Chapter Seven

4 0 0
                                    

CHAPTER SEVEN

MATAGAL NA NAKATITIG si Almira sa mga dokumentong nasa harapan niya. Kanina pa niya binabasa ito pero walang pumapasok sa isip niya. At kahit sa maikling salita, hindi nagagawang magsink-in noon sa kanyang isip. Hindi na lamang niya mapigilang mapabuntong-hininga bago tuluyang bitawan ito at napasapo sa noo.

"What's wrong with you Mira?" hindi na lamang niya mapigilang usap sa sarili bago napabaling sa cellphone na tila nagawa na ring manahimik

Simula nang nasabi niya kela Aira at Ury ang lahat, nahirapan na rin siyang harapin ang mga ito. Bakit nga ba hindi? Siya si Almira Mondrego, patay na patay kay Yiro Moriko na kulang na lamang ay patusin ang lahat ng dahilan para mapalapit rito pero sa harap ng mga taong nakakita ng handa niyang forever ay siya ring pagsuko niya sa inaasahang love story ng mga ito.

She knew the plan of her friends. Kahit na may mga pagkakataon na natatakot ang mga ito sa maaaring kahantungan ng pag-ibig niya kay Yiro. Ni minsan, hindi niya nakitang dinown siya ng mga ito. Aira loved her. She knew that, kaya hindi na rin siya nagtaka nang matakot ito para sa kanya. But she guess, it was also by that kaya natauhan rin siya.

But whatever she decided to do now, hindi iyon basta dahil sa impluwensya ng nanay o ng kahit sino sa mga kaibigan niya. She might be a tough girl but she also has a weakness. And she have to admit, she doesn't have any courage to be rejected by Yiro. Kaya habang maaga pa, habang kaya pa niya, uunahan na niya ang tadhana.

"Busy?"

Sa boses na iyon ay siya na rin ang napatayo sa kinauupaan. Muntikan pa siyang ma-out of balance dahil sa biglaan niyang pagtayo na agad rin naming kinaalalay nito.

"O!" mabilis na wika nitong inalalayan agad ang likod niya

Matapos naman maliwanagan sa nangyayari ay siya na rin ang napatayo ng ayos mula sa pag-agapay nito.

"Anong ginagawa mo rito Iroy?" hindi pa rin makapaniwalang saad niyang ikinangiti nito

"Nagulat ba kita? Wala ka kasi sa condo mo, sinubukan kong tawagan ka pero out of reached ka and both Ury and my sister can't reach you too. May nangyari ba?" pagtatanong nitong mabilis naman na ikinailing niya

"Wa-wala! I just... I think... I" wika niyang hindi malaman ang sasabihin na naging dahilan para mariin na lamang niyang ipinigit ang mga mata

Wala na nga ata talaga siya sa kondisyon.

Napangiti na lamang ito sa naging pagsasalita niya bago dare-daretsong pumunta sa table niya at tiningnan ang mga dokumentong naroroon.

"May operation ka ba?" pagtatanong nitong napatungong ikina-iling na lamang niya

"So, what's the point of working so hard these days? It's been like what? Five days? Magi-isang lingo na ko sa Pilipinas pero hindi ko masyadong naramdaman presensya mo. Hindi ka rin naman tumatawag, usually ikaw laging nagyayaya. Sigurado ka bang okay ka lang Miray?" pagsisiyasat muli na itinatanto ang dahilan ng pagkawala niya nitong mga nakaraang araw

Hindi niya mapigilang mapalunok. She guesses it wouldn't be easy huh? Afterall, it was her who decided every little thing just to be with him.

"Ahhhhh, wakarimash'ta! I understand" napatingalang saad na lamang niya dala ng frustration sa nangyayari sa kanya

"Naiintindihan mo ang alin?" nagtataka namang saad nitong ikinadaretso na niya ng tingin

"Iroy, wanna go for a cup of coffee?" pagyayaya na niyang nagtatakang tinanguan na lamang nito

Sigurado mas mabuti kung dadahan-dahanin niya ang lahat kapag si Yiro ang kasama niya. Kung ayaw niyang mag-alala o makahalata ito, mas mabuti nang maitago niya ng mabuti ang lahat.

Between You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon