11

0 0 0
                                    

I DIDN'T saw him for the past few days since that day.Malapit na ang holiday at lahat kami naghahanda na para sa Christmas party.Busy na ang mga araw ko dahil rin sa paparating na debut kaya wala na rin kaming time para sa girl's day dahil pati ang weekend naman ay hindi na rest days.

Week past.Hindi pa rin siya nag pakita tulad dati.Alam kong umiiwas na siya or that's the end of us.

I smile at the thought.Hindi naman kami e.Siguro ay natakot siya sa mga sinabi ko.

Two weeks.Hindi siya nagtetext o tumawag man lang.Wala ring update sa social media accounts niya.

So bahala nalang talaga ako sa sarili ko nito huh?!.

“Matulog ka ng maaga at wag magpapakapagod” iniabot saakin ni Auntie ang receta na para sakin. “Bilhin mo iyan sa baba at inumin mo regularly ”

Vitamins.

Naglahad rin siya ng pera pero pinigilan ko siya. “Huwag na Auntie. May pera naman ako dito” Sabi ko.

Pinuntahan ko siyang Divine World Hospital dahil na e-stress talaga ako ng husto sa nakaraang mga araw.Sabado ngayon pero naka duty si Auntie kaya hindi na rin ako ng jog at late na nagising. Sobrang bigat ng pakiramdam ko kaya sinunod ko ang payo niyang magpa check up.

“Hmm.Malapit na mag pasko tutuloy ba kayo sa america?” Tanong ni Auntie.

“Why,Hindi kayo sasama?”

She sigh then smile at me. “I'll be very busy lalo na't ma aasign ako pansamantala sa ER” aniya. “Pero baka sumama si Steven”

Tumango ako at tinignan ang oras sa phone ko. “Nandoon ang mama mo.Kuya was sure about that”

Ah, halos makalimutan ko na ang sarili kong ina sa dami ng ginagawa. Two months past simula ng umalis siya at hindi niya parin ako kinontak.

I nod again to Auntie. “Pinahirapan niya si papa. Ganon ba kahirap sabihin kong nasan siya?”

“Natasha...”

“I know she have reasons.Pero... anong rason niya para hindi kami kamustahin na mga anak niya?” Sabi ko at mapait na ngumiti.

Kahit kailan hindi nagkulang si Mama sa amin pero minsan nararamdaman 'kong dinidistansya niya ang sarili sa amin ni Ezekiel.

“Pumasok lang naman iyon sa isip ko. Wala kayong dapat ipag alala hindi ako galit sa kanya” Ngumiti lang uli ako at isinuot na ang bag ko.

“Mauna na po ako,marami pa akong gagawin” Sabi ko.

Naglakad ako patungong pinto,hinawakan ko ang door knob upang mabuksan ito pero hindi ko muna ginawa dahil nagsalita pa si Auntie.

“Ano man ang dahilan niya alam kong mahal na mahal niya kayong dalawa”

Ngumiti uli ako para hindi siya masyadong mag alala. “Alam ko iyon Auntie”

“Mag iingat ka, bilhin mo lahat iyan”

“Hmm” tanging sagot ko bago tuluyang lumabas sa opisina niya.

Huminga ako ng malalim at inayos ang bag ko sa balikat.Binati ako ng mga nurse na nakakakilala sakin kaya binati ko rin sila pabalik.

Nagtungo muna ako sa pharmacy saka binili ang vitamins na sabi ni Auntie, bumili rin ako ng mineral water sa seven eleven sa tapat para makainom ngayong araw. Naupo lang muna ako sa mga tables doon para magpalipas ng oras.

Natatanaw ko ang LVD mula rito dahil magkatabi lang naman iyon ng hospital at katapat ng department store.Hindi ko nga siya nakikita kaya baka ngayon ay makita ko kahit wala namang pasok,nagbabakasakali lang naman.

A Stupid MistakeWhere stories live. Discover now