Chapter Eight

4 0 0
                                    

CHAPTER EIGHT

LE MEIllEUR. 7pm. He'll be wearing a dark blue coat and white polo inside. May you be blessed anak! - Mama

Hindi na lamang mapigilan ni Almira na mapabuntong-hininga matapos mabasa ang mensaheng iyon ng kanyang ina.

"Today is the day, huh?" mahinang saad naman niya sa sarili bago napaayos nalang muli ng upo at muling pinagtuunan ng pansin ang popcorn na niluto pa niya

Wala siyang klinika ngayon. Wala rin naman siyang gaanong trabaho kung kaya't masasabi niyang rest day pa rin ang araw na iyon sa kanya. Syempre naka- on call pa rin siya kung kaya't hindi pa rin naman siya maaaring sabihin na totally ay maaari siyang magpahinga pero para sa araw na iyon, hahayaan na niyang magawa niya ang gusto niya. Kailangan nasa kondisyon rin naman siya para magawa ang isang bagay na nagpakumplikado sa utak niya.

Inaabsorb pa lamang niya ang pinapanoood ay narinig niya ang pag-doorbell sa pintuan ng kanyang condo. Siya na rin naman ang nagtaka kung sino iyon dahil kung tutuusin ay wala naman siyang ine-expect na kahit sino. Pero thinking na hindi siya inabisuhan mula sa lobby ng kung sino mang aakyat sa unit niya ay isa lamang ang ibig sabihin. Kung hindi pamilya niya na malabo naman talagang dalawin siya ay sigurado isa lamang iyon sa mga kaibigan niyang nakalista na pwedeng dumaretso na sa unit niya.

Sa puntong iyon ay kusa na rin siyang tumayo. At nang silipin sa peephole kung sino ang naroroon ay siya na rin ang napabuntong-hininga. So they are here.

"Anong ginagawa niyo rito?" iyon ang pagsilip na wika niyang hindi daretsang pinagbuksan ang mga ito ng pinto

"Hanggang kailan ka ba magtatago sa'min Ms. Mondrego? Sumosobra ka na hah" nagmamaktol na saad naman ni Uryllane na muli ay ikinabuntong-hininga niya bago binuksan ng buo ang pinto ngunit iniharang na lamang ang sarili rito

Stress.

"Hindi ako nagtatago, I just needed some time for myself"

"Myself, myself! Kaya pala two days ago, kasama mo si Yiro" saad muli nitong nagtatampo sa kanya na halatang patuloy pa rin sa ginagawang kasalanan

"You're still following him? What the heck Ury! Oy ikaw Shigure, kaysa manahimik ka diyan. Pagsabihan mo nga iyang asawa mo" hindi naman makapaniwalang saad niyang binalingan ang kasama nito

"Nope, hindi ako sasali diyan sa gera niyo. Isa pa, kung mayroon mang kakampi diyan. Hindi ako iyon. Kung hindi iyong taong iyon" saad naman muli nitong prenteng nakasandal lamang sa dingding habang may itinuturo kung saan

Siya na rin naman ang nagulat ng mula nga sa direksyon na sinabi nito ay lumabas ang babaeng iyon. So Aira is here.

"Sheesh Kuya! Bakit mo sinabi?" nafu-frustrate na wika na rin nito bago idinaretso ang baling naman sa kanya

At ikaw? Hanggang kailan mo balak indahin ang pagtawag ko?" nakasimangot na wika nitong halata ang pagtatampo sa kanya

"Easy Aira. You're not here to do that" saad naman ng lalaking kasama nito na naging dahilan para pumalag pa rin ang nobya nito

"Hindi Hino, ngayon lang sasabihin ko sa babaeng ito na sumosobra na siya. Okay lang indahin sa una o sa pangalawang beses pero for many days? Sobra na iyon" masama pa rin na loob na wika nitong ikinasuko na rin lang naman niya

"Fine. I get it. It's my fault. I'm sorry" wika niyang yumuko na lamang sa mga ito bago muling iniharap ang tingin rito

"Naging self-centered ako at nagkulang ako sa inyo. Sa kagustuhan kong maging okay ako, I forgot to value your feelings. I'm sorry! You've done a lot for me yet ganoon pa ang ginawa ko" saad niyang sa huli ay ibinaba na rin ang sarili sa mga ito

Between You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon