12

2 0 0
                                    

WHY? iyon lang ang tanong na gusto kong sabihin sa kanya pero hindi ko ginawa. Nilampasan ko siya at mabilis na naglakad pero mabilis niyang nahawakan ang braso ko at iniharap sa kanya. Mabilis kong tinabig iyon at masama siyang tinignan.

Hindi kami okay pero hindi niya dapat ginawa iyon kanina kahit pa may galit siya sakin o ano.

“Why?” he uttered.

Napataas ang kilay ko sa narinig. Did he just ask why? Ako dapat ang nagtatanong noon.

He sigh and clench his jaw. “You're dating Ezrael?”

Kadugtong ba iyon ng why niya? Oh magkaiba? Nakakalito naman ang isang 'to.

Ilang minuto pa kaming nagtitigan doon.Iniisip ko parin kung sasagotin ko ba ang tanong niya pero wala namang mawawala kung sagotin ko at sabihin kong ‘oo.Magbago kaya ang reaksiyon niya? Kapag nalamang nakikipag date ako sa iba gaya ng ginagawa niya.

“Hindi.”

Pero hindi ako tulad niya.
He sigh and look away then nodded.Na para bang kinukumbinsi ang sarili. “Okay.”

Magsasalita pa sana ako pero mabilis niya akong tinalikuran.Gusto ko siyang tawagin pero hindi ko nagawa.

I sigh in frustration.Yeah,baka dahil sa sinabi ko na tumigil na siya ay ganon nga ang  ginagawa niya.Tulala ng makauwi ako sa bahay.

Ito ba talaga ang gusto ko? Bakit parang ang sakit. Dapat maging masaya ako kasi iyon ang desisiyon ko pero taliwas talaga sa nararamdaman ko e.Nasasaktan ako.

My birthday came.Nasa isang hotel ang venue.Masaya naman ako sa inihanda nila para sakin pero hindi ko alam kung bakit may puwang parin.

“Are you okay? Bakit parang hindi ka masaya?” Napuna agad iyon ni Abby.

I chuckle. “Masaya ako,ano ka ba!”

“Sinong inuto mo?” Aniya.

Hindi ko siya pinansin at inentertaine na lamang ang mga bisita.Naghanda ng after party sina Abby at Emmanuel kaya iyon rin ang hinihintay ko.

Sa The Venue kami nagpunta.Alas dose na ng gabi.Pinayagan naman ako ni papa kaya walang problema.Kami-kami lang ang nandoon pati si Ezrael ay kasama at si Eden at ang iba pa niyang kaklase na kakikilala ko lang.Friendly naman ang mga ito kaya madaling nakasundo ng mga kaibigan ko.

We partied all night.There are liquors around at hindi kami naubusan dahil bili ng bili si Emmanuel.I am so drunk that I puke and sit on the bathroom tile after.

Abby took a video of me while laughing,she's so happy because I'm like this.

“Shit, you're wasted” Aniya habang tumatawa pero tinulungan niya rin naman akong tumayo at mahiga sa sofa.

The couch feels so nice and comfy,gusto ko ng matulog pero napakaingay ng paligid sumasabay sa lakas ng tibok ng puso at utak ko.

Matagal akong nakapikit. Nakikinig lang sa mga pangyayare sa loob. Hulog na hulog ang mata ko pati katawan ko ay hindi ko magalaw.

Minutes passed.Hindi na gaanong maingay roon.Hindi ko marinig ang boses ng mga kaibigan ko pero may naririnig naman akong nag uusap. May kalayuan iyon saakin.Sa sobrang pagtataka kung nasan na ang mga kaibigan ko ay sinubukan kong idilat ang mga mata ko.

Wala na nga akong makita,umupo ako sa pagkakahiga at napahawak sa ulo ko.I check my phone for the time. It's already three in the morning.Maayos akong nakahiga kanina sa sofa at may comforter pa.

I looked around the house and unexpectedly meet his eyes.Nag iwas agad ako ng tingin kay Gideon at biglang na conscious sa sarili kong itsura. My god! Paano kung naglalaway pala ako habang nakaidlip at umuungol sa sobrang kalasangin?

A Stupid MistakeWhere stories live. Discover now