Epilogue ( Part I)

2.4K 25 2
                                    

DWAYNE PAUL CHAVEZ

 "Ayun oh! Ang mata saan saan napupunta! Hule!" Asar sa akin ni Miguel na kaklase ko as he caught me looking at Cadilyn. 

Kapatid ng kaibigan naming kambal.

"Gago, pre. Kapatid 'yan ng kambal. Huwag ka dyan. Bata pa 'yan." Dagdag pa nito.

Paano ba naman kasing hindi titignan. Eh ang ganda nya talaga.

Psh.

"Hindi talaga sya yung tinitignan ko. Ayun oh. Yung isa." Pag sisinungaling ko sabay turo kay Annia ba yun, yung kaklase nya.

And that's where it's all started.

Palagi na nila akong inaasar kay Annia kaya di kanlaunan ay naging kami din.

Dahil alam kong hindi papayag ang kambal pag ang kapatid nila ang niligawan ko.

I remember Cadence once said while we're eating lunch when his sister suddenly enters the cafeteria.

"Grabe mukhang manika! Ang talaga ng kapatid mo, bro!" Bati ni Daniel na kaibigan namin.

"Gago pre 'wag 'yan. Lagot kayo sa amin ni Kambal." Banta nito.

"Bakit? Ayaw mo ba sa katropa mo?" Tanong ni Miguel.

Agad namang umiling ang kambal.

Paktay na.

"Huwag mga pre. Basta huwag kapatid ko. Dami dami pa iba dyan oh." Sagot naman ni Calvin na syang nag patahimik sa lahat.

See?

Pinag bawalan na agad kami.

Kaya simula non, kinalimutan ko na ang namumuong pag tingin sakanya.

Mabilis lumipas ang panahon at naka graduate na nga kami sa kolehiyo.

At kami parin naman ni Annia.

Actually mabait naman talaga sya. Kaya nga kami nag tagal eh.

"Your graduation is already done, anak. When are you planning to propose kay Annia?" Biglang tanong ni mommy sa gitna ng pagkain.

Propose?

"Masyado pa atang maaga, mom. Kaka graduate ko lang po oh. Mag iipon na po muna ako. Tsaka papagawa po muna kami ng bahay bago mag pakasal." Sagot ko.

Totoo naman.

Ayoko mag madali.

Madami pang oras.

"You'll handle our company, son. You need to be good. Okay?" Ani naman ni Daddy.

"Yes, dad." Tugon ko.

Nang makaipon ako ay agad akong nag balak bumili ng lupa at mag pagawa ng bahay. Tapos nito mag popropose na ako kay Annia.Siguro naman na ako sa kanya. Pero parang may kulang lang na hindi ko mawari kung ano.

Pero parang meron...

"Babe! Are you even listening? I said I want us to get married na. Antagal na natin oh! Kailan kaba mag popropose?" She impatiently said.

Psh.

Napahawak naman ako sa sintido ko dahil sa sinabi nito.

She's been like that since last week.

Ang kulit.

Surprise nga surprise.

Bibili na nga ng lupa oh.

Crazy In love ( Unwanted series# 1 ) ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon