kita ng lahat ng gusto mo" Sabi ko.

Hindi parin siya bumangon at ayaw niya parin akong harapin.Nangingiligid ang luha ko,nagkakaganito siya dahil sa mga magulang namin.Kung nahihirapan ako alam kong siya rin.I hugged him.

"Alam kong nalulungkot ka,pati rin naman si Ate e.Nag aalala ko sayo,ayaw mo naman sigurong magalit pa'ko"

Tinanggal niya ang kumot sa ulo niya at maluha-luha akong tinignan.I smiled at him

"It's okay,it's okay..." I said caressing his hair.

Umiyak siya at mas lalong yumakap sakin,tuluyan na ring pumatak mga luha sa mata ko.

Everything is going to be okay! I know it'll be okay!

Napilit ko siyang kumain at sinamahan ko rin siyang matulog.Kumatok si Auntie sa kwarto niya kaya lumabas ako.Mag aalas diyes na rin

"Puntahan natin ang papa mo,bilis"

"Ha?saan?" Naguguluhang sabi ko.

May Isang bar kaming pinasukan,hindi iyon bukas dahil private property ang nakalagay.Wala ring mga tao sa malawak na loob, tanging ang pigura ni papa na halos lupaypay na ang aking nakita na inaalalayan ng dalawang lalaki. Agad kaming lumapit ni Auntie sa kanila at sinigurado ko kung si papa nga talaga iyon.

"Pa? Anong nangyari sayo?"

Ngumisi lang si papa na lango na ng alak.

"Oh?" Tinuro ako ng isang lalaking naroon at nagulat siyang makita ako.

Kahit ako,nagulat.Anong ginagawa niya dito? Dito pa talaga kami nagkita.

"Halika na kuya, umuwi na tayo" Ani Auntie na ginigising si papa.

Tumulong ang isang lalaki sa pagalalay kay papa patayo,pati na rin ang pamilyar na lalaki.Ipinasok nila ito sa backseat ng sasakyang dala namin ni Auntie.

"Thank you" Sabi ko sa dalawa.

Papasok na ako ng sasakyan ng pigilan ako ng lalaki sa braso.I looked at him then to his hand. Bumitaw naman siya agad.

A Stupid MistakeWhere stories live. Discover now