Chapter Sixteen

3 0 0
                                    

CHAPTER SIXTEEN

NAKATINGIN SA ORASAN ng klinika si Almira habang tinatantiya ang bawat segundo. It's been days simula noong makabalik sila ni Alex ng Maynila from Rizal. Nagawa na niya kahit papano ang trabaho niya sa araw na iyon at kung tutuusin ay pwede na siyang umuwi. She knows everything is according to the moments that God wants her to take and be a part of. In a while ay susunduin na siya ni Alex para makapag-dinner sila pero hindi ba niya alam. Knowing that Yiro knows her every move tila ba kinakabahan siya sa pagkikita muli nila ngunit kung may pag-aalala pa sa kanya ang binata hindi ba dapat matagal na itong bumalik para pigilan ulit sila? Ngayon pa ba siya uurong? Sigurado na siyang kaya na niyang sabihin. Kung para sa ikalilinaw ng lahat ay sasabihin na niya.

Tumayo na siya sa kinauupuan at kinuha ang mga gamit niya bago nagpaalam sa kanyang assistant at lumabas ng klinika. Nakasalubong niya si Uryllane na tila hindi pa tapos sa pagra-rounds. Nakangiti naman ito sa kanya at kahit alam niyang pagod sa trabaho ay hindi naman natinag ang masayahing personalidad nito.

"Uwi ka na? Ay galing! Nagtanong pa ako, obvious naman" wika nitong binawi agad ang sinabi

"Actually hindi pa, susunduin ako ni Alex. Mag di-dinner kami ngayon" pagbibigay impormasyon naman niyang ikinangiti ng dalaga

"Masaya ako na okay kayo pero sana paunti-unti na ring nagiging maligaya ang puso mo" wika naman nitong kahit papano ay ikinangiti niya

"I am happy, don't worry" pagngiti na lamang niya rito na maaliwalas ring ikinangiti ng kaibigan

Well, sa sitwasyon niya ngayon ang mahalaga ay may mga pagkakataon na naappreciate niya. Masayang bagay naman ang mga ginagawa niya. Hindi dapat lagi siyang matakot sa pwedeng kahinatnan ng future niya.

"Nga pala, how's your schedule? Naayos mo na ba?" pagtatanong nitong ikinakunot naman ng noo niya

"Para saan?"

"Hala ka! Lagot ka! Sa dami ng makakalimutan mo ay iyong kasal pa ni Aihira at Hino, 1 buwan na lang iyon. Kailangan nasa Ski Paradise tayo 1 day before the wedding to arranged everything, mag-leave ka muna for 5 days para makapag-stay pa tayo. Nandyan naman si Dok Reyes to relieve you" wika nitong ikinapigit naman niya

Shoot! Sa sobrang gulo ng nangyayari sa buhay niya, nakalimutan niyang isang buwan na nga lang pala at ikakasal na ang dalawa. Ilang buwan na rin naman siyang ganito, ilang buwan na rin pala ang lumipas simula ng ikinasal si Shigure at Uryllane, thinking about it, nakakaloka na nasa ganitong sitwasyon pa rin siya. Well, at least ay patapos na.

"Sorry, masyadong na-occupied na yung utak ko ng mga bagay-bagay ngayon but don't worry, magte-take time ako to arranged everything tomorrow" wika niyang ikinabuntong-hininga naman nito

"Anyway, how about iyong petals shower achuchu na ginawa mo sa kasal ko noon? Ikaw nagplano nun, hindi ba? Okay na ba?"

"Okay na, mas ginandahan ko pa nga" nakangiting sagot naman niya bago nakarating ng elevator at sumakay rito

"Duga" bigkas na lamang ng kaibigan niya bago sila tuluyang nagba-bye sa isa't isa at sumarado ang pintuan nito

Nang makarating siya sa lobby ng hospital ay natanaw na rin naman niya ang binata na kumakaway sa kanya. Nagmadali na rin naman siyang maglakad palapit rito ngunit hindi pa man niya tuluyang nalalapitan si Alex ay may mabilis na humila na sa braso niya. Pagkaharap niya rito ay siya na rin ang napatigil. Hindi niya akalain na ang lalaking iniisip niya kanina ay makikita niyang seryosong nakabaling sa kanya sa mga oras na ito.

HALOS LUMUNDAG ang puso niya mula sa kanyang dibdib ng makita ang seryosong mukha nito na nakamasid sa kanya. Ramdam din niya ang ibig sabihin ng mahigpit na paghawak nito sa kanya kahit wala itong sinasabi at nakatingin lamang. Sa kabilang banda na naramdaman na rin niya ang pag-alalay ni Alex. Hindi niya namalayan na nakarating na rin pala ito sa tabi niya. Alam niyang nagtitimbangan ang dalawang ito ngunit hindi dito, hindi dapat sila dito naghaharap-harap.

Between You and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon