10

0 0 0
                                    

HINDI ko pa rin naman siya mapagalitan dahil nakikita kong natutuwa si Zekie sakanya.Kasalukuyan silang namimili ng ice cream,hindi ko alam na ganon siya ka attractive habang nakikipag usap sa kapatid ko.Pinagtitinginan siya ng mga saleslady at ibang bumibili.Lumapit pa nga ang isa para tulungan silang mamili.

Oh I forgot.He's good at that.

Napairap ako sa hangin at kumuha ng limang gin saka lumapit sa counter.Na kina Gideon parin ang mga mata ko.Napatingin lang ako sa cashier ng biglang hingin nito ang I.D ko.Nagulat ako na hindi nga pala normal na bumili ako ng ganon lalo pa't underage pa ako.Nahiya ako pero hindi ko iyon pinahalata lalo pa't nakatingin at naghihintay saakin ang mga nakapila sa likoran ko.

“That's on me” mabilis na inilahad ni Gideon ang card at ang ibinili rin nitong ice cream para sa kapatid ko.

Saglit na natigil ang babaeng cashier  ng makitang nakangiti sakanya si Gideon habang nasa ere pa rin ang card nito.Ngumiti ang babae at tinanggap ang card saka may pinagpipindot sa computer bago iiskan ang card ni Gideon.

Napairap uli ako sa iritasyon,ganon na talaga ang epekto niya sa mga babae bukod pa sa sinasadya niyang akitin ang mga ito.

Umalis ako ng counter at siya ang pumalit habang hinihintay ang pinamili ko.Hindi pa rin mawala-wala ang ngiti at tingin ng babae hanggang makalabas kami ng grocery store kaya naman naniningkit talaga ang mata ko.

Ibinigay niya kay Zekie ang ice cream at tuwang-tuwa naman ang kapatid ko.Alam kong magtatanong siya about sa gin kaya kinuha ko na iyon sa kamay niya at naglahad ng cash sa palad niya.Tinignan niya lang iyon at hindi nagsalita.

“Tara na ke” umalis kami ng mall ng kapatid ko at umuwi ng bahay.Nakalimutan kong gusto pala nitong magpabili ng cage para sa mga napanalonang baboy na hindi ko nagawa sa iritasyon ko kay Gideon.

Nag promise naman ako kay Zekie na bibilhan siya sa susunod sa ngayon kailangan ko ng umalis baka kanina pa ako hinihintay ng mga kaibigan ko.

Paglabas ko sa may kanto papuntang highway nagulat ako ng makita roon si Gideon na saktong itinapon ang sigarilyo at inapakan habang nakasandal sa kanyang sasakyan.

Nakita niya ang paglabas ko at nagsalubong ang tingin namin,nauna akong umiwas at nagmadaling pumara ng cab nang makita siyang papalapit sa akin.

Nakahinga ako ng maluwag ng makasakay ako kaagad at hindi niya naabutan pero kasunod noon ang text niya.

From: GRT

     Iniiwasan mo'ko

That's not a question he sent,that was a fact statement.Nakaramdam ako ng guilt,hindi ko gusto na iyon ang isipin niya pero totoo nga na iniiwasan ko siya.I type my reply.

Ako:

      Nagmamadali lang ako.

Pikit mata ko pang sinend iyon.Tama ba 'tong ginagawa ko? dapat ay iniiwasan ko siya dahil hindi siya makakabuti sa puso ko pero eto ako dinedeny na iniiwasan siya at nagpapalusot dammit!.Hindi pa ako nakakabalik sa pag iisip nag reply siya agad.

From: GRT

    Pwede ko 'bang malaman kung bakit at saan ka pupunta?

Ako:

   I'll meet my friends sa burgos.

Iyon lang at hindi na siya nag reply pa.Well hindi naman importante iyon,sa ngayon.Pagkarating ko ng burgos sa sinabing The Venue ni Zein nakita kong hinahabol nito si Emmanuel gamit ang walis habang nag vinivideohan sila ni Abby.Nang makita ako nito ay itinutok saakin ang camera.

A Stupid MistakeWhere stories live. Discover now