Chapter 39

15K 265 81
                                    


Mabilis lumipas ang mga araw at ngayon ay kakatapos lang ng libing ni Tita Grace.

"Sure ka bang kaya mo na mag isa?" Nag aalalang tanong ko kay Law.

He's still my friend, my best friend after all.

I still care for him of course.

Tumango naman ito bago punasan ang kanyang luha.

"Yes. I can. Thank you, Leigh. Thank you for staying." Anito.

Tumango naman ako sakanya bago tuluyang bumalik sa kotse.

"Mummy are we gonna see Papa again?" Tanong ni Shantal sa aking tabi.

"That-I'm not quite sure. He will be more busy sa business nila anak eh." Paliwanag ko.

Agad naman itong tumango bilang tugon.

Pag uwi namin ay agad kaming sinalubong ni Kuya Cadence sa pinto.

"Mabuti naman at umuwi na kayo." Anito.

Agad ko naman syang inirapan bilang tugon.

"Malamang. This is our home." Sagot ko.

Napangiti naman ito sa narinig at agad na binuhat si Shantal.

"Where do you wanna go, Pamangkin?" Tanong nito.

"Mall!" Sagot naman ng bulinggit.

"Paano ba 'yan kapatid? Pahiram muna kay Shantal ah." Paalam ni Kuya sa akin.

"Basta ibalik mo agad." Sagot ko.

Sinama na din ni Kuya ang kambal kaya ako nalang ang natira sa bahay.

Hay.

Napabalikwas naman ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.

*Ringgggg*

Kuya Calvin's calling..

Anong meron?

"Yow. Why?" Bungad ko.

"7pm. Semi-formal party. You'll be my plus one. Ano g kaba?" Deretsong tanong nito.

Woah.

"Anong meron?" Tanong ko.

"Tange! Home coming ng iyong bebe! Ayusin mo! It's your time to shine." Anito.

Ni Paul?

Omg!

Ang bilis!

"Sige sige. Anong kulay suot mo?" Tanong ko.

"Hmmm blue coat ko eh. Mag blue dress ka nalang din." Aniya na syang nag patango sa akin kahit hindi naman nya ako nakikita.

Ngayong tapos na ako kay Law,

Nasabi ko na sakanya.

Maybe it's time to come back where I really belong.

To my home.

Paul Dwayne.

Sana hindi pa huli ang lahat.

Sana...

"Wow! You're so pretty, anak!" Bati sa akin ni mommy pag baba ko sa hagdan.

I'm wearing dark blue halter backless maxi dress na may slit sa left side.

Paired with my white three inch chunky heels.

Tapos light make up.

"Thanks mom." Nakangiting tugon ko.

Crazy In love ( Unwanted series# 1 ) ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon