Chapter Fifteen

3 0 0
                                    

CHAPTER FIFTEEN

"MA! PA"

"Anaaaaak!!!!!"

Iyon ang masaya niyang pagyakap sa kanya ng kanyang ina matapos makarating sa Rizal. Nasiyahan naman siya sa reaksiyon nito dahil hindi nito inaasahan ang pag-uwi niya gayundin ang pagdadala niya kay Alex sa kanila. Agad rin namang lumapit sa kanya ang ama at niyakap rin siya. Napansin din nito si Alex na kasama niya, and of course, knowing her mom and dad. She is so sure na kilala ng kanyang ama si Alex bilang anak ng matalik na kaibigan ng kanyang ina, iyon nga lang dahil mabigat na parusa ang makukuha ng kanyang ina sa ginagawang kalokohan nito sa buhay niya at kailangan nilang gumawa ng storya sa kung paano sila nagkakilala. By this point on ay planado na naman nila ni Alex ang lahat.

"Good morning Tita" pagbati ni Alex sa kanyang ina habang seryoso naman nitong binalingan ang kanyang ama

"Good morning po Sir"

Halata sa mukha nito ang pagtataka kung paano sila nagkakilala at mula't sapul ay nasisilayan na niya ang lihim na pagsenyas ng kanyang ina sa kanya. Siya na rin ang hindi maiwasang mapailing sa pagiging isip bata nito mailigtas lang ang sarili.

"How come magkasama kayo? May kinalaman ka nanaman ba dito hon'?" nagawang pagtatanong na rin ng kanyang ama sa kanila bago ito nakasimangot na hinarap ang ina

Mabilis na umiling ang kanyang ina na siya na rin naman mahinahong ikinasagot niya. Kakaiba talaga ito.

"Pa, this is Alex. Well, I know you know him since anak siya ng isang Sy at ni Tita Carla na bff ni Ma but when we met, we didn't know na magkakonekta ang pamilya namin" wika niyang tila hindi naging kumbinsido sa sinabi niya

"That's right Sir, we met sa isang coffee shop accidentally. She was a friend of Yiro, well, I know you know him Sir because he is a very close friend of Mira and coincidentally, roommate ko po si Yiro when we were both studying in Japan. I met him there and when we bump into each other sa isang coffee shop, he was with Mira and he introduced me to her" wika nitong hindi lang siya ang nagulat dahil hindi iyon ang pinraktis nila maging ang ina niya na walang kaalam-alam na magkakilala ito at si Yiro

Come to think of it, iyon ang totoong nangyari ngunit hindi lang niya inaasahan na madadamay pa si Yiro sa usapan. When she saw her dad's reaction, nakatingin lang ito sa kanya na para bang binabasa nito ang reaksiyon niya. Hindi niya magawang titigan ito ngunit sa huli ay hinarap na lamang nito si Alex.

"So what are you now? Dating?" pagtatanong nitong ikinasagot naman ni Alex

"That's how we call it Sir"

"Bago ko pa tanggapin ang sinasabi niyong estado niyo eh matanong nga kita, mahal mo ba anak ko?" pagtatanong nitong ikinapigil naman niya sa ama ngunit hindi nagpatinag

Halata din ang bahid ng excitement ng kanyang ina sa nangyayari. Tila hindi malaman ni Alex ang sasabihin rito dahil na rin sa tila ilang sandaling pag-iisip ngunit ng harapin nito ang kanyang ama ay mas nagulat pa siya sa sinagot nito.

"Yes Sir"

Sa puntong iyon ay hindi siya nakapagsalita. Ang nanay naman niya ay gusto ng tumambling sa tuwa ngunit tila hindi pa rin kumbinsido ang kanyang ama sa sagot ni Alex rito.

"Sigurado ka? Handa mo ba siyang pakasalan o natatakot ka na marinig ang salitang iyon lalong-lalo na sa harap ng ama ng babaeng sinasamahan mo? Mag-isip kang mabuti iho, hindi kita tinatakot pero kung hindi ka handa na harapin ang buhay kasama ang anak ko puwes itigil mo na ito ngayon palang" pagtatanong nito na halos ikaguho na ng kanyang mundo

Dating palang, usapang kasal na? At itong ina niya ay lihim na atang gustong purihin ang kanyang ama sa pagdadala ng storya.

"Pa, ano ba naman iyan-"

Between You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon