Chapter Four

3 0 0
                                    

CHAPTER FOUR

MABILIS NA napasapo sa noo si Mira matapos niyang mapabangon sa kama.Ito nanaman siya, masama nanaman ang pakiramdam niya dahil sa hang over na nangyari noong nagdaang gabi. Hindi niya tuloy mapigilang mapatakip ng mukha nang maalalang si Yiro pa ang kasama niya.

Nakakahiya...

Kahit hindi matino ang pakiramdam ay pinilit na rin niyang bumangon. Sa paglabas niya ng kanyang sala ay madali na rin niyang napansin ang isang baso ng tubig roon na pinapatungan na sa pansin niya ay isang sulat.

Mabilis na rin niyang dinampot ang papel na iyon bago dahan-dahang binuklat at binasa ang nakasulat.

Last night was such a blast! I'm really glad I spent it with you and your weird ideas :) Alam ko may trabaho ka pa today at sigurado akong ngingiwi ka pagkagising mo dahil sa sakit ng ulo. Don't worry, you only had 2 glasses. It's just that, nainom mo kasi iyong iniinom ko kaya nagkaganyan ka. Hindi na rin kita pinigilan because I know that you were having fun. Though I'm sorry, I made you that way. By the way, drink this medicine, si Ury nagsabi sa'kin nito pero kahit pedia iyon, I think matino pa rin naman mga suhestisyon nun. And by the way, I am really sorry if I cannot wait for you to wake up. I'll be coming back to Japan at 6am today.

I'll see you again Miray! Ja ne! See you!

- Iroy

Sa nabasa, hindi na lamang niya napigilang mapangiti bago napabuntong-hininga. Kumakalabog nanaman ang puso niya. Iba nga talaga ang impact sa kanya ni Yiro pati ang tahimik niyang mundo, nabubulabog ng simpleng gestures lamang nito.

"URYLLANE!!"

"MIRA!"

Iyon ang tuwang-tuwa at masayang pagngiti ni Almira at Uryllane sa isa't isa ng sunduin nito ang bagong kasal sa airport. Mabilis napayakap ang kaibigan niya sa kanya ng salubungin niya ang mga ito.

"Ang tagal mong nawala, unti nalang wala ka nang trabaho" pang-aasar naman niya kay Uryllane na nginitian nito

"Namiss ko iyang pagiging sarcastic mo hah"

"Naman"

Maya-maya pa ay natanaw na rin nila si Shigure na todo ang disguise at dala ang maleta nito. Hindi naman niya maiwasang mapangiti sa itsura ng binata.

"Yo Shigure!"

"Hi Mira! Kamusta na?"

"Ito namiss kayo, so ano? Tara na? Pasalamat kayo wala akong trabaho ngayon" pagtalikod na niyang ikinangiti lamang ng dalawa.

"Asus, kahit naman may trabaho ka, gagawa ka pa rin ng paraan para masundo kami. Ganoon mo kaya kami kamahal"

"Oo na, oo na, ako na may care. Badtrip"

Nang makasakay sila ay kusa na ring dumaloy ang kwentuhan. Hindi niya akalain na sa ilang linggong nagdaan ay sobrang mamimiss niya ang mga ito. Lalo pa't kagaya ng inaasahan, nagtatalo nanaman ito.

"Okay, we're here" nakangiting wika niyang inawat na ang dalawa na tila walang katapusan sa pagtatalo ng pinakamasarap na pagkain na natikman nila sa Europe

Sa bagay, kahit nga pala matalino ang dalawang ito at alam na may kanya-kanyang opinyon ang bawat tao. Siguradong hindi ito magpapatalo sa punto ng bawat isa.

Ilang sandali pa nga ay nakarating na sila sa bahay ng mga ito. Nauna nang bumaba si Shigure at inasikaso ang mga bagahe ng mga ito habang si Uryllane naman ay binuksan ang pinto ng bahay. Pababa na rin siya ng sasakyan para tulungan ang mga ito nang hindi pa niya nabubuksan ng daretso ang pintuan ay sakto namang nag-ring ang phone niya.

Between You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon