Chapter Three

110 20 3
                                    

Valentina,

    Sa totoo ay kaya ko naman. Sadyang nahihirapan lang ako sa ideya na pagod na pagod na ang lola ko sa pagtaguyod sa aming dalawa ng kapatid ko, sa aming tatlo. Gusto kong huminto hindi dahil hindi ko kayang makasabay kundi dahil gusto ko ng makatulong sa pamilya ko. Tatlo na lang kami tapos matanda na ang lola ko, awang-awa na ako sa kanya.

    Palagi niyang sinasabi na kaya niya, na hindi pa siya pagod, pero palagi ko siyang nahuhuli kapag patago niyang iniinda lahat ng hirap na nararamdaman niya pati narin ang sakit. Sa tingin mo ba napaka-walang kwenta ko sa ganitong pag-iisip? Na ako na nga itong pahirapang pinag-aaral pero ako pa mismo yung nagbabalak na huminto?

    At Val, andito lang ako bilang karamay mo. Kahit na nag-uusap tayo sa pamamagitan ng mga liham ay itinuturing na rin kitang kaibigan. Kaya kapag may problema ka sabihin mo lang. Ako nga eh, dinamayan mo kahit di mo ako kilala ng lubusan.

                                Darna

Matapos niyang masigurado na maayos ang pagkakalagay niya ng liham sa gitnang pahina ng libro ay agad niyang ibinalik ito sa dati nitong pwesto. Tumayo siya pagkatapos at inayos ang sarili. Tumingin pa siya sa pangalawang beses sa direksyon ng libro bago nagdesisyon na umalis na.

Nang mapadaan uli siya malapait sa pwesto ni Regina ay hindi nakatakas sa paningin niya ang inis nitong tingin sa kanya. Ano pa nga bang bago? Pero ang pinagkaiba nginitian niya ito bilang sagot na nagpa-irita sa isa. Kaya bago pa siya matarayan ay kumaripas uli siya ng takbo papalayo dito.

Natatawa siya habang papalayo sa library. Para siyang baliw kasi wala naman siyang ibang kasama, ang tanging nagpapatawa lang sa kanya ay ang alaala ng iritadong mukha ng SSG President nila. Ito ang unang pagkakataon na napansin niya na para pala itong bata kapag umaakto ito ng ganoon. And she's cute like that.

Napahinto pa siya sa gitna ng daang tinatahak at napaisip  siya kung gaano pa ito ka-cute kapag ngumiti ito. Palagi kasing bugnutin ito kapag nasa paligid siya kaya hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makita ang natutuwang ekspresyon nito.

"Ano nga ba mukha ni Regina kapag nakangiti?"

"Bakit ka curious?"

Napapitlag sa gulat si Narda at napahawak pa sa dibdib niya na para bang sinusuportahan niya ng mga oras na iyon ang puso niyang bigla na lang ginulat.

"Mara! Bakit bigla-bigla kang nanggugulat diyan?" angil niya sa malapit niyang kaibigan. Halos lumabas sa dibdib niya ang kawawang puso niya.

"Kasalanan ko pa ngayon, gayong ikaw itong pinagpapantasyahan ata ang presidente ng SSG natin? Huwag naman tayong ganyan, Narda." Bwelta naman ni Mara sa kanya.

"Pinagpapantasyahan? Saan mo naman napulot iyan, Mara? Natanong ko lang kung ano mukha nung tao kapag nakangiti tapos pantasya na kaagad?!" Hindi makapaniwalang tiningnan niya si Mara. Nanlalaki pa ang mga mata at ilong niya na para bang siya pa itong na agrabyado sa 'paratang' ng kaibigan niya.

"Sa pagkakaalam ko kasi yung mga taong may crush at may gusto lang kay Miss Pres ang curios sa ganyang bagay. Hindi yun gawain ng rival na tulad mo kaya it's either crush mo siya o may gusto ka na sa kanya. Ganoon lang ka simple," as a matter of fact na saad ni Mara.

"Excuse me? Ako may gusto sa kanya? Kilabutan ka, Mara. Maganda siya, matalino, mayaman at mabait na estudyante pero hindi iyon sapat na basehan para magkagusto kaagad ako sa kanya. Nau-ulol ka ba?" Pagtatanggol ni Narda sa sarili pero ngumiti lang ng misteryoso si Mara sa kanya na ikinainis niya.

The Letters I Sent (Darlentina AU) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon